Chapter 3: Lock the door

59 4 1
                                    

"Hey!" eto ang narinig ko sa tenga ko nang magising ako sa pagkakatulog. Minulat ko ang dalawa kong mata at tumingin ako sa kanan ko, nakita ko ang isang lalaki nakatingin sa akin, malabo pa ang paningin ko kaya kinusot ko ang mata ko, at tinignan ko uli ang lalaki nasa kanan ko si preston, nasa loob pa din kami ng kotse. "Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya, "We're here!" sabi niya at bumaba na siya ng kotse. "Come down!" sabi niya bago sinara ang pinto ng kotse.

Bumaba na din ako ng kotse, pagkababa ko napatingin agad ako sa isang may kalakihan bahay, kulay white ang pintura ng mga pader at two storey house ang design ng bahay. Maganda at maayos ang bahay, malinis ang paligid at halatang hindi pinapabayaan makalat ang labas nito.

"Let's go inside!" pagyaya sakin ni preston.

Pagkapasok namin sa loob binuksan ni preston ang ilaw ng bahay pumunta siya sa kitchen, namangha ako sa nakita ko, nilibot ko agad ang mga mata ko sa paligid ng bahay dahil kung anong linis ng labas ng bahay ang siyang ganda, maayos at malinis din ang loob ng bahay para akong natulala na ewan. Nang napatingin ako sa binibigay na isang glass of water ni preston.

"You want to drink?" tanong nito sakin, kinuha ko naman ang baso. "Thanks!" sabi ko.

"Sit down, just take a rest." utos niya at umupo din naman ako agad, umakyat muna siya sa second floor habang ako eto tulala sa ganda at linis ng bahay. Napaisip lang ako bigla tahimik ang bahay, siya lang ba ang tao dito. Uminom muna ako ng tubig at nilapag sa center table ng sofa. Napatingin ako sa mga picture frame na nakadisplay sa long table. Tumayo ako para tignan ang mga pictures.

Nakita ako isang cute na batang lalaki na nasa isang stroller nakangiti ito sa picture, mukhang old picture na ito at sigurado ako si preston ang batang ito dahil ilong, mata at dimple pa lang siyang siya na e. Napansin ko din ang picture ng isang magandang babae at may pagkahawig kay preston, kapatid niya siguro ito, at napatingin din ako sa isang family picture na kinuha sa isang magandang beach, ang ganda ng picture kasama ang parents niya at kapatid niya babae, kung hindi ako nagkakamali 1 year ago lang kinuha ang picture na ito, ewan ko nasesense ko lang.

Nang naramdaman ko pababa na si preston ng hagdan, bumalik ako sa pagkakaupo ko. Di nga ako nagkamali at pababa na siya ng hagdan. Medyo nagulat ako ng nakita ko siya, nagpalit kasi siya ng damit naka white t-shirt at black jogging??? pants yata yung suot niya, simple pero bagay pa din sa kanya at aaminin ko naging gwapo siya sa paningin ko, mga 10%, nga lang baka lumaki ang ulo, dati kasi may hitsura lang siya sakin.

Biglang may binigay si preston sakin na pajama yata ito, kulay white at may design na floral ang pajama at may kasamang, OMG.. underwear, nakakahiya pero wala ako choice. Umupo siya sa tapat ko.

"Yan muna suotin mo, kaunti lang kasi naiwan na damit ng kapatid ko." sabi nito

"Ka....patid mo?" tanong ko kunyari wala ako alam, tumango siya sakin.

"My eldest sister." sabi ni preston

"Where's she?" tanong ko uli.

"In states, together with my parents. She got married, she's married to a rich man." sabay hinawi-hawi niya ang buhok niya.

"Mag-isa ka lang dito?" tanong ko sakanya, at nilibot ko na naman ang mata ko sa buong paligid ng bahay.

"No! We have caretaker to look this house, but she is now on vacation."

Tumango tango ako dahil naiintindihan ko na kung bakit malinis, maayos at maganda ang bahay. Himala napapasagot ko siya sa mga tanong ko ngayon kahit sinabi niya kanina pagod siya at wala siya sa mood magsalita, baka ayaw lang niya kumanta uli ako kaya sinasagot na lang niya mga tanong ko. Biglang may naisip na naman ako tanungin sa kanya.

The Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon