CHAPTER ONE

9 2 0
                                    

Chapter One

Unexpected

TWO YEARS LATER..

TRINITY'S POV

"Sissy, wake up." Gising ni Kuya Red sakin. Paglingon ko sa bintana ng private plane namin nakita ko na nasa Philippines na kami.

I'm back. Trinity Spark Kim is back in the Philippines. Nginitian ko si kuya at bumaba na sa eroplano. Dinama ko ang simoy ng hangin. Napangiti ako. This is the same airport last two years na paalis ako papuntang Korea. Now after two years I'm back, with a vengeance.

"Let's go, Lil girl?" Tanong ni Kuya Knight sakin. Inirapan ko siya. I really hate the way he call me 'lil girl' nakakasuka.

"Ang sungit naman ng bunso namin, ano? Excited kana ba para sa paghihiganti mo kay Lhanz?" Tanong naman ni Kuya Jhian sakin.

I looked at him with a smirk. "I'm not just excited. I prepared for this and it took long 2 years, sasaktan ko sila sa pinakamasakit na paraan, at doon nila malalaman ang tunay na bangis ng isang Kim." Sabi ko at ngumisi sa hangin.

Kita ko rin na nakangiti sina kuya sakin. Tinap naman ni Kuya Red ang ulo ko. "Ayan ang bunso namin! Tara na?" Tanong nila.

"Let's go." Sabi ko at nanguna sa paglalakad. After namin sa airport dumiretso na kami sa condo. Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. I'm so exhausted. Bukas na bukas rin ay magugulantang na ang mundo nina Lhanz at Lhyr. I will be back with a revenge gun for their shit relationship.

AFTER 1 DAY...

"Good morning." Sambit ko pagkababa ko. Nakita ko ang tatlo kong kuya na nagaalmusal. Nginitian nila ako.

"Good morning lil sis. Kain kana." Sabi ni kuya Knight.

I smiled at him. "Sorry, I'm on a diet." Sabi ko at lumabas na.

Pagkalabas ko kinuha ko agad ang cellphone ko at nagopen ng Facebook.

Pagkakita ko 99+ agad ang notifications. Madami din akong nakitang friend requests at isa na doon si.. Lhanz.

Napangisi ako. "Look at the density. Keso na ang lumalapit sa daga.." Sabi ko at pinindot ang accept. Nakita ko na famous pala ang gago.

'Nagawa mo pang maging famous eh mukha ka namang tubol?'

Napangisi ako muli dahil sa sinabi ng isipan ko. Nakita ko rin na naka-in a relationship pa si Lhyr kay Lhanz. Madami ang nagcomment ng SS pero I'm sure recycled plastic naman ang mga nag-comment dito, wagas naman sa heart reaction ang mga kupal. Wait. Why am I stalking this shits?

Dahil sa inis, tinago ko na sa bag ko ang cellphone ko at hinintay makalabas sina kuya. I can't wait for my revenge. Pinaghandaan ko ang araw na ito. Hindi lang simpleng paghihiganti ang gagawin ko, like what I said, sasaktan ko sila sa pinakamasakit na paraan. Yung bang magsusuicide na si Lhyr sa sobrang depression? Demonyo na kung demonyo pero isang Kim ang sinaktan nila kaya makikita nila ang tunay na meaning ng gyera.

Lumabas na sina kuya. "Ang tatagal ninyo. Feeling so important? Let's go." Mataray kong sabi sakanila at naunang sumakay kita ko pa na nagtinginan sila bago pumasok. I checked the time. 7:30am.

Sumakay na sila habang nagba-byahe. "Trinity, are you sure na naka-move on kana? Baka masaktan ka dahil sa kaharutan ng ex mo at ex-bestfriend mo." Sabi ni Kuya Red at tinignan ako sa rear-view ng kotse.

Tinignan ko din siya sa rear-view ng kotse. "Ofcourse. Matagal na akong ready. Hindi lang handa, handang-handa, handang manampal ng isang malanding kaibigan." Sabi ko at ibinalik sa view sa labas ang tingin.

"Pansin lang namin, lil sis. Tumataray ka ah? Pati kaming mga kuya mo natatarayan mo na.. Baka mamaya't maanakan kita—" binatukan ni Kuya Jhian si Kuya Knight. "Aw. Para san yun?!" Tanong ni Kuya Knight.

"Kahit kailan ka talaga, Knight. She's our sister. We need to protect her. Kaya ikaw? Tigil-tigilan mo ang pagmamanyak sakanya, like I said.. she's our SISTER." Sabi ni Kuya Jhian.

Tumawa naman si Kuya Knight at tumingin sakin at niyakap ako. "Joke lang yun ah, lil sis? Po-protektahan kita, alam mo iyan. Sasapakin ko ang gago na mananakit sayo." Sabi ni Kuya Knight habang yakap niya ako.

Diring-diri kong inalis ang katawan ni Kuya Knight sakin, hindi sa ayaw ko sakanya, talagang biruan namin iyan. Wala lang talaga ako sa mood para sakyan ang kalandian ng mga kuya ko.

Protective ang mga kuya ko. Si Kuya Jhian or must known saming apat na Father Jhian. Napakagaling kasi niyan magadvice at parang pari na sa ka-anghelan. May girlfriend siya, si Ate Loisa na nasa France. Sobrang seryoso niyan, yung tipong hindi mo na siya masabihan ng jokes? Ranging si Ate Loisa lang ang kayang magbiro diyan, girlfriend niya nga kasi. Siya din ang panganay kaya ubod ng seryoso tss.

Si Kuya Knight na manyakis pero ayaw na ayaw akong mabastos. Sobrang bait niyan, may halong kamanyakan nga lang, NGSB siya, pero madami nang nilandi, may nililigawan siya, si Ate Samantha na nasa States naman. Pero ang mga biro niya sakin mga green jokes pero never niya akong binastos ng pisikalan. Siya din pala ang pangalawa samin.

At lastly, si Kuya Red. Ayan, siya ang ka-close ko. Alam niya lahat ng problema ko, siya ang nasasabihan ko niyan, siya yung kuya ko na alam kung kailan ako broken, badmood, inlove at nasa mood para landiin. Haha. May crush naman siya pero hindi niya minamadali. Study first kasi siya. Mas matanda naman siya sakin ng one year.

Wala na akong magulang. Bata palang ako hindi ko na sila nakikita. Ewan ko kung saan sila nagpunta pero I dont care to them, galit ako sakanila, yes. I'm so fucking angry to them.

Hindi magandang pagusapan.

"Trinity!" Dahil sa pagtawag ni Kuya Jhian sakin nabalik ako sa wisyo.

Pagkalingon ko sakanya nakita ko nasa school KO nako. Yes. You heard it. AKIN ang school nato. Just like what I told you before.

Napalingon ako kay Kuya Jhian. "Bababa nako. I'm excited to slap their faces." Mataray kong sabi at lumabas na. With a poice naglakad ako sa main gate. Lahat nakatingin sakin, last two years hindi ganito ang scenario every time na naglalakad ako sa hallway. Now, halos lahat ng mata sakin ang tingin. Diretso lang ako naglakad hanggang sa makapasok ako sa principal's office.

Nakita ko si Britney na nakaupo sa upuan niya and when she saw me agad siyang tumayo. "E-ella?" Nauutal niyang sabi.

Napayuko ako at tumingin ulit sakanya na may inis na ngisi sa labi ko. "Trinity Spark Kim. It was nice to be back Britney Kimzy Wang." Sabi ko sakanya.

"O-oh.. Kailan ka pa nakabalik?" Tanong niya.

Umupo ako sa upuan sa harapan niya. "Last afternoon. Dito ako magaaral and I dont want you to tell anyone that I'm back. Let me introduce myself to them, lalo na kay Lhanz naiintindihan mo?" Tanong ko kay Britney.

Umupo siya. "Wala na ba kayo ni Lhanz?" Tanong niya.

Tumawa ako. "Almost two years. Pinagpalit niya ako kay—" naputol ang sasabihin ko dahil may pumasok and I was very shocked from who I saw.

Unexpected first sight.

To be continued.

-

Hello. Haha. Sorry ah mga readers? The first five or two parts of this story will be boring kumbaga parang mga sabaw lang siya. Haha. Sorry. And btw, welcome to the story of Spark Kim and Ethan Montefalco. Sana magustuhan ninyo. Love you ol! Sana ol HAHAHAHAHAKDOG lol HAHA!  <3

The Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon