Ang mundong ito masyadong malihim , marami tayong hindi nalalaman at kailangang matutunan sa mundong ito.
Nagtatakip - silim na pero ito parin ako naka upong mag isa sa gilid na bahagi ng Parke na ito. Wala pa akong balak umuwi dahil ganon parin naman mag isa ako sa tinutuluyan kong apartment at baka ano pang maisipan kong gawin.
Suicidal kasi ako at Hindi sana advisable na mag isa lang ako lagi pero ito ang gusto ko wala silang magagawa.
Magdadlawang taon na akong ganito depressed at ilang ulit ng nagtangkang patayin ang sarili pero ito buhay parin.
Nag Simula ito ng mamatay ang pinaka importanteng mga tao sa buhay ko ang ama ko at si Jamel na kasintahan ko.
Namatay sila sa paraang Hindi ko inakala at sa panahong hindi ko manlang naisip. Nahirapan ako at hindi nakayanan buti nga nagtagal pa ako.
"Hi , pwedeng maki upo?", Hindi nilingon ang panlalaking boses ay basta nalang akong tumango rito.
Habang patuloy ang pagtitig sa mga ilaw na nagsisimula ng kumislap naramdaman ko naman ang pag upo nito sa inuupuang bench.
" Alam mo ang ganda sana ng mga mata mo pero ang lulungkot nila", doon lang ako napalingon sa lalaking tumabi sa akin kanina.
Nakangiti na halos mawala ang singkit nitong mga mata , top knot ang itim nitong buhok at may braces ang mapuputing ngipin sumasalida rin ang maliliit nitong biloy sa magkabilang pisngi na lalong nag pacute sa muka nito.
Napangiti ako kaninang sinabi nito.
"Akala mo lang iyon", sagot ko rito.
Ayon sa alam ko isa ito sa mga magagaling na dancer sa aming school pero hindi ko pa sya kilala.
" Siguro nga, Oo nga pala I'm Omhar Kalisto isang hamak na dancer , same school tayo diba?", ngumiti ulit ito at naglahad ng kamay.
"I'm Leane Ramos isang hamak writer", tinanggap ko ang kamay nito pero nagtagal ang tingin nito sa palapulsuhan ko kung saan kita ang mga pilat.
Binawi ko ang kamay sa pag aakalang magtatanong ito pero nginitian lang ako nito guni guni ko man pero kumislap ang mga mata nito.
" Isa ka palang manunulat, binibini ," Natawa ako dahil muka itong trying hard na makata.
"At ikaw naman ay isang mananayaw , Ginoo", pareho kaming naTawa sa kahibangang iyon.
" Hindi ka pa ba uuwi o may hinihitay ka pa?", pagkaraan ay tanong nito napa buntong hininga ako.
"Nah , wala akong hinihintAy at wala rin akong uuwian sa apartment ko", ayaw kong umuwi dahil kadalasan ay kung ano ano ang naiisip ko.
" Wanna date?", napatingin Ako sa gawi nito.
"Ano?", Hindi ako binge pero gusto kong makasiguro mahirap na.
" I mean wala ka namang kadate tonight diba? What if- tayo nalang magdate wala rin naman akong kadate - and it's the night after the Valentine's day?", nalilito pa ito sa mga sinasabi.
I don't remember na Valentine's ngayon kaya natawa ako na ikinakunot ng noo nito.
"Just tonight if gusto mo lang naman", ngumiti ito showing his chinky eyes and little dimples.
" Okey , just for tonight let's give it a try then", yeah right, sinong matinong babae ang makikipag date isang stranger? Ako syempre ganon na yata ako ka bored.
"Great , pangako binibini Hindi mo ito pagsisihan", ngising ngisi ito habang tumatayo saka inilahad ang kamay saakin.
Tumaas ang kilay ko tAma ba tong ginagawa ko? Bahala na si Catwoman total matagal na akong Hindi naka pag date.
BINABASA MO ANG
Tears To Pieces(One Shot Stories)
RandomAng mundo ay malihim , ang tao ay nagsisinungaling at ang tadhana'y madaya. Kaya mo bang sumugal?