CHAPTER NINE

2 0 0
                                    

Chapter Nine:

Got hated

TRINITY'S POV

"Black or Pink?" Tanong ni Anna sakin habang nandito kaming lima sa sala.

Gabi na at tapos na akong turuan nang martial arts ni Jaycee. Kaya eto kami, naglalaro kami ng fast talk kung kanino man tumapat ang bote tatanungin siya ng 10 fasttalk questions nang bawat isa.

"I prefer black." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya.

Sumunod naman na magtanong si Ceejay sakin which siya na ang panghuli.

"Dapat mahirap na.. Sex or chocolates?" Tanong niya sabay ngisi. What.. The heck?!

Binatukan siya nang katabing si Anna. "Ang pervert mong pugares ka!" Sabi niya.

Tumawa lang si Ceejay at binaling na sakin ang tingin. Ano nga ba? "Ahm, c-chocolates..." Sabi ko sabay iwas nang tingin dahil sa ka-awkward-an nang tanong niya.

"Hays! Ang boring nang laro! Bahala kayo diyan!" Sabi ni Alien at umalis na sa pagkakabilog namin.

"Boring mo mukha mo!" Bulong ko at narinig naman niya ata dahil binalingan niya ako ng tingin pero hanggang tingin lang dahil umalis na siya.

"Para talaga kayong aso't pusa." Sabi ni Jaycee at napa-tsk pa.

Kung mukha kaming aso't pusa pwes siya ang aso! Mukha naman siyang bulldog!

Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko sakanya even kakakilala namin, siguro hindi lang kami compatible.

"Magsi-tulog nalang tayo, ikaw din Princess, mags-shopping pa tayo bukas!" Excited na sabi ni Anna. Tinanguan ko lang siya tsaka bored na umakyat sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ko binagsak ko na agad ang katawan ko sa kama. Hassle!

Bukod sa masakit ang katawan ko dahil sa bugbog ni Jaycee sakin— hindi literal na bugbog ah— ay pagod din ako. Nagpawis kaya ako sa ilalim ng tirik na araw. Oo, naka-sport wear ako pero iba din yun ah.

Hanggang sa di ko namamalayan na nakatulog na ako.

ETHAN'S POV

Pagkatapos sagutan ni Bratty ang tanong ni Ceejay umakyat na ako sa kwarto ko. Kanina pa ako bored sa ‘laro’ nila. Kaya pagpasok ko sa kwarto hinubad ko ang T-shirt ko at nagboxer nalang. Ganito talaga ako matulog pagkatapos nahiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.

Nagbrowse ako sa Facebook account ko nang makita ko ang account ni Bratty.

Trinity Kim...

Ang alam ko buong pangalan ni Bratty ay Trinity Spark Kim pero bakit sa account niya nawawala ang Spark?

Well, I don't give a fuck.

I start stalking her. I want to know her— and how bad her attitude is.

Wala naman akong makita. Bukod sa she has 4987 friends at mga picture niya na may 2k+ reacts. Famous, huh?

I admit, she's a goddess..

Siya yung babaeng mala-snow white sa puti tapos singkit aakalain mong purong koryana siya. Hindi mo naman masasabi na pandak siya pero hanggang balikat ko lang siya. Sexy din siya at bagay na bagay ang straight hair niya sakanya.

Wait, baka isipin ninyo na inlove ako kay bratty ah? Well, it's a big damn NO! Ang ayaw ko sa lahat, ay yung brat.

Nang makaramdam ako nang uhaw naisipan ko na bumaba.

The Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon