Chapter 7

54 2 0
                                    

"Ay kalabaw."

Halos mabitawan niya ang bowl na may laman na sinangag nang biglang may sumulpot sa likuran niya.

It was Matteo. He looked so clean and fresh. Mukhang kagagaling lang nito sa shower. Kahit hindi nag-ahit ang lalaki ay lantad parin niya ang kaamuhan ng mukha nito.

"Ba't ka ba nanggugulat?" Paangas na tanong niya. Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil baka kaiba ang makikita nito mula sa kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo Diyan?" Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.

"Obviously, nagluluto." Ginawa niyang excuse ang ginisang kanin para libangin ang sarili sa halip na makiharap rito.

"Para sa akin ba iyan?" Pumuwesto ito sa tagiliran niya.

Their skin almost touch and its giving her a hard time. Ang hirap pala talagang magfocus kung kasinggwapo nito ang katabi ng kung sino man. "Ano ka? Magluto ka ng sa iyo. Para kay lolo ito."

"Wow! Ang swerte ni lolo." His skin brushed hers and it leaves a millions of tiny tinggles on her system. Bigla siyang nag-init at kahit pustahan pa niya ay namumula na ngayon ang kanyang mukha. "Mukhang si lolo ang type mo keysa sa akin."

What? Halos malaglag ang panga niya sa sinabi nito. Gusto niyang matawa na magalit sa tinuran ng lalaki. She never imagine herself with the oldies.

"Joke lang." Napangiti ito ng sobrang tamis at pagkapos ay piniga ang kanyang magkabilang pisngi. "Alam ko namang ako ang mas mahal mo kaysa kay lolo. Dalian mo diyan may pupuntahan tayo." Utos nito sa kanya.

"May gagawin pa ako."

"Eh! Mamaya mo na gawin." Ungot nito sa kanya kasabay ng pagsundot sa kanyang tagiliran.

"Aray." Pinatid niya ang lalaki habang pinapalo niya niya ito ng sandok. "Umalis ka nga."

"No sweetheart. Pagkatapos kong magtrabaho buong gabi ay hindi mo ako ipagluluto?"

Natawa siya sa inakto ng lalaki. Sumaya ang kanyang puso sa pinakitang kakingkoyan ng lalaki ngayon. She never thought someone like him to be this childish. "Excuse me lang Sweetheart? Ano ba ang trabaho mo tuwing gabi? Call center ba? Nocturnal ka ba? Wala ka ngang ginawa kagabi kaya hindi ka kakain ngayon." Pagsakay niya sa drama nito.

He giggled. Ang cute nitong tingnan habang umaaktong nasaktan sa sinabi niya. "Anong wala akong ginawa? Iyong ginawa natin kagabi, nakakapagod iyon huh------------"

"And what did you do last night?"

Sabay silang napalingon sa lolo nito, na bigla nalang sumulpot kasunod si Jeleca. Seryoso ang mukha ng matanda habang pumapalakpak si Jeleca.

"Anong ginawa niyo Kuya?" Kinikilig nitong tanong. "Bata pa si Lhing kuya. Pero bagay naman kayo." Bumungisngis ang babae habang kumukuha ng sandwich at inilagay sa toaster.

"Kailan ka ba titino Matteo?" Asik ng matanda sa lalaki. "Sinaktan ka ba niya hija. Ang narinig ko ay nakakapagod ang ginawa niyo kagabi."

Diyos ko po. Tulong! Napangiwi siya sa tanong ng matanda. Bakit naman kasi ganun ang sinabi ni Matteo. Feeling niya tuloy ay nasa hot seat na silang dalawa at bibitayin na pagkalipas ng isang minuto.

Naramdaman niyang hinawakan ginagap ng lalaki ang kanyang kanang kamay na may hawak na sandok. Wala na sa loob niya na mainit pala iyon.

"Tell me hija. Kahit apo ko siya ay handa akong ipakulong siya." Paniniguradong wika ng matanda na ipinasok ang dalawang kamat sa bulsa ng suot nitong slacks. In fairness bagay naman dito iyon. Para itong alkalde na tatakbo sa pagkapangulo. Ngeee.

Matteo and me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon