Chapter 5: Don't Judge the book by its cover

84 4 2
                                    

Sabrina POV

Habang palabas ng Cafe Shop, ako heto nasa likuran ni preston.

"Nakakainis, Nakakagigil, Nakakataas ng dugo. Gusto ko magwala!!! Hinayaan ko buhusan ako ng tubig sa ulo ng babaing yun sa harapan ng mga tao. lalo hindi ko matanggap na wala man lang ako nagawa para gantihan yung ginawa niya sa akin, haayyy bakit kasi hindi ako nakagalaw kanina para sampalin at hilahin ang buhok ng babaing yun.. para akong basang sisiw na naistroke kanina. BWISEET..!!!" in my mind.

Tinignan ko si preston nakatalikod sa akin na nauuna maglakad.

"Pinahiya niya ako dahil sa lalaking nasa unahan ko. Hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ng lalaking ito, sa kulot na yun. Ang Sama niya!" in my mind.

Nakalabas na kami ng cafe shop at papunta na kami sa parking lot.

"Oo! Wala siyang pananagutan sa akin.Oo! Hindi niya ako kaano-ano at lalo hindi niya ako Girlfriend!!! Oo! Wala siyang alam kung anong puno't, dulo ng namagitan sa amin ng kulot na yun kaya wala siyang idea. Pero ganun pa man dapat kahit paano pinagtanggol niya ako di ba? kahit saan mo tignan hindi pa din tama yung ginawang pagpapahiya ng kulot na yun sa akin. Ayoko siya kausapin kanina, dahil siya yung dahilan kung bakit sinugod ako ng babaing yun. Tapos wala man lang siya ginawa as in negative zero." in my mind. Then i rolled my eyes over with him, even he did not see me.

"Wait!!! Hindi ako nagtatampo. Sama ng loob ito Okay." in my mind.

Kapag naaalala ko yung nangyari kanina lalo ako naiinis. Nakita ko kinuha ni preston ang remote key sa bulsa niya at bago niya buksan ang pinto ng kotse.

"We will go to the laundry shop. Your dress is wet." sabi niya sakin.

"Wala ako pakealam kung basa yung damit ko, ang importante sakin yung nakabawi man lang ako sa nangyari kanina." in my mind.

"AYOKO!!!" diin ko sabi, naiinis pa din kasi ako kay preston gusto ko siya asarin lalo. Humarap ito sa akin at nakita ko sa mukha niya ang pagkainis sa sinabi ko.

"Why?" tanong nito. "I'm gonna stay here!!!" sabay irap ko sa kanya.

Baka bumalik pa si kulot kahit alam ko malabo mangyari yun dahil tumakbo na siguro yun at alam niya gagantihan ko siya.

"No..we will go to the laundry." loud voice.

Bigla ba naman hinawakan niya ang kaliwa ko kamay at hinila para pilitin isama sa kotse pero kahit may amnesia ako malakas pa din ang lola mo, kaya ko pa din siya mapigilan.

"Bitawan mo ang kamay ko!" sigaw ko sa kanya. "NO!" sabi lang nito sa akin at hinihila ako.

"Sabi ko bitawan mo ko!" sigaw at inis na sabi ko, pero hinihila pa din niya ako papunta sa kotse niya. Grabe wala siyang awa, wala siyang pakialam maputol man ang kamay ko dahil sa paghila niya sa akin. Nakaisip bigla ako ng idea sa utak ko para lang bitawan niya ako, bahala na pero kaylangan ko gawin ang bagay na ito. Kinagat ko ang kamay ni preston sa nakahawak na kamay niya sa kamay ko.

"Aahhhhh!" sigaw niya, at dahil sa kagat ko binitawan niya ako. SEE GUMANA ANG IDEA KO.

"Bakit mo ko kinagat?" inis na tanong niya , habang hawak ang kanan kamay niya.

Napansin ko namula ang mukha niya dahil sa inis ba? o dahil sa kagat ko? nakita ko din na namula yung kagat ko sa kamay niya, ewan ko pero parang madiin yata yung pagkakagat ko at mukhang nasaktan siya sa talas ng ngipin ko.

"Oh? Masakit ba? hindi ko naman sinasadya." pang-aasar ko pa sa kanya habang nakangisi.

Bigla niya akong nilapitan at tinignan ng harapan, as in ang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.

The Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon