Chapter 2: Play Game

78 4 1
                                    

SABRINA POV

Pagkatingin ko sa digital clock ng kotse, alas siyeta na pala ng gabi at isang black car ang dinadrive ni preston habang katabi naman niya sa kabilang upuan si jaspher na nakatingin lang sa view sa labas ng window, nasa back seat naman kami ni garret nakaupo. Habang ako ay nagmamasid sa tatlong lalaki ay malalim na naman ang iniisip ko.

"Bakit kaya ako naaksidente?"

"Anong nangyari sa aksidente yun?"

"Paano kaya nila ako nailigtas?"

"Ano ba talaga ang tunay na pagkatao ko?"

Yan ang tumatakbo sa isip ko ngayon, nang naramdaman ko nag-alburoto ang tiyan ko, nakaramdam bigla ako ng gutom. Malamang magutom ako wala akong kain-kain sa halos isang buwan na natutulog ako sa hospital, kaya malamang din puro nasa dextrose lang ang nasisipsip ng katawan ko ng mga araw na yun.Humawak ako sa tiyan ko, at napansin tuloy ito ng katabi kong si garret.

"Hey, Are you Okay?" tanong bigla ni garret sa akin, nilingon ko siya.

"Hindi Hey! ang pangalan ko!" pagtataray ko sa kanya, at nakuha ko pa magtaray talaga. Ganto ba talaga pag gutom

Napangiti si garret sa sinabi ko, at nagsalita uli ito. "Ms. Sabrina, Okay ka lang ba?" malambing at malumanay na sabi ni garret.

Parang gusto ko matawa sa ginawa ni garret dahil hindi sa kanya bagay pero pinigilan ko matawa,"Kung sasabihin ko hindi, may magagawa ka ba?" tinignan ko si garret at tumingin din ito sa akin. sumagot naman ito nakangiti,"As long, as i can." at nagyayabang pa talaga sa akin ah.

"Kung sabihin ko sayo, gusto kita,,..ka..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang humalakhak ng tawa si garret,"Ano nakakatawa?" taka tanong ko, pero tawa pa din ito ng tawa, napatingin tuloy sa front mirror sila preston at jaspher sa amin dalawa.

"Bro, did you hear that? Sabi niya gusto niya ako.","Is that so?" tanong ni preston,"Hindi ko alam na may pag-nanasa agad sa akin si amnesia girl?","Ssshh..!" sabi ni preston at bumalik na ang tingin sa pag-dadrive niya, si jaspher naman ay napailing-iling na lang at kinuha na lang ang phone niya sa bulsa.

Namula ako sa inis dahil sa sinabi ni garret at di agad ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang una gagawin kay garret kung sasakalin ko ba o bubugbugin.

"Grabe pala talaga kagwapuhan ko noh, iba talaga ang nagagawa." natatawa sabi ni garret at muli ito nagsalita, "Ang hirap pala maging gwapo kasi..." biglang tinakman ko ang bibig ni garret, para hindi na muli itong makapagsalita.

"AAhhh!" sabi ni garret. Yung dalawa sina preston at jaspher ay hinahayaan lang kami magpatayan ay magbugbugan kaming dalawa na parang walang pakialam sa amin.

"Alam mo napaka feeling mo din noh?." Sabi ko sa kanya pero pinipilit ni garret tanggalin ang dalawang kamay ko sa bibig niya, pero masyado mahigpit ang dalawang kamay ko at hindi niya matanggal,"Mali ang iniisip mo, nagugutom na ko..kaya gusto ko ng makakain. Siya ka bakit naman kita magugustuhan eh hindi naman..." hindi ko natuloy ang dapat ko pa sabihin at napansin ko nakatingin sa amin sila preston at jaspher na parehas nakatingin sa front mirror.

Biglang tinanggal ko ang dalawang kamay ko sa bibig ni garret, "Napaka abnormal naman ito kaibigan niyo." yun na lang ang nasabi ko at tumingin na lang ako sa labas ng window ng kotse.

"Parehas lang kayo!" mahinang sabi ni jaspher at binalik ang tuon sa phone niya. Parang nakahinga ng maluwag si garret nang nakawala na siya sa mga kamay ko.

"Alam mo, kunyari ka pa!" sabi ni garret habang nag-aayos ng sarili, tinignan ko si garret.

"In your dreams." sabay irap kay garret.

The Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon