Chapter Thirteen:
Picture
TRINITY'S POV
"Sir okay ka lang ba?" Tanong ko kay Sir Athan. Ngumiti siya nang tipid sakin and he nodded to me.
Tumikhim ako bago ipinagpatuloy ang pagkain ng fries na binili niya sakin.
Nang napatingin ako sakanya nakita ko na nakatingin kaya nilunok ko ang fries na nginunguya. "What?" I asked him with a irritated voice.
"M-may dumi ka..." Sabi niya and he pointed the side of his lips. Tinuro ko naman ang akin.
"Dito ba?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"Sa kabila.." Sabi niya kaya nilipat ko ang kamay ko at tinuro iyon. "Hindi, ako na nga.." Sabi niya at inalis ang kamay ko at pinalit ang kamay niya.
Habang nakatingin siya sakin, dahan-dahan niyang pinupunasan ang labi ko.
Pang K-drama lang!
"Ayan, okay na.." He said at umiwas muli nang tingin.
Bakit naging mahiyain ata siya? So weird.
"May problema kaba, sir? Ang weird mo." I said to him habang umiinom nang mineral water.
Tumingin ako sakanya habang sinasara ko iyon. "S-sorry." He said to me directly at lumapit siya sakin at sinandal niya ako sa balikat niya habang nakaakbay siya sakin.
Kung titignan kami ngayon para kaming magjowa dito sa bench. Nang may dumaan na mga babae sa bench pero tumigil sa harapan namin.
Nagtinginan sila bago lumapit. "Ah, ate pwede ba kaming magpa-picture sa boyfriend mo? He's so cute kasi eh.." Sabi nung isang babae na mapula ang labi at hapit na hapit ang suot and I think grade nine or ten lang to.
Bata-bata, harot-harot!
"H—" hindi ko natuloy iyon dahil nagsalita si Sir Athan.
"I'm sorry, hindi ako interesado. Marami naman diyan, maghanap nalang kayo. Dahil baka ayaw din nang girlfriend ko. Sorry." Sabi ni Sir Athan at pilit ngumiti sa kanila.
Nagiba naman ang aura nung babae at tumingin sa mga kaibigan niya. Lumapit naman yung isa samin, tulad nang kasama niya, mapula din ang labi niya at halos butasin na ang buong pantalon niya dahil sa ripped jeans niya.
"Ah, kuya, pic lang naman eh, sige na.." Sabi nung girl. Tumayo naman ako.
Ewan ko, naiirita ako sakanila, ang bata palang harot na.
"Eh ayaw nga niya di'ba? Bakit ang kulit ninyo?" Tanong ko at medyo nagtaas ako nang boses. Napaurong naman yung isa.
Nagcross-arm yung huling babae sa likod at naglakad papalapit sakin. "Kasi ang damot mo, ano? Natatakot kang ma-fall samin ang boyfriend mo? Share your blessings naman!" Sabi niya.
Aba! Ang kapal ng mukha!
"Gusto mo?" Tanong ko at tinaasan siya nang kilay. Sumilay ang ngiti sa mga labi nila.
"Sure!" Sabi nila. Ngumisi ako.
"Mabalian nang buto?" Tanong ko kaya again, nagiba ang aura nila.
Tangina! Papatulan ko kayo!
Bigla naman tumayo si Sir Athan. "Babe, tama na yan. Hayaan mo na. Sorry ha? Pero hindi ako maf-fall sainyo. Kontento nako sa girlfriend ko." Sabi niya at ngumiti sakanila nang pilit ang ginaya ako paalis doon.
Pinagtitingin narin kami nang mga tao nang makaalis kami doon,
"Uy, huwag kana magselos." Sabi niya habang tumatawa. I glared to him. "Sabi ko nga."