Chapter 13

141 3 3
                                    

"Hijo? Baka pwede ka munang umupo rine."

Pahapyaw na napalingon si Matteo sa butihing ginang. Nakilala niya itong ina ni Lhing.

"Ako kasi ang nahihilo sa iyo hijo."

"A-ayos lang ho ako Mama."

Nakunot ang noo ng ginang sa sagot niya, maging ang kasama nilang si Aling Dora at Lendy ay napasinghap sa sinabi niya.

"T-teka? Magkakilala ba kayo nitong anak ko?" Naguguluhang tanong sa kanya ni Mrs. Francisco.

"Oo nga." Segunda ni Lendy. Ito ang babaeng kasama ni Lhing kanina habang nakadamit pang jogging ang babae. "Mukhang magtatampo na ako nito kay bespren. Bakit hindi niya sinabi sa akin na kakilala ka niya?" Nakaingos na dagdag nito.

"Iyong huling balita na pinanuod ni Lhing tungkol sa iyo ay nasa Macau ka na raw at---------

"Nanuod po si Lhing ng balitang iyon?" He cut her off as he felt the excitement jolted him. Atleast. Nakadama siya ng munting pag-asa para sa kanilang dalawa.

"T-teka, sagutin mo muna ang tanong ko hijo. Paano kayo nagkakilala nitong anak ko?" Nakataas ang kilay na tanong sa kanya uli ni Mrs. Francisco. Pero bago pa siya nakapagsalita ay nagsalita na naman ang ginang. "... eh!! Hindi man lang niya naikuwento sa akin. Ayaw nga niyang nag-iidolo kami sa iyo.. pero okay lang iyon hijo.. atleast kapag galit sa iyo ang anak ko ay ibig sabihin nun pinaglilihian ka niya.. magiging kamukha mo ang apo ko." Tila nangangarap na wika ni Mrs. Francisco. "Nasabi ko na bang napakagwapo mo hijo?"

"H-ho? Ah... salamat po." Ang kaninang pag-asa niya ay biglang naglaho ng marinig ang huling sinabi ng ginang. Galit siya sa akin.

"So???....tell us. How did you know Lhing?" Singit ng bestfriend nito.

"I-its a long story.... but to make it short...." Hindi niya kayang ikuwento sa mga ito kung paano niya nakilala si Lhing. ".....Im her child's father."

"What???????" Halos mabingi siya sa sabay-sabay na tanong ng nakapalibot sa kanila. Iba't-iba ang reaksiyon niyon. Gusto niyang mapangiti pero wala siya sa tamang sitwasyon para ngumiti.

He looked at Mrs. Francisco, nakahawak ito sa dibdib nito at tila nahihirapang huminga. Nakatitig ito kay Lhing na hanggang ngayon ay wala pang malay. "Dora, kailangan ko ang inhaler ko. Dali!"

"O-okay lang ho kayo?" Nagmamadaling hinawakan niya ang bisig ng matanda at inalalayan ito. "Im sorry po kung nabigla kayo kasi hindi ko naman po alam na buntis si Lhing. Kagagaling ko lang po sa ----------aray!"

Napalingon siya sa nakaumbag na kamao ni Lendy. Mukhang hindi pa ito nakaget-over sa narinig mula sa kanya.

"Hayop ka! Kung hindi mo pa pala nalaman na buntis ang bestfriend ko kakalimutan mo na talaga?" Nanlalaking mata na tanong nito sa kanya bago siya binigyan ng side kick.

"Awww!! Masakit iyon huh!!" Mariin na pigil niya rito. Kung hindi lang ito babae ay baka nasuntok na niya ito. "Im sorry uli. Ako kasi ang iniwan eh, kaya Im just saving my pride. Nagpakalayo-layo ako.. dahil hindi ko matamggap na hinindian ako ng kaibigan mo."

"I-ibig bang sabihin. Nakipag One night stand sa iyo ang anak ko??" Gimbal na tanong ng ginang sa kanya. "Gusto ko na yatang himatayin kung ganoon. Humanda sa akin ang babaeng iyan kapag naggising-------"

"MAMA!"

Lahat ng mata ay nakatuon sa pinto na marahas na naitulak ng bagong dating. Humahangos pa ang babae at naglakad ang papunta sa kanya na salubong ang kilay. Wala sa loob na nagtago siya sa likod ng matanda.

Matteo and me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon