Kabanata 5

16 1 0
                                    

Mula sa nilalakaran ko ay tanaw ko na ang field at masayang nagtatalunan ang mga players doon. Practice pa lang ang nangyayari at sa susunod na linngo pa ang totoo nilang laban.

Tulad noong mga nakaraan ay may iilang mga nanonood ng practice nila o hindi naman ang iba ay naghihintay sa mga nobyo nila.

Dumiretso ako sa madalas na pinagiiwanan ng gamit ng pinsan. Nang tuluyang makalapit ay napansin ko ang isang babaeng chinita at sobrang puting nakaupo din doon.

Nilingon nya ako at sinuri with matching taas kilay pa. I feel insulted pero hinayaan ko na lang. I wonder kung sino ang hinihintay nya, ang pinsan kaya o si Fabio.

Ang maisip na ang huli ang pakay nya ay ang pagsama ng timpla ng pakiramdam ko.

Pasimple kong sinulyapan ang babae at nakitang busy ito sa pagtatype ng mensahe sa cellphone. Maputi, makinis, matangkad, malaki ang hinaharap, at maganda. In short, ang mga tulad nga nya ang tipo ng magkakaibigan. Iyong mga mukhang modelo at artistahin.

Napabaling lang muli ako sa field ng makarinig ng malakas na pagpito at narinig ng pagsigaw ng coach nila na break daw muna.

Natanaw ko na ang pinsan na papunta rito. Halos di na magkamayaw sa bilis ng tibok ng puso ko ng makita si Fabio na tulad ng pinsan ay patungo rin dito.

Naramdaman ko ang pagtayo ng katabi kaya napalingon ako sa kanya. Sobrang laki ng ngiti nya habang iniaabot ang tubig sa huli. Ang nobya pa mismo ang nagpunas ng kanyang pawis.

Agad akong nagiwas ng tingin sa dalawa at napatikhim. Tss. Kung kanina ay natutuwa ako sa pagpunta ko dito ngayon hindi na.

"Pahanap nga iyong tuwalya ko sa bag," ani ng pinsan bago sumalampak muli sa damuhan.

Agad kong sinunod ang utos ni kuya Matthew. Habang nagpupunas ay hindi ko na mapigilan ang sariling magtanong.

"Matagal pa ba kayo?"

Napatingin saglit sa akin ang pinsan bago nagpatuloy sa ginagawa at tumango.

"Baka hanggang alas siete kami ngayon," aniya bago tumayo muli at tumakbo papunta sa coach nila ng tawagin sya nito.

Napabuntong hininga na lang ako at inilabas ang Ipad para tapusin iyong RRL para sa isang research naming subject.

Hindi nakaligtas sa akin iyong bulungan ng dalawa sa gilid ko kaya panay ang pagpipigil ko sa sarili kong lingunin sila. Ngunit ng marinig ang huling sinabi ng babae tungkol sa pwede daw sya ngayong gabi at pwede daw silang mag 'have fun' ay hindi ko mapigilang lingunin ang gawi nila.

Nagkatinginan kami ni Fabio at narinig ko pa ang pagsaway nya sa nobyang pumapalupot sa kanya. Kung dati siguro ay ngingitian ko lang siya at babaliwalain iyon pero ngayon ay parang malabo na iyong mangyari dahil tila nilulukot ang puso ko sa nakikita at narinig.

Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa ginagawa. Tss. Babaero.

"Hi! Ikaw ba iyong pinsan ni Matthew?" tanong ng katabi ko. Nilingon ko sya at tumango bilang tugon.

"I'm Lindsay. We're classmates," pakilala niya.

"...and that is my boyfriend," aniya sabay turo kay Fabio na nagha-half run papunta sa coach nila.

"Rebecca," pakilala ko sa sarili ko.

Masyado namang proud sa boyfriend ang isang to. Ganito ba lahat ng girlfriend niya pinagkakalandakan sa lahat ang relasyon nila. Kaya lumalaki ang ulo noon eh feel nya patay na patay sa kanya lahat ng babae. Tss.

"Pansin ko ang panay na pagsulyap mo kay Fabio," aniya at hindi pinansin ang pagpapakilala ko. Nagulat ako sa sinabi nya kaya hindi agad nakapagsalita.

Natatawa nya akong nginitian na para bang katawa tawa ako sa paningin nya.

Apartment Series I: RebeccaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon