CHAPTER ELEVEN

3 0 0
                                    

Chapter Eleven:

Ethan's Past

TRINITY'S POV

In just ten minutes napatay na ng apat yung 50 katao. Oo tama kayo, FIFTY PEOPLE naiwan lang yung tatlo— yung Wrath, Hershys at Cax.

Bigla nalang sila tumakbo palabas. Ano yun? Natakot?

Itinago naman ulit ng apat kong kasama ang mga sandata nila tumingin sakin si Jaycee.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Hindi naman kasi ako nakipaglaban. Oo, apat lang silang lumaban.

"Umurong nanaman ang mga Black Velvets. Mga duwag talaga kahit kailan!" Sabi ni Anna at tinignan ako. "Let's go, Princess. Baka nasa bahay na ang mga prinsipe." Sabi ni Anna.

Tinanguan ko siya at lumabas na kami sa undergoud.

M A N S I O N

"Ano?! Nakipaglaban kayo sa mga Black Velvets?!" Sigaw ni Kuya Jhian Pagpasok palang namin sa bahay.

Takte! Ba't kailangan pa sumigaw?!

"O-opo, Prince... K-kasi—" Sumigaw nanaman si Kuya Jhian kaya hindi natuloy ni Anna ang sasabihin.

Bastos!

"Humihingi ba ako ng eksplanasyon?! Alam mo na hindi pwedeng madungisan ang kamay ni Trinity bakit mo siya pinaki-paglaban?!" Sigaw ni Kuya Jhian at may pa-hand gesture pang malalaman.

Wait, ano raw? Bawal madungisan kamay ko? Para san? At bakit?

Hindi ako nagdalawang isip na pumagitna kina Kuya at Anna. "Ano kaba, Kuya?!" Sigaw ko kaya napatingin si Kuya Jhian sakin.

"What?!" Irita niyang tanong. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Pinatabi ako nina Anna! Hindi ako nakipag-basagan ng ulo, pwede kumalma ka?!" Sigaw ko kaya medyo nagiba ang itsura ni Kuya— yung normal niyang aura.

Umalis si Kuya sa harapan ko at naupo sa sofa at hinilot ang sentido niya.

"Ano, Kuya?! Hindi ka magso-sorry kay Anna?! Sinigaw-sigawan mo siya oh!" Bulyaw ko kay Kuya. He looked at me. Look lang ah? Dahil si Kuya Knight na ang nagsalita.

"Sorry? Hindi uso yan sa Pink Rose Rashes, lil sis. Itatak mo yan sa utak mo. Huwag kang magsorry kahit kanino. Because everybody's not worth it for our sorry's." Sabi ni Kuya Knight habang nakaupo siya sa sofa.

Inirapan ko siya. So tataasan ko ang pride ko?

Teka, ano bang nangyayari sakin? Bat lumalambot ako? Hindi naman ako ganito dati ah? Cold hearted ako... Tama...

Inis akong umalis sa sala at binalak umakyat sa taas pero nakaharang si Alien sa daan ko.

"Tabi!" Sigaw ko kaya tumabi siya.

Bigla akong nawala sa mood!

ETHAN'S POV

"Tabi!" Sigaw sakin ni Bratty. Sa gwapo kong 'to, sinisigaw-sigawan niya ako?

Tinap naman bigla ni Ceejay ang balikat ko asar ko siyang tinignan.

"Komusta ang training niya? Ano ang mga na-training na niya?" Tanong ni Prince Red samin.

Umubo muna si Jaycee. "First training niya, martial arts. Magaling siya makipaglaban kahit nung warm out palang. Madiskarte din siya, Prince. I think she can kill na." Sabi ni Jaycee. Tumango naman si Prince Red.

Sus, magaling daw eh, basic martial arts lang itinuro. Tsk!

Sunod naman na magready magsalita si Ceejay. "Next namin ginawa ay sinabi ko ang history, lahat ng info about sa gang. She looked so interested. As of now, alam niya ang great great founder ng gang, ano ang history ng gang, kung sino ang mga naging royalties at bakit siya ang napili as Princess..." Sabi ni Ceejay. Tumingin naman ako kay Anna siya na ang sunod.

The Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon