As what they said, behind a man's success there is a woman but I wonder what is behind a man's misery.Isang malamig na panahon habang naka upo ako at tulala sa kawalan, blangko ang utak at takot ang nasa dibdib.
Paulit ulit kong ipinaintindi sa sarili na kalimutan ang isang malagim na nakaraan at ituloy ang buhay kasama ang lalaking nasa tabi ko palagi.
Pero paano ko kakalimutan ang dahilan na nagwasak sa dignidad ko bilang babae? Paano ko kakalimutan ang bakas ng dumi sa pagkatao ko?
"Hon?" Napapitlag ako at agad na umatras ng maramdaman ang isang mainit na hawak.
"Sorry, it's me." Unti- unti ko itong nilingon.
Kagaya ng dati matapang syang nakangiti sa harap ko animoy walang problema pero alam kong may dinaramdam rin sya.
"Calvin?" Mahinang untag ko rito. Tumango sya at umupo sa kaharap kong upuan. He's Calvin Morales, a successful businesses and multi- billionaire. Famous and high.
"Bakit nandito ka?" Malamig na tanong ko. Hindi ko maintidahan kung bakit ang isang mataas na kagaya nya ay nasa harap ko ng paulit ulit.
Hindi ko lubos makuha kung bakit kahit ipagtulakan ko man ito ay paulit ulit rin itong bumabalik. Hindi ko alam kung bakit ang isang kagaya ko ang pinipili nya kung meron namang mas malinis at kapantay nya.
"Ilang ulit mo man akong ipagtulakan, Honey alam mong babalik at babalik ako." Seryosong saad nito.
Nakaramdam ako ng pagkainis rito. Halos iwan na ako ng lahat kaya ayos lang kung iwan rin nya ako. Na e- intindihan ko.
"Iwan mo na ako Calvin utang na loob."
"Walang iiwan Honey, wala." Matigas na saad nito.
"Bakit ba hindi mo maintidihan? Hindi na tayo nababagay sa isa't isa, hindi ko na maaatim pang hawakan mo and worst mahalin mo, hindi ko na kaya Calvin." Mabilis na umibis ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko.
I look at him intently as his eyes betrayed him. He was my man and I was his only woman but that was before, before I was violated.
"Hindi ko na kayang maging sayo pa, Calvin. Ayoko na, intindihin mo naman sana."
"Your reason were all shallow, hon. Anong mali sa mahalin kita kahit sabihin pang..." Lumunok sya tinatantya ang magiging reaction ko.
"Pano ko maintidahan kung wala kang sinabi sa akin? Walang kwento?" Umiling ako sa sinabi nya.
Tuluyang bumuhos ang luha sa alaalang sumira sa pagkatao ko.
"Gusto mong malaman? Sige." Siguro nga kilangan nyang malaman. Tinitigan ko sya sa mata.
"Late akong umuwi noong gabing yon at nasa business trip ka naman kaya walang naghatid sa akin....I get on a taxi dahil nga wala naman akong sasakyan noong una ayos naman pero...pero kalaunan ay napansin kong may kausap sa cellphone ang driver benaliwala ko iyon dahil baka sino lang naman..." Patuloy na umaagos ang luha ko habang nakatitig lang naman ito sa akin.
"Nang madaan kami sa may kadiliman ay bigla nitong itinigil ang sasakyan kaya nag panic ako... Tinutukan nya ako ng patalim at inababa..."
"Stop, stop it Honey, tama na." Tumayo sya at nakapaskil ang galit sa namumula nyang mata, nag igting ang panga at naihilamos ang kamay pero hindi ako nagpatinag.
"Pagkatapos ay may dumating na dalawang lalaki... Calvin? Binaboy nila ako, pinagsamantalahan, sinira nila ang pagkatao ko..."
"Sh*t, f*ckers!!!!" Nagmumura sya habang umiiyak naman ako.
Panay ang hagulgol ko habang panay naman ang mura at suntok nya sa mga gamit. Nasasaktan ako habang sinasaktan nya naman ang sarili.
"Calvin, tama na." Mahinang saad ko sa kanya.
Humarap sya sa akin at parang kinurot ang puso ko sa nakitang luha sa mga mata nya. Umiyak sya habang umiiyak ako.
Marahan syang lumapit sa kina uupuan ko at deritaong lumuhod.
"Bakit? Bakit ngayon mo lang sinabi? I could have been understand, I could have been cry with you, hurt with you..kaya bakit ngayon lang?" Nakayukong saad nya latay ang bawat pait sa salita.
"Edi sana, nakuha ko ang hustisya para sayo agad those f*ckers will pay!"
"Because I don't want to be your burden, Calvin." Pagak syang tumawa. Masakit.
"You're my woman, my happiness, success and everything sa tingin mo ba hindi ko tatanggapin ang mga pasakit at kamalian mo? Mahal na mahal kita to the point I would hurt and suffer with you without even knowing the real reason behind that. Nasaktan at nahirapan parin ako kahit pa hindi mo sinabi, kahit pa iniwan mo ako."
Napapikit ako, akala ko mas madaling iwan ko sya kisa maging pabigat sa kanya pero mukang mali ako.
"You're a part of me, my half self. You are my misery at the same time my happiness. Wag mo na akong ipagtulakan pa dahil mas babalik lang ako sayo kahit ano pang sabihin mo." Tumaas ang tingin nito sa akin kasabay ang galit at poot na alam kong hindi para sa akin kundi sa mga taong nanakit sa akin.
Dear God, anong nagawa ko noon para maging ganito ka swerte sa lalaking kaharap ko? Sabihin mang nasira ako pero ito uli sya para buuin ako.
Mas lalo akong naiyak at buo na ang pasya ko.
"I'm sorry kasi akala ko iyon ang mas makakabuti. Sorry kung nagdisisyon ako at kinalimutang mahal na mahal mo ako. Sorry for untrusting you, Calvin I love you." Saad ko bago ko sya inakap ng mahigpit na sinuklian nya naman agad.
"You don't have to cause I love you and I understand."
Bakit ko nga ba nakalimutang mahal nya ako at tatanggapin nya parin ako? Pinagdudahan ko sya kaya nasaktan ko sya lalo.
"I am ruined." Mahinang saad ko.
"Then let me fix you while you complete me."
"I love you, Calvin."
"I love you more, Honey. You're the reason of my tears, my misery but you complete me in that way."
Alam kong kalabisan pero aangkinin ko na sya habang buhay, ruined or not.
----M.L.
Lame noh? Pero pag ibig nga naman. True love will always see you perfect even your imperfect.
Kaya kung iniwan ka nya kasi nagkamali o may mali sayo, juice mio buti nga dahil nasa maling tao ka.
Keep someone na kaya kang tanggapin maski ano kapa, kaya kang alagaan at mahalin ng subra because at that moment masasabi mo nasa tamng tao kana.
Keep reading and voting.
Grazi.
BINABASA MO ANG
Tears To Pieces(One Shot Stories)
RandomAng mundo ay malihim , ang tao ay nagsisinungaling at ang tadhana'y madaya. Kaya mo bang sumugal?