"Congratulations Matteo, wala ka pa ring kupas man."
Nakangiting tinanggap niya ang mga palad ni Gerald, ang kasamahan niya sa pagmomodelo. Kasamahan din niya ang lalaki sa pagkakarera. "Salamat man. Ikaw rin naman ah."
Galing lang sila sa isang karera na ginanap sa Tagaytay at sa ang itinanghal na nanalo sa laro. He wasn't surprise. Siya naman palagi ang nananalo sa pagakakarera sa bansang ito. Masusurpresa siguro siya kung hindi siya nanalo sa laro. Sanay na siyang siya ang nanalo sa lahat ng larong sinalihan niya at ang laro kanina ang pinakamaganda para sa kanya. Nakalaban niya kasi si Lloyd, isang magaling na car racer dito sa bansa maging sa England. Isang malaking news tiyak bukas ang pagkapanalo niya ngayong araw. Nakikita na niya ang sayang idudulot niyon sa Manager niyang si Agie, isang baklang kumukuha ng talent para sa pagmomodelo. Mag-iisang taon na rin siyang hawak ni Agie at sa panahong iyan ay hindi siya nauubusan ng proyekto. Inalok na rin siyang mag-artista ng bakla at ng ilang TV network ngunit hindi niya iyon matatanggap.
"Thanks man. At masaya akong naungusan mo kanina si Lloyd. Wow! That was close." Ikinumpas pa nito ang mga kamay sa hangin para lang ipakita sa kanya kung gaano siya kagaling. Nadadagdagan na naman ang self confident niya.
"Anyways Im gonna go pare. Kanina pa ako hinihintay ni Shaina eh." Nag wave sa kanya ang lalaki at naglakad na palayo.
Inilibot niya ang paningin. Hinahanap ng kanyang mata si Kiara, ang kanyang inspirasyon. His one real life girlfriend. Sa showbiz kasi ay napakarami ng mga babaeng nalilink sa kanya ngunit kakaiba ang Sara niya. He loves her just the way she is.
Bago magsimula ang game kanina ay iniwan niya ang dalaga sa front row ng mga viewers para kitang-kita nito kung paano siya magpapakitang gilas para rito. Binalikan niya ng tingin ang puwesto nito ngunit wala na ang babae doon.
Baka nauna na siya sa labas. Kausap niya sa sarili. Isa naman iyon sa ugali ng babae. Mainipin ito. Ayaw nito na pinaghihintay lalo na at hindi naman nito gusto ang ginagawa.
He decided to walk out from the racing arena. Na miss na niya agad ang babae. Alam niyang nasa labas na ito ngayon at hinihintay siya. Papalabas na siya nang makatanggap siya ng isang text message. Nagliwanag ang mukha niya nang makitang si Kiara iyon. HONEY YOU KNOW HOW MUCH I HATE CAR RACING. SO HINDI KO NA TINAPOS ANG GAME. NAGPASUNDO AKO SA DRIVER NAMIN. I WONT APOLOGIZE COZ IKAW ANG NAGPUMILIT NA SUMAMA AKO. JUST TAKE CARE AND I LOVE YOU. KITA NALANG TAYO SA METRO.
Napakunot ang noo niya sa nabasa. Nagpasundo ang babae sa driver ng pamilya nito. Ni hindi man lang nito nakitang nanalo siya sa laban.
Anyways she's always like that. Kilala na niya ang babae. Hindi nito gusto ang pagkakarera niya. Pero sinabi nitong tanggap siya nito. Pati ang paninigarilyo niya ay ayaw nito kaya nagawa niyang tigilan iyon. He loves her that much.
Unang kita palang niya sa babae ay nagkagusto agad siya rito. Tall, slender at tila manikang mukha. She looked like an angel for him. Well he havent seen an angel yet but he's pretty sure that if they exist Kiara would be more than them. Her beauty is irresistable. Pwera nalang ang ugali nito na typical bratinella. Gusto nitong nakukuha lahat ng ginusto.
He first met her in one of his modelling venue. She sangs for their product. Kung ano kasi ang ikinaganda nito ay mas dumoble pa ang ganda ng boses nito. He was so much inlove with her voice. It's enchanting him so much. Hanggang ngayon ay hindi niya pagsasawaang pakinggan ang boses nito.
SURE HONEY. SEE YOU IN METRO. I LOVE YOU TOO.
Isang maikling reply lang ang ipinadala niya sa katipan. He wanna surprise her later. Dadalhin niya ito sa isang class hotel for a dinner at para na rin magawa niya ang napagpraktisan niyang proposal para dito. Yes, he will marry her soon. Very soon.
BINABASA MO ANG
Matteo and me?
RomanceThis is Fandom story of mine for Mr.Matteo Guidicelli. The name and place used was just my imagination. Hope you like it guys.