Chapter 1: Super Heroes

242 7 2
                                    

 Sa pagmulat ng mga mata ko pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang tulog at ngayon lang nagising.Nakahiga ako sa malambot na kama at nasa isang kwarto, sinubukan ko igalaw ang mga daliri at paa ko para maramdaman kung nakakakilos ako ng maayos. Feeling ko kasi namanhid ang buong katawan ko sa isang mahabang tulog at blanko ang utak ko. Isa lang ang alam ko tumatakbo sa isip ko kundi sino ang tatlong lalaki nasa harapan ko?

Nakatingin sila sa akin ngayon at parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila pag gising ko. Bumangon ako sa pagkakahiga pero nanatili ako nakaupo sa kama. Naramdaman ko na may plaster ang bandang gilid ng noo ko at nakasuot ako ng isang white cloth na ginagamit ng mga nacoconfine sa hospital.

Binalik ko ang atensyon ko sa tatlong lalaki kanina pa ako tinitignan. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila bawat isa, pero kahit isa wala ako matandaan sa kanila. Tanging nabigkas ko na lang sa akin bibig.

"Sino kayo?." nagtatakang tanong ko.

"Finally, You're Awake!". sabi ng isang lalaki nakasuot ng black v-neck shirt.

"I'm Garret." nakangiti sabi niya uli sa akin.

Wala akong reaksyon, kundi tignan ang sumunod na lalaki nakasuot ng jacket na kulay black, ngumiti ito sa akin ng simple.

"Hi. I'm Preston." cool niya sabi lang.

Huli ko tinignan ang lalaking nakatayo sa kaliwang side ko, ang suot naman nito ay naka white t-shirt lang. Napansin ko seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at naka cross-arm p.

"Jaspher." serious voice at umiwas agad ng tingin sa akin.

Pagkatapos ay bumalik ako ng tingin sa kanilang tatlo.

"Nasaan ako?." tanong ko sa kanila.

Nakita ko nagtinginan muna silang tatlo bago tumingin sa akin si garret.

"You're here in manila Doctor's hospital." sabi ni garret.

**

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan at kaharap ang doctor na sinusuri ang dalawang mata ko. Nasa loob pa din kami ng kwarto habang ang tatlo ay tahimik lang na nag-oobserve sa ginagawa ng doctor. Pagkatapos ng observation ng doctor sa akin, tinignan ako ng doctor.

"By the way, I'm Doctor Fajardo ako ang doctor na naka-assign for you." at inabot ang kanan kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ang offer niya pakikipag-shakehand. Pagkatapos nagsimula na uli siya magsalita.

"I should ask you first, What's your feeling right now? tanong niya sa akin.

"I feel good." sagot ko lang.

"Kamusta ang sugat mo?." tanong niya uli.

"I have wound?" gulat na tanong ko.

He nodded. "The wound is close to your forehead. You also have wound in your shoulder and flank." Hinawakan ko ang balikat at noo ko meron nga plaster ako nakapa. Hinawakan ko rin ang tagiliran ko may plaster din ako nahawakan.

"Don't worry, buti na lang ay daplis lang ng bala ang nangyari sa sugat mo yan." he added.

Daplis lang ng bala? Nagsimula tuloy ako mag-isip sa sinabi niya.

"Let's talk about some important details about you. Isipin mo na lang na parang nag-iinterview lang ako sayo iha. Anyway, may i know your name?" tanong niya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil inalala ko pa ang pangalan ko sa isip ko.

"I'm..Sab..ri..na!!." slowly said.

The Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon