Chapter 4: Trouble

62 4 0
                                    

Habang nakatingin ako sa labas ng window ng kotse, si preston ay nagda-drive lang.

"Heto na naman kami sa walang kibuan, parang feeling ko nasa library room kami na bawal mag-ingay. Ganto ba talaga ang lalaking ito, kagabi napadaldal ko naman siya pero ngayon iba na naman ang mood niya."

Sinubukan ko kausapin si preston baka dumaldal.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Breakfast." tipid na sabi niya na hindi ako tinignan.

"Saan tayo kakain?" tanong ko uli.

"At cafe shop." casual na sagot niya.

"Masarap ba ang coffee dun?" pangatlong tanong ko kay preston.

"Okay lang." sagot lang niya na hindi man lang ako tinitignan.

Bumalik ang tingin ko sa labas ng window ng kotse.

"Grabe, ang saya niya kausap. hindi ka maboboring." sumimangot ang mukha ko.

"Akala ko nung una mabait siya dahil gusto niya ako tulungan sa sitwasyon ko. Pero bakit ganto siya, parang naiinis siya sakin kapag nagtatanong ako sa kanya. Mas mabuti pa yata si garret na lang sana ang natalo sa laro nila kagabi, kahit paano kasi kinakausap ako nun. Siguro, mas mabuti manahimik na nga lang muna ako."

**

Pagkapasok pa lang namin sa Cafe shop nag-tinginan na sa amin ang dalawang waitress, isang cashier na nasa counter at ilang babae na kumakain sa loob ng cafe. Anong meron? Kaunti pa lang ang customer dahil maaga pa ng mga oras na yun. Pumunta si preston sa counter para umorder at ako naman humanap ng table namin, umupo ako sa tabi ng glass wall para naman may makita ako magandang view.

Naririnig ko ang usapan ng dalawang babae na nasa likuran ko dahil medyo malapit sila sa table na pinili ko, at alam ko si preston ang pinag-uusapan nila kaya tinignan ko sila mula sa likod ko.

"He's handsome." sabi ng unang babae curly ang buhok.

"Ang swerte ng girlfriend niya." sabat ng pangalawang babae na mapanga ang mukha.

"Oh thank You." sabi uli ni kulot na feelingera at nagtawanan silang dalawa.

"Gwapo nga, but he's so damn." sabi ng isip ko.

Tumalumbaba na lang ako sa lamesa at tumingin sa labas ng glass wall para naman marelax ako kahit paano. Sa pagtingin ko ng view hindi ko namalayan tapos na pala umorder si preston at nakaupo na siya sa harap ko. Busy ito sa hawak na phone hindi ko alam kung anong ginagawa niya kung nagtetext ba siya, chat, exploring sa internet o ano man.

"Eto na naman kami sa eksenang ito, yung parang wala siyang kasama kundi ang sarili niya."

After 5 minutes. Ganoon pa din ang eksena hawak pa din niya ang phone at ako heto nakatingin sa kanya na nag-aantay tumulo ang laway ko.

7 minutes later, walang pagbabago same position & same scene.

Past 10 minutes. wala yata siyang balak talaga unang mag-approach sa amin dalawa.

"Nananadya ba siya? Tingin niya ikakagwapo niya ba ang hindi magsalita. Hindi ko na talaga kaya manahimik sa gantong sitwasyon."

Sumandal ako sa upuan at kinuyom ang dalawang kamay ko sa dibdib ko at tinignan siya ng mabuti kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"Ganyan ka ba talaga?" diin sabi ko sa kanya.

The Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon