"You don't like the food?"
Lhing turned to her right side and saw Gerald as he made face. Nakilala niya ito kani-kanina lang. Napag-alaman niyang Gerald is Matteo's bestfriend. She's been seeing Gerald in the TV and in the building where The Philippines Today rented an office. Kanina pa niya napapansin ang matalim na titig nito sa kanya at paminsan-minsan ay tinitingnan nito ng masama si Matteo kapag hindi nakatingin ang huli. Paano sila naging bestfriend? Eh kasi, kapag may kapangyarihan lang ang titig nito na patayin si Matteo ay malamang nailibing na ang lalaki ngayon. She thought. Shut up Lhing. Kumain ka na nga lang! Saway naman ng kanyang isip.
"May problema ba sa templa hija?" Nalingunan niya si Aling Donita. She throwed an apologitic looked to the old maid. Baka kasi maoffend ito sa kanya. "Gagawan kita ng iba."
"No! Masama lang ang pakiramdam ko Aling Donita pero masarap po ang pagkain." Mabilis pa sa alas kuatro na sagot niya. Pilit niyang sinubo ang nasa laman ng kutsara niya at nilulon iyon. Yes, she like the food but Gerald's look made her lost appetite. "Don't worry po."
"Sige po manang. She's fine." Si Matteo na ngayon ay masama na rin ang tingin sa kanya.
God, he's made from heaven. Kahit kasi nakanguya ang lalaki ay napakaguwapo nito.
"Pwede ba, huwag kang mag-inarte." Pigil ang boses na wika nito sa kanya. Nakataas ang isang kilay nito na tila nakagawa siya ng isang napakalaking krimen.
Gusto ko ng bawiin ang sinabi ko. Hindi kana guwapo.
She stood up and leave them. Hindi na niya nakita na napatayo rin si Matteo. Mas higit sa lahat ang lihim na pagngiti ni Gerald.
Hindi rin naman siya mabubusog roon kapag nagpatuloy siya sa pagkain. Ang kailangan niyang gawin ay makahanap ng cellphone, dahil gustong-gusto na niyang makauwi.
Hinahanap niya si Aling Donita. Nakita niya kasi kanina na dumiritso sa likod bahay ang matanda. Sigurado siyang may cellphone and matanda dahil kahit one year old yata sa panahon ngayon ay may cellphone.
Pagdating niya sa likod bahay ay may nakita siyang isang maliit na kuwarto. She was thinking that its the servant's quarter. Papasok na siya sa pinto nang biglang sumabit ang duster na suot niya. Shit naman oh! Bakit ba kasi duster ang ipinahiram sa akin ni Aling Donita. Marahas na hinila niya ang pagkakasabit ng laylayan niya sa nakausling pako sa kahoy ng pinto. The filthy sight welcomed her senses. Ewww! Stock room ata ito? Tila maruruming bagay ang naroroon. May mga kahoy na dos por dos. Pero wala naman yatang panggagamitan iyon.
Nang pilit niyang hilahin ang laylayan ng damit ay natanggal naman ito ngunit napasubsob siya sa sahig. Nadikit ang mukha niya sa isang container ng gas.
Wait! Gas? Bakit may gas rito? Gusto niyang kabahan. Pero wala naman siyang nakikitang rason kung bakit siya kinakabahan. Was it because of the gas? Mas lalong bumilog ang ulo niya nang mapansing may nakapatong na Lighter sa isang kahoy.
Dali-daling lumabas siya ng silid at napatda ng makasalubong niya ang lalaking kinaiinisan. "Whoooa." She stopped herself from saying anything, most especially about the gas.
"What were you doing there?"
Kanina pa niya napapansin na panay ang english ng lalaki. Hindi naman kasi ito mukhang may half blood. He's a younger version of Alfred Vargas. He look like masculine enough to attract women. Pero hindi ako attracted sa kanya. Paninigurado niya. "I w-was looking for Aling Donita. I thought this is a servant's quarter."
Napangiti ang lalaki. Kitang-kita niya ang pagkakapantay ng mga ngipin nito but she's pretty sure na fake ang mga iyon. "Nasa guess room si Aling Donita. May kailangan ka ba sa kanya my lady?"
BINABASA MO ANG
Matteo and me?
RomanceThis is Fandom story of mine for Mr.Matteo Guidicelli. The name and place used was just my imagination. Hope you like it guys.