Kenji - Chapter 7

432 24 0
                                    

Please don't forget to vote, share and follow my instagram account _moonsandsmiles


***

Mikka's POV


"Inabala mo pa si Kuya Kenji mo. Sana inantay mo nalang ako o kaya tinext. Naka--"


"It's okay. Pagdating kay Mina, lagi akong may oras." Kenji said, smiled and lightly patted Mina's head. Ito namang sutil na bata na to, nag eenjoy na parang aso.


"Per--" He cut me off again


"Nag enjoy naman akong kakwentuhan siya. I missed her." He said. Hindi nalang ako nakapagsalita. 


Pag dating kasi kay Mina, alam ko nang mahina si Kenji. Noong kami pa, most of the time, pag wala ako or busy ako sa work, si Mina ang kasama niya. Pupunta sila sa mga malls or kakain sila sa mga food hubs. Thankful naman ako na kahit matagal na kaming wala, hindi pa rin nawawala yung concern at affection ni Kenji kay Mina.


Pero kasi, baka ma-misinterpret ni Anna lahat ng ito. Kung ako si Anna, masasaktan ako kung malaman ko na ang tatay ng anak ko ay nagbibigay ng oras sa family ng ex niya. Gets ko naman na may pinagsamahan, pero iba na kasi ngayon ang sitwasyon. Iba na. Alam ko naman 'yon. Alam ko ang limit ko.

This time, I'm gonna let it slide pero pagkatapos ng araw na to, kakausapin ko si Mina tungkol kay Kenji and I know, maiintindihan niya to. Si Kenji naman, hindi ko alam kung anong trip niya. I mean, siguro nga hindi big deal sa kanya yung ginawa niya last night. He kissed me. But for me, it's a big deal. Not because may feelings pa or what, pero kasi ayokong maging dahilan ng pagiging magulo ng utak niya lalo na may family na siya. Before this day ends, Kailangan kong ayusin lahat to.

"Where do you want to eat, Mina?" he asked

"Kuya, can we go to our favorite restaurant? Namiss ko na pumunta doon e." Mina asked him back. Napangiti lang si Kenji tapos tumingin sa akin. 


"You're gonna join us, right?'tanong naman niya sa akin

"uhm. yeah. Of course." I answered.


"Okay. We'll go and eat there." Sabi naman niya kay Mina

"Yehey!!! Thank you kuya!!" Mina said. She's so happy. She even hugged Kenji. 


Somehow, namiss kong makita silang dalawang magkasama. Para na rin kasing kapatid yung turing ni Kenji kay Mina. He's close with my family lalo na sa Mom ko. Minsan pa nga, mas kinakampihan pa ni Mommy si Kenji kesa sa akin. 

Naglakad kami papunta sa parking. Yung car nalang na dala ko yung gagamitin namin. Sabi ni Kenji, babalikan nalang niya yung car niya mamaya pagkahatid niya sa amin. Hindi na rin ako umangal kasi itong sutil na bata na to, hindi mapipigilan at gustong nakabuntot kay Kenji.


Nakapasok na kami sa loob ng kotse. Si Mina sa back seat, ako sa passenger's seat at si Kenji ang nagmamaneho.

"Saan ba ang punta natin?" Tanong ko kay Kenji.


"Mang Juan's." He answered.

Kenji (SB19 Ken Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon