"How to court a girl"
Yan ang tangi kong sinesearch sa google ko ngayong wala pa ang teacher. Pero puro damoves lang naman ng mga lalaki ang lumalabas bwiset na yan.
And yes. Pinayagan ako ni Alice na manligaw.
Medyo naiinis at nagtataka pa din ako dahil umamin siya sakin tas magpapaligaw siya sa iba. Nu kaya yun?
"Uyy how to court a girl? Ano gagawin mo diyan?"tanong ng katabi kong si Ramil na nakatingin pala sa cellphone ko "May nanliligaw sayo no?"
Nginitian ko nalang siya bilang pagsagot.
Di niya alam na ako ang manliligaw at hindi ako yung liligawan.
Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin at nagsimula ng magdiscuss.
"Basta't lagi niyong tatandaan na tourism students kayo kaya huwag kayong laban ng laban. Di niyo alam may pinaglalaban na pala siyang iba"sabi ni Ms.Gwen habang inaayos ang bag niya.
Napa 'oww' at 'aww' naman ang buong klase. Eh hugot yun eh,malamang basta usapang pag ibig,lahat magigising.
-----------
Sa wakas ay natapos na din ang morning subject ko kaya makakapaglunch na ako. Kasama ko ngayon si Lesley na tapos na pala ang klase. Samantalang may isa pa akong klase ngayon araw.
Napagdesisyonan naming sa labas ng school na kami kakain para wala ng istorbo kasi nung last na magkasama sana kami,di natuloy dahil nakigulo ang kapatid at pinsan niya. Idagdag mo pa si Alice na nagpasama saakin sa Mall.
Sa Mcdo ang napili namin. Dahil medyo hindi matao lang kaya makakapag order at makakakain kami agad.
Nang dumating ang inorder namin ang nagsimula na siyang dumakdak.
"So final desisyon mo na talaga yun? Liligawan mo na si Alice?"tanong niya habang sumusubo ng fries.
"Yep. Ayokong agawin ng lintek mong pinsan yung babaeng matagal ko ng gusto"
"Hey Miya! Dika ba nagagalit man lang na umamin sayo yung tao tapos magpapaligaw sa iba. Like what the hell"uminom siya saglit sa Mcfloat niya"She's pretty but little bit malandi"
Natawa ako sa sinabing iyon ni Lesley. May rhyme kasi eh. Ang sungit pa ng pagkakasabi.
"Hindi yun malandi. I know her very well. Mabait yun"
"Hay naku! Maging babae ka nalang please. Sinasayang mo ganda mo sa Alice na yun"
"Imbes na kumontra ka,tulungan mo nalang ako"humingi ako ng fries niya dahil ubos na yung saakin."Diba bi ka din. Baka may niligawan ka na din. Patulong naman"
"Di pa ako nanliligaw. Gusto ko ako ang ligawan nung girl. Di din kasi ako marunong eh hihi."
Magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko.
"MOM is Calling"
Biglang kumalabog ang puso ko. Dahil gabi lang naman 'to tumatawag. Pero ngayon? Oh noes.
![](https://img.wattpad.com/cover/182359163-288-k374673.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is Love
Teen FictionAng istoryang ito ay naglalaman ng buhay ko,charot! Tungkol ito sa isang babaeng bisexual. Wait. Kung dumating kaya ang isang lalaki sa buhay niya,sa babaeng alam niyang mahal niya pa din kaya siya titingin? Hmmm.