Chapter Seven
Kiàró Quadrà
TRINITY'S POV
Three days later...
Matapos ang tatlong araw na-discharge na ako, bukas papasok na ako. Hindi tulad noon, parang hindi normal. Parang.. Ugh! Basta ang weird. Simula ng malaman ko na gangster ako parang anytime parang threat sa buhay ko...
Nakaupo ako ngayon sa kotse at nakatingin sa view. Nang umupo si Kuya Jhian sa tabi ko.
"Are you okay?" He asked to me. I just nodded as an answer. Inakbayan niya ako. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya pero hinayaan ko lang. "I'm sorry if ini-lihim namin sayo ang katotohanan." Sabi niya sakin.
Tumingin ako kay Kuya. "No. It's okay." Sabi ko. Okay naman talaga. Hindi ako galit sakanila anyway.
Nagsisakay narin sina Kuya Red at Kuya Knight sa kotse bali kami ni Kuya Jhian ang magkatabi at si Kuya Knight ang driver.
Nagsimula na magdrive si Kuya Knight pero akala ko sa condo na ang punta namin pero I'm wrong pumunta kami sa isang mansyon na hindi pamilyar sakin.
Nasan kami? Wait, baka stop over lang to. Hindi na ako bababa.
Nang bumaba sina Kuya Jhian binuksan niya ang pinto. Tinignan niya ako.
"Bumaba ka." Sabi niya at naunang umalis. I have no choice kung hindi bumaba.
Pumasok nako sa mansyon pero nasa likod lang ako ni Kuya Red. Pinaupo nila ako sa sofa at parang may hinihintay.
Nang may apat tao ang bumaba sa stairs— tatlo na lalaki, isang babae. Nakatingin sila samin. Nang makababa ang apat na taong iyon nagbow sila kina Kuya.
"Siya na ba?" Tanong nung lalaki na may pagka-pinya ang hairstyle kulay red din ang buhok niya.
"Yeah. Siguro naman aware na kayo sa gagawin ninyo." Sabi ni Kuya Knight sakanila at tumingin dun sa babae at ngumiti.
Inirapan naman siya nung babae. The heck ang taray ni ate!
Tumingin si Kuya Red sakin. "Sila ang Kiàró Quadrà ang mga magte-train sayo to be a fantastic princess." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya.
"Huh? What do you mean?" Tanong ko. Lumakad si ate girl papunta sakin.
"Kiàró Quadrà meaning Tough Four. Kami ang mga taong pinagkakatiwalaan ng Pink Rashes Rose para magtrain sainyo. We are trained assassins. We can kill enemies with bare hands." Sabi niya at nagbow sakin. "By the way I'm Anna Cass Buena." Sabi niya rin.
Napa-ahh nalang ako. Sumunod naman naglakad yung dalawang lalaki papunta sakin—kasama si Kuyang Red Hair.
Yung isa parang cold siya dahil sa itsura niya tapos yung isa may pagka-gangster ang aura.
Unang nagsalita yung may cold na itsura. "Hey, there binibini. I am Ceejay Yaz." Sabi niya tsaka tumingin dun sa lalaki na medyo gangster aura.
"Ako naman si Jayler Crict Yaz. You can call me Jaycee. Magkapatid kami ni Ceejay." Sabi niya at sabay sila nagbow.
Ang gaganda ng name nila lalo na si Anna. Maganda din si Anna. Petite siya tapos may pagka-flat. Tapos straight hair din siya. Tapos si Ceejay naman, singkit siya, maputi tapos ang ganda ng body build niya. Bumabakat yung abs niya sa T-shirt niya. Yes! My gad. Abs! Then ang cute din niya. May dimples siya actiolly. Tapos ito naman si Jaycee, matangkad siya na medyo moreno. Singkit siya tapos maganda din build ng katawan niya. Gwapo din siya plus cute din.
Napansin ko na may naiwan pa doon sa stairs tinignan ko siya. This time siguradong cold na ito. Mata pa lang kasi niya tapos parang wala siyang balak magpakilala.
I admit, medyo gwapo siya. Pero mukhang basagulero. Bukas kasi ang first two buttons nang polo niya. Tapos messy hair pa. May gauge din siya sa kamao. Tinignan niya ako kaya umiwas ako ng tingin.
Baka sabihin pa niya na tinititigan ko siya!
"Hoy! May balak ka naman siguro magpakilala sa princess nang gang, ano?" Mataray na sabi ni Anna sakanya kaya napa-tss nalang siya.
"Ethan Sav Montefalco." Sabi niya at aalis na sana pero mabilis na nakatakbo si Anna sakanya at binigyan siya nang tadyak sa likod.
Whoah.
Kita ko na bumagsak si Ethan pero mabilis siyang tumayo at nilingon si Anna. "Anong problema mo?!" Nagtaas na boses na tanong ni Ethan.
Anna chuckled. "Bigyan mo nga ng respeto ang princess! Bow to her!" Sigaw ni Anna. Tinignan ako ni Ethan bago niya ulit tinignan si Anna.
"Wala sa itsura niya na siya ang princess of the gang so what is the purpose of bowing to her—" hindi na niya naituloy dahil sasampalin sana siya ni Anna kaso tumayo ako.
Baka magaway pa kayo!
"Hayaan mo siya, Anna!" Sigaw ko kaya hindi na iyon naituloy ni Anna. Tinignan ako ni Ethan atsaka siya umakyat ulit.
Ang sungit mo, tsong!
"Pagpasensyahan mo na si Ethan. Allergic talaga iyon sa tao lalo na sa mga babae." Sabi ni Anna sakin at pinagpagan ang sarili.
Ano daw? Allergic sa tao? So hindi siya tao? Haha!
Ngumiti ako ng pilit. "Ayos lang." Sabi ko at umupo na.
Nagkatinginan sina Kuya bago lumapit kay Anna at may binulong na kung ano. Ganun din ang ginawa nila kina Ceejay at Jaycee. Luh? Ano yun?
Pagkatapos non ay nagsalita si Anna. "Pero baka kapag ginawa natin iyon, baka mamaya magka-world war III." Sabi ni Anna.
Okay, hindi ko gets!
"Ako na ang bahala. Magaling siyang makisama kaya siguro wala naman mangyayari." Sabi ni Kuya Knight at tumingin sakin then he winked at me I rolled my eyes to him.
Wala nang nagawa si Anna kundi umo-oo. Sunod naman na tumabi sakin sina Kuya.
"Dito ka muna magstay ah, lil sis?" Sabi ni Kuya Red. What the heck!? Lil sis?! Tsaka ano daw?!
Dito ako magii-stay?! Kasama ang Ethan na iyon?! No way! No! No! No!
"No! Ano? Kasama ko dito ang Ethan na iyon?! No way!" Sigaw ko at tumayo.
"But, kailangan mo nang mai-train para next month ready ka na naming ipakilala sa gang.." Sabi ni Kuya Knight. Tinignan ko siya ng masama.
"Pwede naman akong i-train sa ibang lugar! Pero dito? Kasama ang alien na allergic sa tao na iyon?! No way! Baka magka-world war three pa!" Sigaw ko nakatinginan sila.
"Alam mo naman na wala kang magagawa, hindi ba? kaya you'll stay here whether you like it or not!" Sigaw ni Kuya Jhian kaya napayuko ako.
Tama siya, once na sinabi niya sinabi niya. Ano pa nga bang magagawa ko?!
"Fine! Sige! Dito ako magii-stay! If you want dito pa ako tumira eh! Ano masaya na kayo?!" Galit na sabi ko sakanila at pumuntang balcony niyong mansyon. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero umalis parin ako.
Bwisit! Bakit kasama ko pa dito ang alien na iyon?!
Dahil sa inis inilabas ko ang phone ko ang nagstroll sa FB account ko. Nang magchat sakin si Lhanz.
Si Lhanz..
Lhanz: hello Trinity! Bakit hindi ka pumasok last three days?
Napaka-FC! Kala mo naman kung sino, bwisit! Makapag-offline na nga lang!
Kaasar naman sila! Una, pinagbawalan nila ako na makipagclose kay Sir Athan pangalawa, titira ako dito kasama si Alien?!
Parusa ata to bwisit!