17

628 33 0
                                    

Matthew's PoV

"Matthew ano ba nakakahilo ka nang bata ka maupo ka nga!"

"Ma si Kat 😣"

"She'll be okay son. Umupo ka na nga dito"

"Bat ba kase nakuhanan ng baril yung pulis?!"

"Nangyare na nak. Andyan na yan"

"Bud can you calm down?!"

"I can't ate!"

"Oo nga pala. We can start with the info na sinabi nung babae kanina. Yung ospital. Baka may naghanap dun ng batang nawawala. Magtanong na din ulit tayo sa pulis kung may nareport years ago na naghahanap"

"Ok pa. Pero saka na yan paggaling ni Kat pa"

"Ano ka ba naman daig mo pa kami eh! Maupo ka dito kundi itatali kita"

"Ma!"

"Mattmatt?"

"Kat! Ano okay ka lang masakit ba? Kaya mo ba? Ha?"

"Mattmatt kalma. Sa tagiliran lang ang tama ko. Daplis lang Matt"

"Kanina pa namin pinapakalma yan di naman umeepek"

"Kat bala pa rin yun!! 😣"

"Asus naman ang Mattmatt ko haha-aray!"

"Kita mo na!! Masakit pa rin yan kahit gilid lang! Ma nasaktan si Kat! 😭"

"Pinapatawa mo kase hahaha"

"Bud, di ko alam ganyan ka kababaw maiyak HAHAHAHAHA"

"Makatawag ka saken nak, alam ko nasaktan wag kang OA"

"Son wala pa yang pag naglabor ang babae"

"Eehh?!"

"Mattmatt ko, haha lika nga dito"

"Baket may kailangan ka ba? Ano-"

😳😣😭

Katrina's PoV

Hinila ko na siya paglapit niya saken para ikiss hahaha umiyak na naman

"Thank you for worrying Mattmatt ko. I love you..."

Nagpunas naman siya ng luha tapos umupo sa hospital bed na hinihigaan ko.

"Are you sure you're okay now?"

"Oo andyan ka eh. Andyan kayo :)"

"Nak! I told Matthew earlier about the lead na nakuha naten sa kidnappers mo para mahanap parents mo, we can start asking there after you recovered"

"Ok po papa. Salamat po. Huy ano ka Mattmatt bakit antahimik mo okay nga lang ako haha"

"Sorry. Natakot lang ako talaga ☹️"

"Hindi pa ko mamamatay Mattmatt masamang damo tong girlfriend mo haha"

"Don't joke about that!"

"Okay! Okay! Eto naman eh..."

Lumabas din ako agad ng ospital since di naman malala ang tama ko.

"Pa pwede na ba tayo bukas pumunta sa ospital?"

"Ahh dun sa sinabi nung kidnapper mo?"

"Opo pa"

"Pwede naman na pero ok ka na ha?"

"Opo pa. Hindi din ako mapapakali hangga't di ko nalalaman kung sino totoo kong magulang"

"Sige sige"

Kinabukasan pagpunta namin sa ospital...

"Nurse meron ba kayong cases ng nanakaw o nawalang bata dito nung 2000?"

"Sir bakit po?"

"Ito kasing anak ko isa sa mga yun, she was kidnapped when she was born, at dito daw siya sa ospital na to nakuha sa pagkakasabi samen ng kidnappers niya, nagbabakasakali lang kami if may naghahanap ba or may records kayo ng posibleng magulang niya?"

"Sir bawal po kase kami magbigay ng details basta basta"

"Nurse what documents do you need? Bibigay namin just let us know some details"

"Sir kase po-"

"Please?"

"Ok sir saglit lang po"

"Ok thank you"

"Pa pwede ba talaga?"

"Ako na bahala nak ok?"

"Ok po"

Pagkakuha namin ng records may mga Lopez pero hindi naman same year ng pagkapanganak ko yung time na nawala mga anak nila. Sa ibang apelyido naman hindi match sa araw na alam kong pinanganak ako. Maliban sa isa...

"Mr and Mrs. Jose Lopez?"

"Posible kayang sila na yan pa?"

"Gusto mo puntahan natin ang address nila? Bago tayo pumunta presinto?"

"Opo"

"Ok sige"

Pumunta nga kami dun sa address kaso wala nang nakatira dun sa bahay. Umalis na daw.

"Sino hanap niyo?"

"Sina Jose Lopez po? Yung nakatira dito?"

"Nako matagal nang di nakatira mga yun dyan. Kakahanap sa anak nila lumilipat lipat na ng bahay"

"San po kaya sila lumipat?"

"Di ko sigurado ehh pero huli ko din kasing balita sa mag asawang yun..."

"Ano po?"

"Ahh ehh ang alam ko kase nagkasakit yung mag-asawa. Di na naalagaan sarili nila kase hinahanap yung nag-iisang anak nila"

"Ehh kamusta daw po sila?"

"Ang huling alam ko ano ehh... patay na"

"Po?"

No. Hindi pwede to. Hindi na ba ko umabot sa magulang ko?

"M-may contact pa po ba kayo sa kanila? O sa kamag-anak nila?"

Hinawakan na ko ni papa. Nanginginig na ko.

"Teka meron pa ata akong number nung kapatid ni Jose"

"Sige po"

"Eto oh try mo tawagan"

"Salamat po"

"Sige sige"

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon