CHAPTER 37
FIERCE'S POV
"Alam mo ba ang ganda mo, sa umaga man o sa gabi. Para kang Goddess na dumaan sa buhay ko....ang yong nakakahalinang ganda-"
"Pwede ba Yale? Gusto mong salaksakin ko yang bibig mo ng sandok kapag hindi ka tumigil? Isa pa gagawin ko na talaga."-Eika
"Eika aking mahal! Oh bakit? o bakit? Ang puso ko ay iyong sinaktan sa iyong pag-iwas sa aking pusong umiibig-"
natawa ako ng dinampot ni Eika yung sandok at ipinalo sa ulo ni Yale na tumakbo at nagtago sa likod ko para hindi siya tamaan ni Eika.
nandito kami sa kusina at kanina parin sila nag-aasaran. Actually para na akong wall flower dito dahil nakatunga-nga lang ako sa kanila.
Halos isang buwan na kami dito at ilang mission narin ni Cloak ang natulungan namin siya. Pero yung kay Jarrice..nakakapagtakang hindi pa namin siya nahuhuli na inaasikaso yung mission na yon.
pinabayaan na lang namin.
Puro kakulitan ng dalawang to ang sumasalubong sakin pag-gising ko. Wala na silang ginawa kundi maghabulan. Si Eika past time na ata niyang bugbugin si Yale.
si Yale naman bipolar. Minsan nahihiya kay Eika pero minsan inaasar naman niya. Parang kapag nakikita niyang bored si Eika biglang niyang aasarin.
"Tama na nga kayo diyan...Eika don na lang tayo sa labas at pabayaan na natin tong kusinero natin. Baka imbis na masarap ang kainin natin sunog pa."-me
inambaan ni Eika si Yale ng sandok pagkatapos ay inihagis na niya yon kung saan at lumabas.
nginitian ako ni Yale at napapailing na sumunod na ako kay Eika na halatang inis na inis kay Yale. Pakiramdam ko umuusok ang ilong at tenga ni Eika kay Yale palagi.
ang lakas din naman kasi ng trip nila pareho.
![](https://img.wattpad.com/cover/2024837-288-k730247.jpg)
BINABASA MO ANG
The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)
AdventureNow a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "I'm willing to take what's left of you. To be anything for you. And to take what's left of your heart." Ako si Fierce Jordan. Dahil s...