PH1 #1:

57.6K 1.6K 436
                                    

ELIJAH Pov:



"Fuck it!"

Napapiksi ako sa gulat at napayuko dahil sa paghagis niya sa mismong mukha ko ang mga papeles na ibinigay ko sa kanya.

Mga draft iyon na kinolekta ko sa PR department at hindi niya nagustuhan ang mga ibinigay ng mga itong statement sa mga trabaho nila. Hindi ko naman kasalanan iyon pero sa akin niya ibinunton ang galit sa mga empleyadong hindi naman nagagawa ng maganda ang trabaho.

"Ganito ba ang ipapasa nilang report sa akin? Mga walang kwenta. Sabihin mo sa mga taga PR Department na ayusin ang mga report nila dahil kung hindi nila maayos ang mga iyan, bukas na bukas din ay pwede na silang maghahanap ng ibang trabaho at makahanap na ako ng mga kapalit nila." Dumagundong na sigaw ni Sir Ace sa loob ng opisina niya.

"Y-yes, sir." Tanging sagot ko na lang lagi sa kanya. Nakayuko ako na hindi masalubong ang naglalagablab ng galit sa kanyang mga mata.

Mag dadalawang linggo pa lang ako na personal assistant niya at sa dalawang linggong iyon ay puro sigaw ang naririnig ko mula sa kanya.

Hindi ko naman talaga trabaho na ako ang magdala ng mga iyon kundi dapat ang kanyang secretary.

Ang talagang trabaho ko ay ang ayusin lang ang mga gamit niya sa sa pagpunta sa opisina at pag uwi niya. Ibili ng pagkain kung hindi makakalabas. Ipagtimpla ng kape or tsaa. Ipaghanda ng kahit na anong gusto niyang kainin.

As in dakilang yaya ang dating ko sa kanya at ngayon dinagdagan pa niya ang trabaho ko to gather all the files sa lahat ng department ng kompanya every weekend kaya heto, ako na naman ang unang sasalo ng galit niya na dapat sa mga worker niya. Kaya siguro walang nagtatagal na PA sa kanya dahil sa sobrang sungit niya at walang nakakatiis sa ugali niyang iyon.

 Humanga at bumilib nga sa akin mismo ang secretary niya dahil ako pa lang daw ang nakatagal sa kanya ng dalawang linggo dahil isa, dalawa, o tatlong araw pa lang ang nakukuhang PA niya ay umaayaw na ang mga ito dahil gaya kanina sa paghampas sa akin ng papel ay hindi kinaya ng mga iyon ang ganun na pag uugali nito.

Kung ako man ay aayaw na din sana ako pero kailangan ko ng pera dahil kailangan kong ipagamot ang mama ko na nasa hospital ngayon. Malala na ang sakit ng mama. Mayroon itong Uraemia kung saan kailangan na niyang maoperahan sa kidney pero dahil wala kaming kaper -pera ay hindi pa isinasagawa ang operasyon.

Nagtitiis na lang ang mama sa mga gamot na kayang mabili ng sahod ko. Kabilaan ang trabaho ko. Matapos ako dito kay Sir Ace ay mayroon pa akong part time sa isang maliit na restaurant malapit lang sa hospital kung saan naka confine ang mama ko. Kaya naman kahit gusto ko sanang mag give up na sa trabaho dito ay tinitiis ko na lang dahil mahirap ang maghanap ng trabaho na malaki ang sahod.

"Ano pang hinihintay mo. Kumilos ka na." Sigaw pa nito na ngali-ngaling pagbuhatan ako ng kamay dahil nasa taas ang mga kamay niya na handa ng dumapo sa akin ano mang oras pero pasalamat ako dahil hindi pa naman niya ako napag bubuhatan ng kamay. Hanggang sigaw lang siya sa akin.

Agad naman akong tumalima para pulutin ang nagkalat na papel sa lapag at dalidaling umalis sa harapan niya at ibinalik nga iyon sa PR Department.

     "Maam Lucille, pasensya na po pero pinabasabi ni sir Ace na ayusin daw po ang mga report ng mga nasasakupan niyo. Dahil kung hindi daw po ay papalitan po sila lahat dito bukas na bukas din kung hindi naayos ang mga ito." Sabi ko agad sa pinakahead ng PR Department at ibinalik dito ang mga papel na hindi ko na naayos na pagpapatung-patungin kanina dahil sa pagmamadali ko.

✅Ace Anderson - POSSESSIVE HEIRS 1 [BXB][Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon