CHAPTER EIGHT

5 0 0
                                    

Chapter Eight

Everything

ETHAN'S POV

"Dito titira si Princess..." Sabi ni Jaycee sakin kaya napabalikwas ako sa kama.

"What? Are you damn serious?" Tanong ko. Tumingin siya sakin and he nodded.

Potcha! Bakit kasama ko pa ang babaeng iyon dito sa bahay?! Talaga naman oh! Alam ko na ite-train namin siya, pero first sight ko palang sakanya inayawan ko na siya. Mukha siyang stubborn kiddo.

I admit, she's beautiful but damn! Umiiwas ako sa mga babae tapos...? Damn!

Ang sabi samin next month pa ite-train ang babaeng iyon, tapos ngayon pala?! Hindi man lang ako nakapag-handa!

"Bakit ba parang ayaw mo kay Princess Trinity? Ang ganda pre, ang bait pa. Tapos mukhang ang kinis-kinis niya..." Sabi ni Ceejay at napapangiti pa.

"Huwag moko itulad sayo Cee. Babaero ka. Lahat naman maganda sayo. Tsaka alam mo na ayaw ko sa  mga babae, hindi ba?" Sabi ko sakanya. Tumingin sakin sina Ceejay at Jaycee.

"Ibahin mo siya, bro. Prinsesa siya.. Hindi siya tulad—" hindi na natuloy ni Jaycee ang sasabihin niya.

"Ugh! Stop it! Damn!" Sabi ko at binagsak ulit ang sarili sa kama.

Nagkatinginan sina Jaycee bago umalis sa kwarto.

Challenge ang pakisamahan ang babaeng iyon. But I will try. I will try to make her damn comfortable, and also not to fell to her.

TRINITY'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto na sinabi sakin ni Anna kung saan ang kwarto ko. Malaki naman siya, kulay mint green siya kaya relaxing. Para siyang mini-condo. May bar, may banyo, may sala, basta malaki siya.

Nakahiga ako nang may kumatok sa pinto. "Come in." Sabi ko kaya bumukas ang pinto.

Kita ko na iyon ay si Ceejay. "Ahm, dinner's ready. Lumabas ka nalang kapag kakain kana, Princess.." Sabi niya at umalis na.

After two minutes lumabas na ako nakita ko sila dun sa may sala na nagla-lunch silang apat. Tumingin sakin yung tatlo except si Alien. Ano pang e-expect ko sakanya?

Ngumiti ako ng tipid sa kanila. Umupo ako dun sa gitna nina Jaycee at Ceejay. Katapat ko si Alien. Kumain na ako.

"After mo kumain diyan, Princess, magii-start na ang training." Sabi ni Anna kaya napatingin ako sakanya.

Tumango lang ako. After namin kumain pinapunta nila ako sa likod nung mansyon may napakalaking damuhan lang naman dun. 4km ang laki. Tapos dun sa dulo may pool. Parang golf course to ah?

"Okay. I will discuss it to you. Jaycee will train you sa mga basagan-bungo, lahat tuturo niya sayo. Si Ceejay naman ang magtuturo sayo ng mga pasikot-sikot ng gang— history, mga ginagawa, mga laban, most biggest enemy and many more. Si Anna naman ang nakatoka na pagandahin ka para maging suitable ka sa pwesto mo. At ako? Ituturo ko sayo how to hack some objects. Such as CCTV, Accounts basta may kinalaman sa teknolohiya. Intindihan mo?" Malamig niyang sabi sakin. Tumango lang ako.

"Okay, alam ko na may mga naituro na sayo sina Master na basic attacks. Can you apply it to me?" Tanong ni Jaycee. Tinanguan ko siya. Tumabi naman sina Anna, Ceejay at si Alien.

Nagsimula kaming maglaban ni Jaycee. Halos lahat ng tira ko nasasapo niya or naiilagan niya kaya nung nakailag siya sa suntok ko ay tinapakan ko ang tiyan niya kaya bumagsak siya nang nakapatong ako sakanya at sakal ko ang leeg niya.

Akala ko okay na pero bigla siyang umikot kaya ako ang napahiga niya habang sakal niya ako sa leeg at hawak ng isa niyang kamay ang mga kamay ko.

"Ang slow mo makipag-laban!" Sigaw ni Ceejay kaya napalingon ako sakanya. Seriously?!

The Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon