Maaga akong gumising kinabukasan dahil binilinan ni abuela na magsisimba daw kami.
Habang nakikinig sa misa ay hindi ko maiwasang mapatingin sa katapat naming upuan. Ang sabi sa akin ni mommy ay mga Dela Vega daw iyon and then I remember the land I ask manong Berto noong nakaraan. Sa kanila iyon!
Naroon si Josefina, sa tabi nito ay isang sopistikadang babae. Siguro ay iyon ang kaniyang ina at sa kaliwa naman ay ang kaniyang ama at ang matandang lalaki ang nasa dulo. Hindi rin nakaligtas sa akin ang nakahilerang tatlong lalaki sa tabi, isa doon si Fabio.
Nagsisimba rin pala ang isang iyon. Dela Vega. Kaya naman pala mapaglaro sa buhay at habulin ang isang iyon dahil mayaman.
Marahang pinalo ni mommy iyong braso ko gamit ang kaniyang pamaypay ng makitang nasa iba ang atensyon ko kaya agad akong umayos ng upo at nakinig sa sermon ng pari.
Nang matapos ang misa ay marahan na rin kaming umalis napahinto lamang sa kalagitnan ng aisle ng makaharap ang matandang Dela Vega.
Hindi ko mapigilang mamangha ng makitang halos magkakamukha ang lahat ng kalalakihan. Maski ang matandang Dela Vega ay nagmumukhang makisig na cowboy sa tindig nito. Matangkad at may matitipuno na pangangatawan. Hindi rin mapagkakaila na pare parehas ang tangos ng ilong at mata. Siguro ay may lahi ng banyaga ang angkan nila.
"Kumusta na ang kalagayan mo, Esperanza?" pormal at malalim ang boses ng matandang Dela Vega. Kung hindi lang ito na kangiti kay abuela ay iisipin kong galit ito.
Tumawa lamang ang abuela at nagbiro tungkol sa kanyang katandaan habang napabaling naman ang tingin ko kay Josefina ng makitang nakatingin din ito sa akin.
I smile at her. Tipid nya rin akong nginitian at nahihiyang nagiwas ng tingin. Agad na napawi ang ngiti ko ng makasalubong ang tingin iyong aroganteng lalaki. Hindi ito nakangisi ngunit iba ang ipinapahayag ng mga mata nito na puno ng kapilyuhan.
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at ngumiti na lang din sa kanya. Ikinangisi nya iyon na ikinainis ko na para bang katuwatuwa lahat ng ginagawa ko.
Iniwas ko agad ang mata ko sa kanya at nginitian ang mga nakakatandang Dela Vega ng ipakilala ako ni abuela sa mga ito. Hanggang matapos ang batian at kwentuhan ay hindi ko na nilingon muli ang banda nya kahit pa noong tuluyan na kaming nakaalis ng simbahan.
"Becca, bumaba daw agad para sa tanghalian," bilin sa akin ng pinsan. Tumango ako at tuluyan ng umakyat sa aking kwarto.
Nagpalit lang ako ng damit at agad na din bumaba. Andon na silang lahat at ako na lang ang hinihintay.
Tahimik na kaming kumain at tulad ng nakagawian ay ng panghimagas na ang inihahain tsaka pa lamang umingay ang lamesa.
"Bukas na pala ang pasukan ng mga bata. Nakahanda na ba ang mga gamit mo, hija?" tanong sa akin ni abuela na agad kong tinanguan.
"Yes po. Bumili na po ako kahapon."
"Good. You can make friends there. I'm sure they will all like you," masayang sabi ng matanda at binilinan si kuya Matthew na bantay bantayan daw ako.
Maski si daddy ay nakisali at wag daw ako paliligawan. Napabuntong hininga na lang ako at kinain na lang iyong ice cream ko.
My family is really overprotected to me. I can handle myself, thank you very much. They don't have to say that to kuya Matthew. I feel like they asking him to be responsible to me and I don't like it. Ayokong maging pabigat kahit kanino. Ugh! I'm already 18 and I am obviously not a kid anymore.
Mabilis lumipas ang linggo ko lalo na at kaba ang naramdaman ko ng mapagtantong papasok na ako bukas. Ito ako ngayon naglalakad patungo sa unang klase ko. Hindi ko kabisado ang mga lugar na tutunguhan ko, mabuti na lang at sa iisang building lang daw iyon sabi ni kuya Matthew at may mga nakapaskil naman daw sa bawat kwarto maliban sa PE class ko na sa gymnasium. Itinuro nya rin iyon kanina kaya hindi na ako nabahala pa.
BINABASA MO ANG
Apartment Series I: Rebecca
RomanceRebecca Suarez Avena x Juan Fabio Lazaro Dela Vega It is not love if it doesn't hurt. ----------------------------------------------------------------- Read at your own risk. written by: Francesca a.k.a (MsBlckPnk)