PH1 #4: Elijah

30.2K 1.1K 124
                                    

Typo and grammatical error ahead!!


     Nanginginig ang buo kong katawan ng pumasok ako kinaumagahan matapos ang nangyari kahapon na halos mawalan na ako ng hininga dahil sa pag kakasakal sa akin ni Sir Ace. At ngayon tumawag siya sa akin na pumasok ako pero kahapon pa ako nakapagpasya. Na mag re-resign na ako. Kaya heto ako, nakatayo sa harapan ng pintuan sa opisina ni Sir Ace.

     Hindi na ako nagpunta sa bahay niya para sana sabay kaming pumasok gaya ng nakagawian ko ng gawin. Hinintay ko na lang talaga na makapasok ito sa opisina niya mismo.

     Tatlong katok na halos hindi yata sumayad ang kamay ko sa pintuan bago ko iyon binuksan. Napayuko ako agad ng magtama ang mga mata namin na ngayon ay nagkatingin mismo sa akin papasok. Saglit man ang pagtatama ng mga mata namin ay nakita ko doon ang walang kaemo emosyon gaya ng dati.

     "Huwag ka basta tumayo diyan." Galit na sita niya sa akin dahil hindi ko na muling inihakbang ang mga paa ko palapit.

     Lumunok muna ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko bago lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko na inilapag ang resignation letter ko sa ibabaw ng lamesa niya.

     "What is this?" tanong niya ng kunin iyon. "Oh! A resignation letter. But I can't accept it. Baka nakakalimutan mo na ako lang dapat ang mag sasabi kong kailan ka aalis sa pagiging PA ko. Nakasaad sa napirmahan mong kontrata na hindi ka pwedeng mag resign maliban na lang kung ako mismo ang nagpapatalsik sayo. Dahil kung mag reresign ka ngayon, babayaran mo mismo ang cost ng kontrata mo." Seryusong sabi niya sa akin at muling ibinalik sa akin ang resignation ko.

     "Make tea for me." Utos niya na parang balewala lang sa kanya ang nangyari kahapon habang ako ay takot na takot parin sa kanya hanggang ngayon.

     "P-pero-."

     "I said make tea for me." Sigaw niyang muli na nakapagpapiksi sa akin. Kusang kumilos ang mga paa ko para magtungo sa maliit na kusina nito sa opisina at gumawa ng tsaa niya.

     Hindi ko na naman mapigilan ang maluha dahil doon. Hindi naman ako ganito simula ng nagsimula akong magtrabaho sa kanya na kahit sigaw sigawan niya ako o di kaya naman ihampas mismo sa akin ang mga papel kapag may hindi siya nagustuhan ay ayos lang pero iba na ngayon, dahil naranasan ko na mismo ang bigat ng kamay niya na halos ikamatay ko na kahapon. At iyon ang iniiwasan ko. Kaya sana mag re-resign na ako para maiwasan siya pero bakit hindi parin niya ako payagan.

     Hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng nangyari kahapon. Ang dami pang katanungan sa isipan ko? Katulad ng., ano ang kasal na tinutukoy niya? Sino ang lolo niya at bakit ako nito kilala? At anong kinalaman ko sa will ng lolo niya at bakit ako nadamay sa will nito?

     "Elijah, saan ka ba nagtitimpla ng tsaa at bakit hanggang ngayon ay hindi parin tapos?" narinig kong sigaw mula kay Sir Ace na nakapagpapukaw ng mga iniisip ko at nakapagbalik sa kasalukuyan ang isip ko. Binilisan ko ang naging kilos ko at ipinagtimpla na nga siya.

     "Eto na po Sir." Nakayuko parin akong lumapit at inilapag ang tsaa sa mismong harapan nito.

     "By the way, ipinayos ko na ang gagastusin sa operasyon ng mama mo. At bukas na bukas din ay ooperahan na ito."

     "Ho!."

     "Kahit kailan talaga ang bagal gumana ng kukote mo. Nakita ko ang papel na iyon." Sabay turo ng mga papel na nasa maliit na mesa sa gilid kung saan tumatanggap siya ng bisita. "Basahin mo iyan para malaman mo ang nangyayari. At kapag nabasa mo na. Permahan mo na lang ng matapos na ang kalukuhan ng lolo ko." Sabi pa niya. "Dali, ano pang hinihintay mo." Sigaw na namam niya.

✅Ace Anderson - POSSESSIVE HEIRS 1 [BXB][Mpreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon