Katrina Lopez
Matthew "Matmat" LorenzanaKatrina's PoV
I'm a nerd. Studies is my priority. Friends? None. I'm good on my own. I've been good alone. I don't need anyone. I hate talking to people. Sayang lang oras ko. I'm a nerd but I take care of myself. Hindi ako yung usual nerd with big glasses and everything. I dress in all black. Like the 'emo' stereotype. Why? Nothing. I just love black. Since this school doesn't have any uniforms, which is good, I get to be comfortable with what I wear. Now I just need to get through this college life and find work afterwards.
I'm a second year college student taking up BS Biology. Why? I don't know. I just felt like taking this course. No specific reason.
Matthew's PoV
I love to party! I hate studying. Don't get me wrong. I still go to school... to sleep haha. I hate kill joys. Studying is boring so I don't study. Hindi ako bobo. I can pass the exams without even attending classes. I know them all so why bother? Party is life people!
And speaking of party. Kakatapos lang namin magwalwal sa bar
"Wooo!! Hayos tayo ngayon fre! Hahaha"
"Hahaha mukha kang tanga kanina hayp ka!!"
"Hahahaha wala ehh lasheng na ehh"We're so damn wasted we didn't even notice it's already daylight. Naglalakad kame papunta sa sakayan para makauwi na. Hindi kame papasok ngayon hahaha. Teka lang naikot na paningin ko, lakad pa kami ng lakad ng may makabangga ako.
"Oops. Sorry"
Ansama naman nito makatingin
"Shino kaaway mo mish? Hahaha. Smile ka naman jan!"
Katrina's PoV
Who dafuq are these drunkards?! Argh istorbo!! I won't waste my time on you. Baka malate pa ko.
"Mish, hello!!" Kumaway kaway naman sa mukha ko tong isang lasenggo. Sinamaan ko lang siya ng tingin
"Sungit naman!! Makikipagkilala lang-"
"WHAT THE HECK?! Hey!!"
Sinukahan ako nitong lasinggerong to!! WHAT A GREAT WAY TO START MY DAY. Yuck!
"Hahahhaa fre minus points ka kay ganda!!"
"Oops sorry hehe-" and he lost consciousness and fell down on me.
My goodness
"Can you just get your friend?!"
"Balakanajan mish! Hahaha byeee"
"What?! Hey!!"
So anong gagawin ko dito?!
I didn't have a choice. Dinala ko siya sa bahay ko. Nag tricycle ako pauwi kahit kayang lakarin dahil wala akong balak kaladkarin tong lasenggong to. Mukha bata pa pero napakalasenggo na. Hay!! I never skipped class!!! I hate this day! Makapagpalit na nga lang!! Ugh!
Matthew's PoV
Nagising akong masakit ang leeg ko. Ang sama yata ng pagkakahiga ko ah? Teka? Nasan ako?
"Good that you're awake now. You can leave. Bye."
What?
"Ha? Teka miss sino ka? Nasan ako??"
"You don't have to know my name coz this is the only time I will meet and will want to meet you drunkard"
"Ok? Pero nasan ako?"
"Bahay ko obviously. Are you done asking? Can you just go?"
"Wala man lang pakain sa may hangover?"
"Pake ko naman sayo?"
"Kung wala kang pake saken bat mo ko dinala sa bahay mo?"
"Una. Sinukahan mo ko. Pangalawa nawalan ka ng malay at natumba ka saken. Do you think I have a choice?"
"Iwan ako don"
"May awa pa din naman ako sa mga kagaya mo. Mapagkamalan kang adik don kargo de konsensya ko pa"
"Wow. Ako adik? Grabe ka makajudge miss"
"How long are we having this conversation huh? Leave? Now?"
"Eto na nga! Sabe ko nga! Aalis na! Pakasungit naman neto. Salamat sa AWA miss bye!!"
"Tss. Just leave already 🙄"
Napakasungit naman ng babaeng yun. Saka nakakatakot ang atmosphere sa bahay niya grabe. Andaming itim. May kulto ba yon?? Buti safe ako. Hoo! Makauwi na nga!
Kinabukasan sinipag ako pumasok hahaha. Oo sinisipag ako paminsan minsan. Sarap kaya tulugan ng boses ng mga prof hahaha
Naglalakad ako papunta sa room ng may lumagpas saking naka all black. Her getup is unique huh?
Sinundan ko lang siya kung san siya pupunta and to my surprise, we're classmates. Bat di ko to napapansin?? Sa bagay lagi akong tulog hahahaha
Pumasok na siya sa room, ganun din ako. Pero di ko maaninag mukha niya. Nakahoodie kase, nakayuko pa. Why do I feel like naramdaman ko na tong gantong atmosphere?? Weird huh.
"Ok class! Let's start." Sabe naman nung prof. Ako eto nakatitig pa rin kay ms hoodie. Pagkatapos umimik ng prof namen inalis na nung babae ang pagkakalagay ng hood niya sa ulo...
WHAT?! Kaklase ko si ms mataray na may kakaibang atmosphere ang bahay?! Uy rhyme hahaha. Anyways teka nga. Magkaklase kame?! Totoo ba?? Akalain mo nga naman no?
Buong klase hindi ako natulog for the first time. Pinapanood ko lang si Ms mataray. Magaling pala to eh. Ang talino. Kaso hindi naimik sa katabi. May kaibigan ba to?
"Pre matunaw yan. Haha" sabe ng tropa ko
"Ulul"
"Titig na titig ah. Nakahanap ka na naman ata ng prospect mo haha"
"Yan? Prospect ko? Wag na lang no. Napakataray niyan"
"Pano mo nalaman?"
"Sinungitan ako. Galit na galit sa pagsasalita eh"
"Pagsasalita? Pre walang iniimikan kahit isa si Katrina"
"Ha? Panong wala?"
"Wala. As in wala. Naririnig lang boses niyan pag nagrerecite"Luh di kaya mapanis laway nito???
"Weird girl" nasabi ko na lang
"Pero aminin mo pre maganda si Katrina"
"Ha?"
"Kung di lang laging nakaitim at walang iniimikan kakaibiganin ko yan kaso nakakatakot aura eh hahahaha"May itsura nga naman tong si Ms. Mataray. Pero may something ehh...