EPILOGUE

165K 3.1K 215
                                    

EPILOGUE

CHAPTER 50

FIERCE'S POV

"Cloak! dalian mo nang mag luto."

Pinapatahan ko si Hera na kasalukuyang umiiyak. Hinahanap na ata si Cloak. Ayaw naman akong pag lutuin ni Cloak kaya pilit na pinapakalma ko si Hera.

May narinig akong kalabog. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko si Cloak na shirtless habang may suot na apron. Nagmamadali na nillagay niya yung pancake sa tray. May sausage pa at orang juice.

Okay naman yung pancake at hindi nasunog. Araw-araw may pancake kami dahil nagpa-practice siya para maperfect ang pancake. Okay na siya ngayon kahit na mickey mouse shape siya proof na kumalat siya sa pan at sinalba lang ni cloak.

Yung sausage niya naman tustado pero okay narin.

Nakangiting humarap siya at natatawang nag lakad na ako papunta sa dining table namin. Hinain niya na yung pagkain at kinarga na ang nag wawala na si Hera.

"Every night in my dreams...I see you, I feel you, That is how I know you go on.."

napailing ako at nag simula na akong kumain. Umupo si Cloak at pinanood ko siya habang kinakantahan niya si Hera. Sa totoo lang..nong nanganganak ako at kinakanta niya yung my heart will go on..ang sakit sa tenga ng boses niya.

pumipiyok-piyok pa siya non eh.

Pero ngayong maayos na siya..normal na yung pag kanta niya. Naaalala ko tuloy nung kinantahan niya ako ng superman noon. Nakaka in love.

The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon