PROLOGUE

11K 99 3
                                    

"Cza naman kasi! Bakit mo ba kasi ginawa yun? Ayan tuloy maki-kick out na tayo ngayon" Sermon ni Grace kay Czarina na prenteng nakaupo lang sa guidance office.

"Sino ba kasing nagsabi na kasama ka sa maki-kick out ha Grace? Kami lang namang apat ang mapapaalis sa school na to, ako, si Cza, si Jerg, at Ems" Kontra ni Raine sa sinabi ni Grace.

"Ah ganun? So iiwanan nyo ko dito? Iwanan na pala?" Tila may himig ng pagtatampong komento ni Grace sa mga kaibigan.

"Hindi ganun yun Grace, hindi ka naman kasi kasali dun sa gulo, kami lang yun. Ayaw naman namin na idamay ka sa kalokohan namin" Pagpapaliwanag naman ni Ems

"Parang ganun pa din yun, gusto nyo kong iwanan dito. Nakatampo kayo ha" Sagot ulit ni Grace

"Remember Rule #7, no crying for a lame reason." Paalala ni Jergen habang nakatingin kay Grace.

"Sabi ko nga hindi na iiyak, pawis lang kaya to no" Pinahid ni Grace yung luha nya at tumingin kay Czarina. "Kung maki-kick out na nga talaga kayo, kailangan kasama ako. Rule #5, walang iwanan. Kung saan ang majority, dun lahat." Sabi ni Grace at naupo na ito sa tabi ni Ems.

"Tsk. Ganun naman pala eh, edi push na yung magpa kick-out. Ang boring kaya sa School na to." Sabi ni Czarina habang pinakikialaman yung mga magazines sa center table.

"Czaaaaa!!!" Sabay na sabi nung apat

"What??" Gulat na tanong ni Czarina dahil sa biglang pagsigaw ng mga kaibigan.

"Wag mo na yang galawin, madadagdagan offense natin eh" Saway ni Grace kay Czarina lkaya naman binitawan nito ang hawak na magazine.

"Tae, dahil lang hinawakan yung magazine, dagdag offense na agad?" Wala sa sariling sabi ni Czarina.

A/N: I'll try my very best na unahin tong matapos. Promise, tatapusin ko to.

Disclaimer: The characters here were came from Inang Cecelib's stories. And this is just a fan fiction story.

PS. This is for our RPW Fam's Activity tho.

CAMPUS JERKS MEETS CAMPUS BITCHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon