Ganun nga ang nangyari ng sumunod na linggo. Maaga akong umuuwi at inaabala ang sarili sa pagaaral. Noong weekends naman ay nagaral akong magluto.
I made sure to make myself too busy to make no rooms for other things. Pero ng tawagan ako ni Mang Berto kanina na hindi nya daw ako masusundo ay parang nagunaw na lang bigla ang pader na binubuo ko.
"Pasensya na miss, wala kasi iyong isang driver at nagpacheck up ang lola mo. Inutusan naman ako ng Daddy nyo na ipagdrive sya at may hearing sa kabilang probinsya."
"Ganun po ba. Sige po sasabay na lang po ako kay Kuya Matthew."
Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumiko muli sa pamilyar na daan patungo sa field. Mukhang kauumpisa pa lang ng practice nila. Sabagay alas singko pa lang naman.
Kahit medyo malayo layo pa ako ay sinikap ko talagang hanapin ang gamit nila at tignan kung may babae bang nakaupo doon. Ganoon na lang ang pagkaginhawa ko ng makitang wala.
Kaya naman di na ako nagpaligoy ligoy na dumiretso doon at panoorin ang mga naglalaro.
Ng minsang sumulyap sa gawi ko si Fabio ay nagkatinginan kami. Bakas sa kanya ang pagkagulat na makita ako dito. Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil nagwawala na naman ang puso sa simpleng tingin na iyon.
Inabala ko na lang ang sariling umpisahan ang mga requirements kahit may next week pa ako para gawin iyon. Simula na kasi ng intrams bukas kaya acad break ang mga estudyante hanggang Friday.
"Wala si Mang Berto?" tanong ni kuya Matthew at medyo hinihingal pa. Inabot ko iyong tuwalya at gatorade sa pinsan bago umiling.
"Pinagdrive si daddy."
Napasulyap ako sa katabi nya ng tumikhim ito. Nakatingin siya sa akin bago inilipat ang mata sa tubig na nasa tabi ko lang.
Kung tama ang iniisip ko na gusto nyang iabot ko iyon sa kanya ay hindi ko iyon gagawin. Bahala sya dyan. Asan ba kasi ang girlfriend nya?
Napakagat sya ng labi bago kusang kinuha iyong inumin sa tabi ko habang umiwas naman ako ng tingin. Nagkasalubong ko pa tuloy ng tingin iyong isang ka teammates nila. Ngumiti iyon kaya tipid na lang din akong ngumiti.
Panay ng paguusap nila tungkol sa papalapit na laban. Kahit ramdam ko ang paminsan minsang pagsulyap sa akin ni Fabio ay pilit ko itong binalewa at nagpatuloy sa paggawa ng requirements.
Ng nagpaalam ang pinsang magccr daw ay bigla ako kinabahan. Ibig sabihin ay maiiwan ako kasama ang lalaking ito. Napatikhim ako at nagscroll sa Ipad at nagpatuloy sa pagbabasa kahit wala naman talaga akong naiintindihan.
"Homework?" aniya.
Tumango naman ako at kunyaring nagiiscroll.
"Maybe, I can help." Agad ko syang inilingan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya napasulyap ako sa kanya.
Mukha syang problemado sa itsura nya. Siguro ay nagaway sila noong Lindsay kaya wala dito ngayon. Tss.
Nagiwas na lang ulit ako ng tingin at nagdasal na sana magpractice na lang sila ulit. Ayokong kausap sya. I'm being unfair here pero naiinis pa rin kasi talaga ako.
Mukhang nakaramdam at hindi na muli sya nagsalita pa. Hanggang sa tinawag na sila ng coach nila para mag patuloy sa pagpractice.
Hindi ko alam kung bakit parang napakatagal ng oras. Halos matapos ko na ang requirements pero hindi pa rin sila tapos. It's almost 8 pm at nagugutom na ako. Itexted mommy na gagabihin kami ng pinsan.
Itinigil ko na ang ginagawa at nagbukas na lang ng social media ng maalalang hindi ko pa nga pala sya friend. Agad kong itinipa ang pangalan nya sa search bar at lumabas ang isang profile kung saan isang stolen shot iyon habang sinisipa nya ang bola.
BINABASA MO ANG
Apartment Series I: Rebecca
Roman d'amourRebecca Suarez Avena x Juan Fabio Lazaro Dela Vega It is not love if it doesn't hurt. ----------------------------------------------------------------- Read at your own risk. written by: Francesca a.k.a (MsBlckPnk)