PH1 #2: Elijah

36.1K 1.3K 187
                                    

Typo and grammatical errors ahead!!

"Elijah Lawrence." Sigaw na nakapagpagising sa aking kamalayan. Napakurap pa ako bago ako tumingin sa kanya.

"Y-yes sir?"

"Ano bang nangyayari sayo?" Galit na tanong niya sa akin. "How many times that I called your name pero hindi mo naririnig? You are out of your mind nowaday? Sabihin mo lang kung ayaw mo na ng trabaho mo at makakaalis ka na. Hindi ako nagpapa sweldo sa mga taong laging nililipad ang isip." Mahabang lintaya niya sa akin kaya naman napayuko ako dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya.

"S-sorry po sir. Hindi na po mauulit." tanging sagot ko na lang.

Ewan ko ba pero simula ng umuwi kami galing sa birthday party ni Daniela noong nkaraang araw ay palagi na lang akong nawawala sa katinuan ng isip ko. Nililipad sa kung saan ang imahinasyon ko.

Kasalanan niya!

Oo, kasi binigla niya ako ng araw na iyon at hindi na ako makatulog ng maayos dahil doon. Laging lumilitaw sa balintataw ko ang kanya na halos masagi na ng mukha ko ng binihisan ko siya habang kausap ang lolo niya.

Gawain ko naman talaga iyon. Pero hindi sa ganung bagay. Na pati underwear niya ay ako pa ang magsusuot mismo sa kanya. At iyon ang dahilan kung bakit niya ako laging nasisita na hindi ko naman masabi ang tunay na dahilan kung bakit ako laging natutulala.

Im not gay! I know that. But... What the fuck? Hindi mawala sa isip ko iyon. Na parang nasa harapan ko parin hanggang ngayon. Umiiwas na nga ako na magtama ang mga mata namin baka makahalata siya. At baka lalong mawalan pa ako ng trabaho dahil sa nararamdaman ko.

     "Dapat lang. At kung maulit pa na hindi ka nakafucos sa mga sinasabi ko. Mas mabuti pang maghanap ka na lang ng ibang trabaho."

     "Yes sir." Kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magpanic. Kailangan ko lang na ibaling sa iba ang isip ko. Hindi iyong ganito na palaging iyon ang nasa isipan ko. Nagmumukha pa tuloy akong pervert dahil doon.

     Damn me again!

     Kumilos na ako para ayusin ang mga gamit niya. May pupuntahan daw siya at hindi ko na daw kailangang sumama kaya naman maaga ako makakauwi ngayon.

     Ito din ang isa sa gusto ko sa trabaho ko. Dahil kung may pupuntahan ito na hindi niya ako kailangan ay hindi niya ako isasama. Papauwiin na lang niya ako. Kaya naman nagkakaroon ako ng time na mabantayan ang mama at makapagpahinga kahit papaano.

     "Agahan mo na lang ang pagpasok mo bukas. Hindi ako papasok dito sa opisina pero pupunta ako sa A.Place. Sasama ka sa akin."

     Tumango na lang ako. Palagi kong naririnig sa kanya ang ANDERSON PLACE na iyon. Sa loob ng subdivision na pagmamay ari nila at nandoon ang sarili niyang bahay at hindi ang tinitirahan niya ngayon. Himala at isasama ako.

     Ewan ko lang kung ang tinitirahan niya ngayong bahay niya ay doon niya ipinupunta ang mga babaeng naho-hook sa kanya o di naman kaya sa AP house niya dinadala. Hindi ko pa naman siya nakikita na nag uuwi siya ng mga babaeng kumakalantari sa kanya.

     "Yes sir." Muli kong sagot sa kanya. Ng tumayo siya ay awtomatikong ipinasuot ko sa kanya ang black suit niya na tinatanggal niya sa tuwing nasa loob siya ng opisina at kung walang mga bumibisita sa kanya. Tanging ang puting polo na lang ang suot niya.
    
     "Let's go. Sabay na tayong lumabas. Bahala na si Nancy na mag ayos ng mga kalat dito." Sabi niya at ang tinutukoy ay ang secretarya niya.

✅Ace Anderson - POSSESSIVE HEIRS 1 [BXB][Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon