CHAPTER 14
FIERCE'S POV
Sinubukan kong idilat yung mata ko pero hindi ko magawa...may nakatakip don. Nararamdamn ko din ang mahigpit na pagkakatali sa mga kamay at paa ko ng lubid na sumusugat na sa balat ko.
may takip din ako sa bibig.
gumalaw ako...pero lalo lang akong nasaktan. Kumikirot din yung hita ko na tinamaan ng bala..at alam kong nandoon parin yung bala ngayon.
Kung hindi ako makakakawala dito..
mawawalan ako ng dugo.
"Oh gising na tong bisita natin."
biglang may humila sa nakatakip sa mata ko...bahagya kong kinurap yung mata ko dahil hindi pa nag-a-adjust yung mga mata ko na may katalagan ng natakpan...may nagtanggal din ng nakatali sa bibig ko.
inilibot ko yung paningin ko...may tatlong babae na nakatayo sa harapan ko at nakangisi sakin...naalala ko yung tinuro sakin ni cloak dati.
na kailangan kong tandaan ang muka ng kukuha sakin.
tinitigan ko sila..pagkatapos ay tumingin ako sa right side ko...may upuan don na puro dugo.
"J-Jarrice.."-me
"Wala si jarrice dito..itinago na namin siya sa lugar na hindi mo makikita at ng mga kasamahan mo. Siguradong magagalit ang mga boss namin kapag nakuha si jarrice samin."
"bakit ginagawa niyo to sa kaniya? wala siyang kasalanan..."
"Dapat lang na mahirapan ang babaeng yon!"
BINABASA MO ANG
The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)
AdventureNow a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "I'm willing to take what's left of you. To be anything for you. And to take what's left of your heart." Ako si Fierce Jordan. Dahil s...
