PH1 #5: Ace

30.1K 1.2K 136
                                    

Typo and grammatical error ahead!!

     "Anong klase ng patakaran ang pamamalakad sa hospital na hinahawakan mo Kanye?" Galit na tanong ko kay Kanye ng sagutin nito ang tawag ko. Dahil sa pagpapakuha ko ng impormasyon tungkol kay Elijah ay napag-alaman ko na sa hospital kung saan si Kanye ang namamahala na itinalaga ni lolo na confine ang mama nito. At ganun na lang ang inis ko ng malaman na may ganun palang itong patakaran.

     "What do you mean?" Baliwalang tanong naman nito sa akin. Kung gaano ang pagkadisgusto ko dito ay ganun din ito sa akin. Ewan ko na lang kung galit na galot din iyo ngayon. Pero sabi nga ng lolo siya ang pinakamasunurin sa aming apat na inalagaan niya.

     "Isa sa magulang ng empleyedo ko ang nakaconfine doon ngayon at napag alaman ko na hindi pinayagang operahan ang mama niya dahil wala itong maibigay na sapat na kabayaran para sa operasyon?"

     "What?" Halatang nagulat ito sa sinabi ko. "Wala akong patakaran na ganyan Ace kaya huwag kang mangbintang. Saka si papa ang derector manager ngayon doon. Nakiusap ito sa akin na siya ang mamamahala muna doon kaya pinagbigyan ko." Mahabang paliwanag nito

     "Damn it. Sabihin mo sa papa mo, kung hindi niya aayusin ang pamamahala sa hospital, I swear I will take back the hospital from you. At huwag lang magkakamali ang papa mo na gumawa ng mas ikakagalit ko dahil hindi ako mangingiming ipakulong siya sa ganyang pamamalakad niya." Galit na banta ko dito. Hindi ko na ito hinintay na makasagot ay binabaan ko na siya ng telepono.
    
     Naisuntok ko na naman ang kamao ko sa lamesa ko habang sapo naman ng isang palad ko ang sintido ko. Nakakapang init ng ulo ang mga nangyayari. Nagsimula ito dahil sa kagagawan ng lolo na bigla na lang nagpasya para sa akin. At ngayon napag alaman ko na hindi pala maganda ang pamamalakad sa hospital na binitawan ko at ibinigay naman iyon ni lolo kay Kanye. Pero hindi ko lubos maisip na hahayaan naman ni Kanye ang papa niya na pamahalaan iyon ng wala ang pagsang-ayon ko. Ewan ko na lang kung alam iyon ni lolo. Pero kung alam iyon ni lolo malamang gaya ng nasa isip ko ay babawiin niya iyon dito.

     Damn it again! Speaking of lolo. Nasaan ba ang matandang iyon at ayaw magpakita sa akin. Sabi sa akin ni Atty. Hermosa ay nasa bahay bakasyonan daw ang lolo sa probinsya at malayo sa kabihasnan. At talagang nagtatago siya sa akin dahil alam nitong hindi ko kayang sumunod doon dahil hindi ko maiwan ang mga negosyo ko. Not in a minute, a day pa kaya.

     Tatlong katok ang nakapagpatingin sa akin sa pintuan kaya naman nawala sa utak ko ang mga iniisip ko. Ang secretary ko na may dala dalang mga dukomento.

     "Heto na po ang list ng mga report ng mga taga PR department Sir. Narito na din ang report para sales department at heto po ang mga deal na kailangan niyong permahan. At 1 pm po, may meeting po kayo kay Mr. Ramulez para sa darating na mga guest sa susunod na araw. Napasabi ko na din sa AA Hotel na ihanda ang mga hotel room para sa mga bisita. And about the restaurant. Ire-rekomenda po ba natin ang restaurant na hawak ni Mr. Kanye, Sir?" Mahabang paliwanag nito sa akin at inisa isa niyang inilapag ang mga iyon sa lamesa ko.

     "No! Hindi na kailangang magpunta sa Restaurant ni Kanye. Sabihan mo na lang na magdagdag ng recipe sa Hotel Restaurant kung ano ang mga paborito ng mga guest natin. Kung kailangang magdagdag kayo ng chef para doon magdadagdag tayo." Sagot ko dito.

     "Sige po Sir." Yumuko ko ito at humakbang ng ilang beses paatras bago muling tumuwin ng tayo. "At tungkol sa pagpapaopera sa magulang ni Elijah ay naayos ko na po lahat. 8 am po ang exact time para sa operasyon."

     "Good. Sige, makakalabas ka na."

     "Yes sir. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo. Mauuna na po ako."

✅Ace Anderson - POSSESSIVE HEIRS 1 [BXB][Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon