CHAPTER 1

4.2K 52 0
                                    

CZA's POV

"CZARINA!!! Aba, tanghali na hindi ka pa ba babangon dyan? Male-late ka na sa bago mong papasukan" Panggigising ng nanay ni Czarina sa kanya.

"Ma naman eh! Inaantok pa ko." Sagot ko at nagtakip ng kumot. Pero inalis yun ni mama.

"Bumangon ka na dyang bata ka, mahiya ka nga sa mga kaibigan mo, isang oras na sila sa baba kakahintay sayo." Kainis naman tong si mama eh, inaantok pa ko.

"Oo na po babangon na" Sagot ko at lumabas na din si mama ng kwarto ko.

"Sa wakas! Bumaba na din sa lungga nya ang prinsesa" Pangaasar na bungad ni Raine nung nakalapit na ko sa kanila sa may sala.

"Kailangan nyo? Aga aga nyo naman makitambay" Kunwari'y pagtataray ko sa kanila.

"Rur Cza, hindi kami nakikitambay, baka nakakalimutan mo, FIRST DAY natin ngayon sa bago nating school" Sagot sakin ni Ems.

"So kailangan naka-EMPHASIZE ha Ems?" Taas-kilay kong sagot sa kanya.

"Sabi ko nga shut-up na lang ako" Sabi ni Ems at naupo na ulit.

"So bakit ang aga nyo nga? 10:00 am pa pasok diba?" Tanong ko sa kanila.

"Wala lang, gusto lang namin makitambay, imbyerna sa bahay eh" Sagot ni Jergen

"Yeah, nakakatamad sa bahay kaya dito na lang kami sa inyo" Sagot naman ni Raine.

"Oh eh ba't ang tahimik ng isang yan?" Turo ko kay Grace na masyadong tahimik.

"Ewan namin dyan, nung dinaanan namin yan sa kanila ganyan na yan eh" Sagot naman ni Ems.

"Hoy Grace! Sinong namatay?" Tanong ko kay Grace pagkaupo ko sa may tabi nya.

"Ha? May namatay?" Tanong pabalik ni Grace.

"Ikaw nga yung tinatanong ko kung sino ba namatay. Tsk" Sagot ko sa kanya

"Ha? Bakit ako? Wala naman kaming patay Cza" Naguguluhang sagot ulit ni Grace.

"Ahh, wala ba? Akala ko kasi meron eh, mukha ka kasing namatayan dyan." Sagot ko sa kanya at tumayo na.

"So ano, di pa tayo aalis?l" Tanong ko dun sa apat.

"Let's go!" Raine said at sabay-sabay na kaming lumabas.

Convoy ang nangyari dahil may kanya kanyang sasakyan yung apat, ayoko naman makisabay sa kanila dahil baka masira ang plano, kasi dapat first impression ng mga students sa bago naming pag-aaralan ay COOL kami. Oh diba, kaya naman ginamit ko na din yung sasakyan kong isa. At nakarating na nga kami sa school, at gaya nga ng inaasahan, all eyes are on us, sunod sunod ba namang pumasok sa gate yung mga dala naming sasakyan at sabay sabay kaming nag-park. Well, bago ang araw na to, nakakuha na kami ng sarili naming parking space, thanks to Jergen's father kasi magkakatabi yung parking slot naming lima.

But before I continue my kwento, lemme just introduce myself and my girls. *wink*

By the way, I am Czarina Meison, Cza for short. 19 years old and 2nd year college student taking up Business Administration major in Marketing Management. Theater Arts talaga gusto kong course kaso my father didn't allowed me to, mag business adm daw ako kasi yun ang line ng family namin, so no choice. Pero kahit naman hindi ko trip yung course ko, nag aaral pa din naman ako ng maayos, yun nga lang Bitchesa si ate nyo kaya na-kick out, third offense na kasi nagawa ko. Haha, oh well ginusto ko din naman na mapaalis sa school na yun, like err, I don't like the ambiance there. Hindi naman din nagalit ang parents ko sakin nung nalaman nilang kick-out yung anak nila, bakit sila magagalit? I'm doing my part, I'm studying well, I have high grades, I excel when it comes to academic. And alam nila yung reason ko kung bakit gusto kong umalis dun, kaya lang I have no other choice kundi ang makick-out ng dahil sa mga offense na sinadya kong gawin. The administration won't let me kasi na mag transfer at umalis sa school nila, sino ba naman kasi ang papayag diba? Mawawalan sila ng top sa batch ko. Okay, I sounded conceited na. Pero totoo yun okay, lying is not my thing. So as I said, na-kick out na ko for having third offense, may mga nagreklamo na kasing ibang parents. Pfft. Wala naman akong pakialam actually, being kicked-out was a victory for me. Yun nga lang, nadamay yung apat, ginusto din naman nila. Haha. At ngayon, nandito na ko sa bagong school na to, ako na namili ng school na papasukan, and I choose public school, hindi para magyabang na may kaya kami, but because I just wanted to help the school to excel, kasi palaging nada-down ang mga public schools because they have lack of students na kayang makipagsabayan sa mga estudyante ng private schools. Odiba may magandang dulot din naman ang paglipat ko. Tsk. Tama na nga kaka-kwento ko, puro kayabangan lang naman nasasabi ko. Oo na, alam ko naman na nagyayabang lang talaga ako. Psssh. Oo nga pala same course kaming limang magkakaibigan, baka kasi magtanong kayo eh. Mwuah.
(A: Ay buti alam mo yan babae, yabang to the highest level ka na dyan. Baka nakakalimutan mong nasa school ka at first day nyo ngayon.)
Sabi ko nga Miss A. Titigil na nga oh.Hmp!

"Uy Cza!!! Bilisan mo naman maglakad, malapit na mag start yung klase oh, quarter na" Sigaw sakin ni Raine kasi medyo malayo na sila sakin.

"Tsk." At para makahabol sa kanila, tinakbo ko na lang kahit naka heels ako. Buti hindi gaanong mataas ang takong ko. At buti na lang talaga at athlete ako.

"Wews, oh tara na! Tinutunganga nyo dyan?" Sabi ko sa kanila nung nakalapit na ko.

"Woah, walang kupas! Partida naka-heels pa yan" Grace said

"Small thing Graceybabes, tara na" At nauna na ko maglakad sa kanila.

"Psssh" Dinig kong sabi ni Raine. Epal talaga tong babaeng to ket kelan.

A/N: Next chapters na yung mahahaba *oh yung utak wag green, dapat pink. LOL* ang update. Pffft.

CAMPUS JERKS MEETS CAMPUS BITCHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon