Chapter 3

82 2 0
                                    

"Sakay nah!"

"What?" Ngunit naitulak na siya papasok nito sa likod ng kotse. The man was wearing a black Polo and a black pants. Tila nakabonnet rin ito. "Hindi kita kilala, ano ba? Ibaba mo ako rito." She tried to reached for the car's door ngunit nauntog siya sanhi ng biglang pagliko nito. "Aray!"

"Kapag hindi ka tumigil diyan ay palalabasin kita para madali ka ng mga lalaking nasa likod natin." Pigil ang boses ng lalaking nagdadrive.

Gusto niyang kabahan ng makitang may dalawang kotse na nakasunod sa kanila. Tila gusto nitong ungusan ang kotseng sinasakyan niya ngunit sadyang magaling at madiskarte ang estrangherong driver niya. "Ano ba kasi ang ginagawa ko dito sa kotse mo at------

"Shut up!"

Awtomatikong natigil siya sa ibang sasabihin nang sigawan siya ng lalaki. Ngayon pa lang siya nasigawan sa tanang buhay niya at hindi niya matanggap na ang estranghero lang na ito ang sisigaw sa kanya.

Akmang sisigawan rin niya ito nang muli siyang mabuwal sa sa likod ng dahil sa pagbangga ng isang kotseng nakadikit na sa kanila ngayon. Natakot siyang bigla. Tila galit na galit ang mga ito sa lalaking kasama niya. "Diyos ko, ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang makita sa personal si Logan Lerman at magkakaanak pa ako sa kanya. Gusto ko pa pong makaduet si Cher Lloyd kaya po ay-----Aray!"

Napalingon siya sa likod. Dalawang kotse na ang nakadikit sa kanila. Gustong manayo ng lahat ng balahibo niya sa takot nang makitang may dalang baril ang pangalawang kotse. "Oh my God! May baril sila. Ano kaba? Do something." Nakasigaw na ring utos niya sa lalaking kasama. "Ayaw ko pang mamatay."

"Hold on!----- iyon lang ang narinig niya at tila natamaan siya ng kung anong bagay sa ulo niya. Napapikit ang kanyang mata at tuluyan na siyang kinain ng kadiliman......

》》》》》》》

"Punyeta!"

Nagsitungo ang tatlong lalaking nakabonnet sa harapan ng isang lalaking nakaboxer lamang. Alas tres na ng madaling araw at pilit niyang inignora ang sariling antok para lang hintayin ang resulta ng kanyang pinapatrabaho sa mga ito.

"Napakabilis po niyang magpatakbo ng kotse." Reklamo ng isa.

"Eh di binaril niyo nalang sana ng binaril." Nanlilisik ang matang sagot niya sa lalaki. Pinatid niya ito sa hita. "Mga walang silbi."

"May kasama kasing babae sir."

"Kasama?" Naninigurong tanong niya sa isa pang nagsalita.

"Akala ng namin na baka si Maam Kiara." Nakatungong wika ng isa.

"Ulol!! Kasama ko si Kiara kagabi." Tinadyakan niya ito. Malakas pa keysa sa nauna. "Ang sabihin niyo. Mga duwag kayo."

"May plan B pa naman po eh!"

Napangisi siya sa narinig. Hayop ka Matty! Ang tagal mo talagang mamatay. Pero maghintay ka lang.

Kring!!! Kring!!! Kring!!!!

》》》》》》》

Nakakunot ang noo ni Matteo habang hinihintay ang pagsagot ni Gerald sa Gerald sa kabilang linya. Nakailang ring na siya ngunit wala paring sumasagot sa numero nito.

Putsa!! Hindi ko pala cellphone ito. Kanina ay nahulog ang phone niya sa pagmamadali niyang makasakay sa kotse niya.

Napatingin siya sa babaeng tila himbing na himbing sa backseat ng kotse niya. Cellphone ng babae ang gamit niya. Nakita niya itong nahulog sa pagkakabangga nito sa upuan niya kanina. Nakita niyang may bahid ng kaunting dugo ang noo nito. Gosh! Is she alright?

Matteo and me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon