"Becca, are you listening?"
Napalingon ako kay Kuya Matthew, "huh?"
May sinasabi ba sya? Nakaidlip yata ako habang pinagmamasdan ang rutang laging dinadaanan namin patungo sa eskwelahan.
"Ang sabi ko may practice ako ng football mamaya at kung hihintayin mo ba ako o magpapasundo ka na kay Manong Berto?"
"Matagal ba kayo?"
"Probably, 'till past seven," sagot nito sa di siguradong oras. It's late pero kung ganon ay makakaabot pa kami para sa hapunan.
Napaisip ako saglit bago magpasya, "sasabay na ako sa sayo sa paguwi kung ganon."
Kung may gawaing ibibigay man ay sa field ko na lang gagawin habang naghihintay. Naalala kong pinagdrive nga pala ni Manong Berto si Mommy sa kabilang probinsya. Ngayong hapon ang balik nila kaya paniguradong kung makabalik man bago ang uwian ko ay pagod na si Manong at ayoko ng abalahin sa kanyang pagpapahinga.
My mom is a Certified Public Accountant habang ang daddy naman ay isang CPA Lawyer dahilan kung bakit accountancy na rin ang pinili kong course. Specially, when I see how pleased my parents are ng sinabi kong iyon ang kukunin ko.
"Becca!"
Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Fatima na tumatakbo patungo sa akin. Huminto sya sa tapat ko at hinabol ang paghinga.
"Uh... Goodmorning?" alanganing bati ko dahil mukhang hingal na hingal talaga sya sa ginawang pagtakbo.
Nang makabawi ay masaya nya na akong hinila patungo sa classroom. As usual, Katie is already there. Sumasabay kasi ito sa daddy nya bago pumasok sa trabaho at sinusundo rin tuwing uwian. In short, hatid sundo sya ng daddy nya.
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa natapos na ang huling klase ko para sa araw na iyon. I sighed at nagayos na ng gamit.
Almost everybody is whining about our topics lalo na sa mga accounting subjects na maski ako ay nadrain. Hindi rin nakakatulong ang ilang minor subjects namin na maraming pinapagawa. Kahit pa sa isang linggo pa ang deadline ay feeling ko hindi pa rin iyon kayang tapusin sa ganoong kaigsing panahon.
Nagkatinginan kami ni Katie ng biglang dumukdok si Fatima at sinabunutan ang sarili. Natawa na lang kami ni Katie at hinila na palabas si Fatima para makauwi. Nang nasa tamang likuan na ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at tumungo sa field. I've been there twice. Tulad ngayon ay hinihintay ko si kuya Matthew hanggang sa matapos ang practice nya at sabay kaming uuwi.
I held my dress tightly ng umihip ang malakas na hangin. Papalubog na ang araw at lumalamig na rin ang simoy ng hangin. I feel a bit relax of the scene I'm witnessing.
Marahan akong upo kung saan nakalagay iyong duffel bag ni kuya Matthew. Bilin nya iyon para daw makilala ako at hindi guluhin ng iba. Tahimik kong pinanood iyong ginagawa nila at napansing mukha kanina pa sila naglalaro. All 1 ang score at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa nangyayari. Hindi ba sila napapagod magpabalik balik sa pagtakbo? Pero siguro kung gusto mo talaga iyong ginagawa mo hindi mo na iindahin ang pagod.
Kinuha ko iyong maliit kong notepad para tignan kung may assignment ba kami na ang passing ay bukas na. May dalawang nakanote doon. Iyong isa ay last week pa ibinigay sa amin kaya tapos ko na habang ang isa ay kanina lang. Tungkol lang naman iyon sa mga government agency. Pwede ng i-google at konting paraphrasing kaya madali lang, ang nagpahirap lang ay gusto ni Maam na handwritten. Magsesearch na ako ngayon at icocompile na sa MSWord para ililipat ko na lang sa yellow paper pagkauwi. Kaya iyon nga ang ginawa ko.
Napahinto ako sa ginagawa ng pumito iyong coach nila at binigyan sila ng 15 minutes break. Nakita ko ang pagjog ni kuya Matthew papunta sa akin. Sa likuran ay ang kaniyang kaibigang kinakausap ng kanilang coach na kahit ganoon ay nakatingin sa akin. He's panting and sweating pero imbis na magmukhang marumi o dugyutin ay mukha syang commercial model ng shampoo at katatapos lang maligo.
BINABASA MO ANG
Apartment Series I: Rebecca
RomanceRebecca Suarez Avena x Juan Fabio Lazaro Dela Vega It is not love if it doesn't hurt. ----------------------------------------------------------------- Read at your own risk. written by: Francesca a.k.a (MsBlckPnk)