CHAPTER 12

53 2 0
                                    

"Stop it baby, you're really making me sick." Kausap ni Lhing sa sanggol na nasa sinapupunan pa niya. Kanina pa niya nararamdaman ang bawat pagsipa nito at lahat na yata ng posisyon ay nagawa nito sa loob.

She walked towards the mirror and examined herself. Napapansin niyang tila lalong pumuti ang kanyang mukha at nanlalalim ang kanyang mata. Well, hindi na iyon kataka.taka. She thought. Nitong mga nagdaang gabi ay malimit siyang nagigising ng madaling araw at nahihirapan na siyang makatulog dahil sa paggalaw-galaw ng bata sa loob niya.

"May problema ka ba?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Lendy. Nakapasok na pala ito sa kanyang kuwarto. Nag file ang kaibigan ng leave at dinaanan siya nito sa kanila. Lendy will be staying for the night.

"W-wala. Medyo malikot lang ang isang ito." Sagot niya  habang hawak ang toktok ng kanyang tiyan.

Napatingin ang babae sa kanyang tiyan pagkatapos ay napangiti. "Masaya ako sa iyo." Lumipat ang  babae sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

Gusto niyang mapaiyak. Kailan lang ay magkasama pa sila nitong naglalakwatsa at nagpapasalamat na wala pa silang asawa na pipigil sa mga lakad nila pero ngayon ay malapit na siyang manganak at alam niyang mawawalan na siya ng oras na magliwaliw.

"Ang drama mo." Nakasimangot na sagot niya sa kaibigan. "Huwag mo nga akong paiyakin kasi papangit ang baby ko."

"Kuh! Nagpapaniwala ka naman diyan." Saway nito sa kanya. "Kahit isang baldeng luha pa ang iiyak mo araw-araw ay hindi papangit iyan." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Look at you, So beautiful. Kahit yata si Chocklait  pa ang ama niyan ay sa iyo parin iyan magmamana."

Bigla siyang lumungkot. Sana nga si Chocklait nalang. She thought. Gusto niyang isipin kung kumusta na kaya ngayon si Matteo, kung masaya ba talaga ito sa buhay na pinili nito, kung totoong nobya nga nito ang babaeng  katabi, at kung iniisip rin ba siya nito tulad ng ginagawa niya tuwing gabi.

Ano ngayon kung nobya nga niya? Tuyaw ng isang bahagi ng kanyang isip. Hindi mo siya boyfriend gaga.

Lihim na may kumurot sa kanyang puso ang katotohanang iyon. She never owned Matteo. He was never hers. Sa simula pa lang ay alam na niyang hindi sila bagay ng lalaki at kailanman ay hindi sila babagay.

Dapat ay hindi siya nasasaktan ngayon dahil matagal na niyang tanggap na hindi sila para sa isa't isa. Bakit mahal ka ba niya? Napangiwi siya. Tama, hindi naman pala siya mahal ni Matteo. It was one sided love, sa panig lang niya ang may pagmamahal.

She thought she had forgotten her admiration for him some years ago. Totoong nasaktan siya noong hindi siya nito sinipot sa pinag-usapang lugar pero mas doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

I promise anak na mula ngayon sa iyo lang ang buong atensyon ko. Pangako niya habang hawak ang kanyang tiyan. She swallowed the imaginary lump in her throat.

Bigla nalang niyang naramdaman ang pagsipa ng kanyang anak sa loob at napahiyaw siya. "Ouuuuchhh!"

"Are you alright?" Nakangiwi ring tanong ng babae.

"I guess so."

"Babalikan ko na muna si Tita roon at mag-iihaw kami." Hinalikan nito ang noo niya bago ito lumakad palabas.

Nasundan niya ng tingin ang babae. Mabuti pa ito ay walang problema sa buhay. May maganda rin itong buhay pag-ibig.

》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

"Bullshit."

Ibinato ni Matteo ang iPad na hawak sa kaharap na unan. Kanina pa niya hinahanap ang orihinal na account ni Lhing Francisco sa facebook, nagbabasakali siyang matutunton niya ito gamit ang naturang social sites. Nakita naman niya ang hinahanap pero para siyang binuhusan ng isang balding tunaw na yelo nang malaman niyang deactivated ang account nito. Shit!

Matteo and me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon