PH1 #6: Elijah

32.5K 1.2K 153
                                    

Typo and grammatical error ahead!!

     "Salamat po ate. Mauuna na ako." Nakangiting paalam ko sa may ari ng maliit na restaurat na pinagtratrabahuan ko ng ilang oras sa gabi. Pero kanina lang ako napahaba ng oras dahil wala naman akong ginagawa. Kaninang alas tres pa lang ay nandito na ako kaya naman, may extra pa ang bayad niya sa akin ngayon. At hindi lang iyon. Ipinagtabi na naman ako nito ng pagkain para daw may maibigay ako kay mama. Kaya laking pasasalamat ko talaga dahil mabait ito sa akin.

     "Sige Elijah! Mag ingat ka sa pagtawid sa kalsada." Paalala naman nito sa akin.

     "Oo ate. Salamat ulit dito sa pagkain. Aalis na ako." Nakangiting kumaway na lang ito sa akin kaya naman nagtuloy na ako sa pagbalik sa hospital. Malapit lang, bente metro lang ang layo sa mismong harapan ng hospital sa restaurant na pinagtrabahuan ko.

     "Are you Elijah Lawrence?" Tanong ng lalaking nakasalubong ko na bigla na lang sumulpot sa kung saan.

     Napatango na lang ako bilang sagot dito. Ngumiti naman ito ng makomperma na ako nga ang taong binanggit niya.

     "Ako nga pala si Kanye. Napag utusan lang ako na kumustahin ang kalagayan ng mama mo. Kumusta na siya?" Tanong nito. Naguguluhan man ako kung sino ang nag utos sa kanya ay hindi ko na pinansin iyon.

     "Maayos naman kahit papaano. Sa awa ng Diyos ay maooperahan na siya bukas."

     "Mmm, ganun ba. So can I walk with you and check your mother?"

     "Yeah! Sure." Pag sang ayon ko na lang dito. Hindi ko naman nakitaan ito ng masama dahil palangiti ito at magaan ang boses nito at hindi naman kahina hinala.

     Hanggang sa marating na nga namin ang silid ng mama at kaagapay na pumasok ang lalaki.

     "Kumusta ang pakiramdam niyo mama?" Tanong ko agad dito ng malapitan ko. Hinaplos sa pisngi at dinampian ng halik sa nuo.

     "Maayos naman anak. Ikaw, hindi ka ba pagod sa trabaho mo?"

     "Hindi naman mama. Maayos lang din ako. Heto nga ipinagbalot na naman ako ni Ate Cecil ng pagkain kaso hindi na kayo makakakain dahil sa operasyon niyo bukas."

     "Okay lang anak, dalhin mo na lang sa lolo mo iyan." Sabi naman nito na ang tinutukoy ang lolo na tinulungan ko. Nasabi ko na din kasi dito na kung makakalabas na bukas ang lolo ay sa amin na ito titira pansamantala habang inaalala ang mga kamag anakan nito.

     "Sige mama, pero mamaya na siguro. Aasikasuhin ko muna kayo." Sabi ko dito. Saka ko naalala ang lalaking kasama kong pumasok. Kaya naman binalingan ko ito "Siya ang mama ko." Pagpapakilala ko dito.

     Ngumito ito saka binalingan ang mama. Nilapitan ng lalaki ang mama saka nilahadan ng kamay.

     "Kumusta po, Kanye po pala ang pangalan ko. Nandito po pala ako para personal na humingi ng tawad." Panimula nito na nakapagpakunot ng nuo ko.

     Tawad? Bakit may kasalanan ba itong nagawa sa amin?

     Tinanggap naman ng mama ang pakikipagkamay nito.

     "Para saan naman hijo."

     "Nalamam ko na dumalaw ang pinsan ko kaninang hapon sa inyo. Para ipaalam na siya ang nagpaayos ng operasyon niyo." Bagkus sabi nito kaysa sagutin ang tanong ni mama na kung para saan ang paghingi nito ng tawad.

     Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko na may dumalaw kay mama kanina. Di kaya si Sir Ace iyon? At sabi nito na pinsan. Ibig bang sabihin na si Sir Ace din ang pinsan niya? Pero malayo naman ang feature look nila sa isa't isa.

✅Ace Anderson - POSSESSIVE HEIRS 1 [BXB][Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon