CHAPTER 36 ~ I Miss You ~

103K 1.6K 45
                                    

CHAPTER 36

FIERCE'S POV

Naglalakad ako sa pasilyo ng isang hotel. May dala-dala akong may kahabaan na attache case pero luckily napasok ko yon ng hindi kailangan ipa-check.

Napapangiti ako habang naririnig ko yung mga pang-aasar ni Eika kay Yale sa listening device na gamit namin. Papunta kasi sila sa kabilang hotel. Si eika mag-iistay sa lobby. Si Yale naman back-up ni Cloak doon.

hindi niya nga alam na may back-up siya.

basta..magkakahiwalay kami.

"Pwede mamaya na kayo magtalo? kasi mamaya mapahamak ang Cloak ko, kayo ang malalagot sakin. Itatali ko kayo magkasama at ihahagis ko kayo sa rooftop ng hotel na to."-me

"Ang morbid mo masyado."-eika

"Aba light pa yan."

narinig ko siyang tumawa at napailing na lang ako. Nagmamadali na tumakbo ako paakyat at nag dahan-dahan lang ako ng may biglang lalaking dumaan.

Nang mawala na siya nagpatuloy ako sa pagtakbo. 

Hinihingal ako ng makarating ako sa taas ng rooftop. Kumurap-kurap ako ng biglang nag move yung contact lense sa mata ko dahil siguro kanina pa siya nakakabit.

binuksan ko yung dala ko at kinuha ko yung sniper rifle or a.k.a. LDR or Long Distance Relationship. Pauso ni marveige na siyang nag invent nung baril.

mas malayo ang naabot at ang impact niya kesa sa normal na sniper rifle.

inihanda ko na yon at pinatong ko sa gutter ng rooftop. Sumilip ako para tignan kung nasan na si Cloak..pero mukang hindi pa siya nakakarating.

napapadiyak ako.

The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon