PH1 #3: Ace

32.6K 1.2K 220
                                    

Typos and grammatical error ahead!!!


     Hindi ko mapigilang umalpas ang galit ko matapos kong mabasa ang will ng lolo na nagsasaad na kailangan kong pakasalan ang napili niya para sa akin. Ni hindi ko na tinapos iyon basahin dahil napuno na ako ng galit.

     Magagalit talaga ako kay lolo dahil minamanipula niya ang buhay ko. Gusto niya akong magpakasal na dahil hindi na daw ako bumabata. At ngayon kumilos na ito para isakatuparan ang mga plano nito para sa akin.

     Magpapakasal ako at mapapasaakin ang kalahati ng kayamanan nito na dapat ay mahahati sa apat na mga apo nito. Isa na ako sa mga iyon. At kung hindi ko naman nasunod ang gusto nito ay walang mapupunta sa akin ni sentimo sa kayamanan nito na halos ako na mismo ang nagpalago ng mga iyon simula ng hawakan ko ang pamamahala ng mga negosyo nito.

     And damn him! Inipit niya ako ngayon dahil lagdado na niya ang Will na ipinakita sa akin ni Atty. Hermosa na siyang family Lawyer namin. At ang hindi ko matanggap ngayon na lalong nagpaigting ng galit ko ay ang malamang hindi babae ang ipapakasal sa akin.

     Oo, galit na ako kaninang tumawag siya sa akin habang papunta sa na ako sa A. PLACE kung saan lahat kaming apo, anak ng lolo ay doon nakatira at walang ibang pamilya maliban sa amin ang nakatira doon. Exclusive lang ang village na iyon para sa amin.

     Muli akong napatingin kay Elijah. Na mag iisang buwan palang na PA ko. At hindi ko lubos maisip na siya ang napili ng lolo na pakasalan ko.

      Ang tanong.. bakit siya? At ano ang mayroon sa PA ko at siya ang napili nito? At paano nakilala ng lolo ang PA ko? Ano ang ginawa ng PA ko sa lolo ko at bakit ganito na lang kabilis na nagpasya ito na agarang may Will ng may lagda niya?

      Iyan lang ang ilan sa mga tanong ko na nabuo sa utak ko at muli na namang nag umigting ang galit ko habang nakikita ko ang balisa ding mukha niya na ngayon ay hawak ang larawan at nanlaki pa talaga ang mga mata nito ng mapagsino iyon. Syempre dahil siya mismo ang nasa larawan. Siya mismo at wala ng iba.

     Galit na muli ko siyang nilapitan at pasakal na hinawakan sa leeg na napasandal na sa pader ng isadsad ko siya doon.

     "Sino ka talaga? Paano mong nakilala ang lolo ko?" Galit na tanong ko sa kanya na dahil sa gulat sa pagkakasakal ko ay hindi siya nakasagot agad at halos maluha na sa ginawa ko.

     "Mr. Anderson bitawan mo siya." Kampante na lumapit naman si Atty. sa amin at hinawakan mismo ang kamay ko na nakasakal kay Elijah. "Alam kong nabasa mo ang nakasulat sa will ng lolo mo. Na hindi mo pwedeng saktan ang napili nitong mapangasawa mo." Sabi nito sa akin at ipinaalala talaga ang mga nabasa ko sa will ng lolo.

     Nanggagalaiti at halos mangilo pa ako dahil sa pagkimpian ng ngipin ko sa pinipigil kong galit na huwag siyang gilitan ng leeg ngayon. Matalim na muli akong tumingin dito na umiiwas na magtama ang mga mata namin. Patulak pa na binitawan ko siya. Wala na akong pakialam kong nasaktan siya dahil dinig na dinig ko pa ang pagkakauntog niya sa pader at padaosdos na naupo sa sahig na hindi alam ang gagawin. Galit na nilayuan ko siya at hinarap naman ngayon ang abogado ng lolo.

     "Gusto kong makausap ang lolo ngayon din."

     "Pero ayaw niyang makausap ka ng personal mr. Anderson. Nasa sa iyo na iyan kung ayaw mong tanggapin ang nakasaad sa will ng lolo mo. Pero sana nabasa mo ang nasa hulian ng will nito. Na kung hindi ko papayag ay ipapasa kay mr. Kanye Anderson ang Will at siya ang magmamana ng kalahati ng kayamanan nito na sana ay mapapasaiyo kung tutuparin mo ang nasa will ng nito."mahabang paliwanang nito na siyang nagpadoble ng galit na nararamdaman ko.

✅Ace Anderson - POSSESSIVE HEIRS 1 [BXB][Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon