PROLOGUE

50 3 0
                                    

"Ma! Pa! Tell me, this is just some kind of a joke right?"

"No son. Pasensya kana. Pati kami nahihirapan sa desisyong ito.. Wala na kaming magagawa. Nahihirapan na talaga kami at ito lang ang tanging paraan---"

Hindi ko na siya pinatapos. Hindi ko napigilang umalis sa harap nila.

Ang drama ko ba?

Hindi rin.

Sadyang nagulat lang. Scratch that, nagulantang LANG naman po ako.

Masyado pa akong nag-eenjoy ngayon ngunit ganon lang nila kadali putulin ang

kaligayahan ko. Nakakaasar!

Akala ko pa naman maganda ang ibabalita nila sa akin. Matagal na panahon na kasi nung huli kaming nagtipon-tipong mag-anak dahil palagi na lang silang busy. I just don't know if they remember that they still have a son waiting for them all those years. Nagkasama nga kami ngayon ngunit masyado akong nasorpresa sa pinasabog nilang balita. Mabuti pa magpalamig muna ako bago ko sila haharaping muli.

------------------------------------------------------------------------------------------

"No! No! No! It can't be. Mom! Dad! You both know that I'm not ready for that kind of stuff!"

"Dear, trust us this time. This isn't just for our own benefit but for you as well. All these years, pinabayaan ka namin sa mga gusto mong gawin at binigay lahat ng luho mo. Pwede ba, kahit ngayon lang, sundin mo naman kami?"

"No mom. Sorry, but for me it's too much. All my life, I want to do things my way, especially now."

"But sweetie---"

"No more ifs and buts mom,dad, I can't grant your request. And that's final!"

Hindi ko na sila pinagsalita pa kasi kusa na akong nagwalk-out sa harap nila. Dumeretso ako sa kwarto at nagmukmok. Alam ko nagulat at galit sila sa akin ngayon dahil first time ko silang hindi sinunod. Eh sa hindi ko kaya yung pinapagawa nila. Masisisi nyo ba ako.

Maaring pinagbibigyan lang nila ako ngayon. Pero alam ko, kahit ano pang gawin ko, sila at sila pa rin ang masusunod.

Paano na ako ngayon?

Sadyang ayaw ko pa. Hindi pa talaga ako handa. Hindi ba nila ako maiintindihan.

A/N:

Hello there! Hindi ko lang alam kung may nagbabasa o magbabasa ba nito. Basta't ang alam ko lang ay ginawa ko lang to bilang pampalipas oras. Hahaha. Also, this is my first

time writing a story in Filipino so passensya po sa mga errors.

Vote.Comment.Follow.Your choice.

Tanong ko lang:

Ano sa tingin 'nyo ang pinag-uusapang bagay ng dalawang characters na ayaw na ayaw nilang gawin?

Feel free to comment or PM me your answer :) I already have a concept in mind but I just want to know your side...

#loombandpepper (dlc)

MAKE ME WANNA SAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon