Chapter Twelve:
Stalked?
TRINITY'S POV
Nagising ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa mata ko. Nagunat ako ng katawan at bumangon. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na. Nakita ko na si Alien palang ang nasa sala. May hinahalungkat siya sa loptop niya.
Nasa'n sina Anna, Ceejay at Jaycee? Parang ang tahimik ata. Tinignan ko ang wall clock. 10am na. Bakit siya palang ang nandito?
"Good morning, Bratty." Sabi niya sakin kaya napatingin ako sakanya. Nakatutok lang siya sa loptop niya.
Pano niya nalaman na nandito ako? Hay, sabagay. Alien pala siya.
Bumaba na ako at hindi ko siya pinansin na parang wala akong narinig. Nagtungo ako sa ref at kumuha ng fresh milk at sinimulan kong tunggain iyon.
"Maagang umalis sina Anna, mamayang gabi pa ang balik nila. Ibinilin ka nila sakin and I have no fucking choice, kundi ang bantayan ka, Bratty." Sabi niya. Marahas kong binagsak ang baso sa island counter at tinignan siya nakatingin din siya sakin.
"Babasagin mo ba ang baso?" Malamig niyang tanong sakin. Ipinalig niya lang ang ulo niya. "Bratty talaga..." Sabi niya at nagpatuloy lang siya sa pagta-type ng kung ano sa loptop niya.
"Can you stop calling me that ‘thing’?" Sarkastiko kong tanong sakanya at ini-irap ang mata ko sakanya.
Hindi na siya nagsalita. Hindi ko matitiis na makasama ang Alien na yun dito maghapon! At baka mapatay ko siya!
Nagtungo ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Nagstroll muna ako sa Facebook account ko at nakita ko ang chat ni Sir Athan sakin.
Oo, friend ko na siya sa Facebook.
Athan: bakit hindi ka pumapasok? I'm worried. Anong nangyari sayo?
Hindi ko sana papansinin ang chat niya pero nang tumunog ulit ang cellphone ko sign na may chat nanaman siya.
Athan: hey. Salamat at online ka. Nasan ka? Miss na kita.
Hays! Ang kulit! replyan na nga.
Trinity: I'm sorry for being absent, sir. Anyway, may mga ginagawa lang ako. Thank you for missing me:)
Na-seen niya iyon agad na nagreply.
Athan: may ginagawa ka ba? Meet naman tayo. Tutal, it's Saturday miss na talaga kita.
Napangiti ako sa chat niya. At agad ko naman siya nireplayan.
Trinity: sure sir. Meet tayo sa Alayan's Mall. 11am. See you, sir:)
Hindi ko na pinansin kung nagchat siya or ano, kinuha ko ang tuwalya ko at papasok na sana sa banyo pero nakita ko si Alien sa pintuan nang kwarto ko. Pokerface siyang nakatingin sakin. I raised my left eyebrow to him.
"What do you think you're doing here in my room?" Tanong ko. Tumingin siya sa sahig kaya napatingin din ako pero wala akong nakita.
Weird.
Nagulat ako nang humakbang siya papalapit sakin kaya awtomatikong napaatras ako.
Anong balak niya?!
Nang matapat siya sa table ko na tabi nang kama kung saan nakapatong ang cellphone ko ay kinuha niya iyon.
In-open niya at agad bumungad ang chat ni Sir Athan.
"See you, babe...?" Basa niya sa chat at tinignan ako. Bigla niyang tinukod ang kamay niya sa pader na nasa likod ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.