Kabanata 4

17 1 0
                                    

Naging ganon ang sumunod na linggo ko. Tuwing Martes at Biyernes ang araw ng kanila practice tulad ngayon, Martes, I make sure that I'm already done with all of the homeworks na due date ngayong linggo pati ang pagrereview ay ginanahan akong gawin noong weekends para okay lang na maghintay muli sa practice.

I've been acquainted with some of their teammates pati ang coach nila ay kilala na ako. They're all nice to me at mukhang nabalaan na ng pinsan tungkol sa paano ako pakikitunguhan at mga limitasyon. Hindi ko alam kung bakit pinagbibigyan ko ang sarili ko na pumunta rito kung pwede namang magpasundo na lang ako kay Manong Berto at wag ng maghintay sa pinsan.

"You like chocolates?" tanong nya ng makita ang mapangkakalahatian ko ng tsokolate.

Kahit hindi ko tignan ay kilala ko na kung kaninong boses iyon ngunit nagangat pa rin ako ng tingin para humanap ng paraan para matignan sya. A familiar scent attacks my nose, mukhang nauna syang natapos magbihis sa pinsan ko.

Ala sais pasado pa lang at hindi pa tuluyang nagdidilim ang kalangitan. Maagang natapos ang practice nila dahil maaga rin daw silang nagsimula kanina. Hinihintay ko na lang iyong pinsan ko na maliligo at magpapalit lang daw.

"Uh... yes," dumukot ako ng isa sa bag ko at inialok sa kanya. "Gusto mo?"

Napanguso sya na halatang nagpipigil ng ngiti habang tinangap iyong tsokolate.

Ilang interaksyon ang pinagsasaluhan namin tuwing break nila o tuwing uwian. Minsan ng maabutan nya akong nahihirapan sa isang tanong sa math assignment ko ay siya na ang nagsagot noon at tinuro sa akin paano kuhanin.

"You should compute this first before squaring it," aniya. Napatango naman ako dahil sa pagkamangha. Bakit nung sya ang gumagawa ay parang napakadali lang noon.

Sobra ang hiya ko dahil alam kong pagod sya at kagagaling nya lang ng practice, imbis na magpahinga ay tinulungan nya pa ako sa assignment. Mabuti na lang at huling practice na nila iyon para daw makapag concentrate sila sa exam kaya halos hindi ko sya nakita sa buong linggo.

Kahit ganoon, I still feel contented with it and looking forward to have a small talk or interaction from him every now and then. Iniisip na next week ay nagkikita na ulit kami sa practice nila. I feel so giddy na tila ba ang pinaka kinaiinisan na tao ko noon ay ang pinaka paboritong tao ko na ngayon. Nababaliw na yata talaga ako.

"Feel nyo din? Nakakabobo talaga maging accountancy student," si Fatima habang nakikipagtitigan sa kanyang binabasa.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Katie at isinubsob ang mukha sa kanyang libro. Maski ako ay napangalumbaba na lang at pumikit.

Katatapos lang ng exam namin kanina para sa first term at literal na napapatulala ka na lang pagkatapos ng isang linggong tila pagsabak sa gyera. Mabuti na lang at wala ring practice ang football team kaya nakapagconcentrate ako para sa examination.

"Buti ka pa, Becca. Natapos at nabalance mo," mangiyak ngiyak na sabi ni Fatima.

Kasalukuyan kaming asa library para tumambay at magpalipas ng oras. Kung tutuusin ay wala rin akong kumpiyansa sa mga isinagot ko kahit natapos at naibalance ko iyon. Hindi naman kasi lahat ng balance ay tama. Napabuntong hininga na lang ako at napaisip na kung magmumukmok lang kaming tatlo rito ay mababaliw nga talaga kami sa kaiisip ng result ng exam.

Umupo ako ng maayos at marahang tinapik iyong lamesa. Napatingin naman silang dalawa sa akin. Ngumiti ako sa kanila, "Ano ba kayo hangga't hindi pa nachechekan iyon hindi pa natin alam kung ano ang tamang sagot."

Unti-unting nabuhayan si Katie at napangisi, "Oo nga naman."

"Sabagay. O sya tama na nga ang pagiging nega!" ani ni Fatima.

Apartment Series I: RebeccaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon