CHAPTER 49
FIERCE'S POV
Tinignan ko si Hermes habang natutulog siya sa tabi ko. Alas otcho na ng gabi at kababalik ko lang galing sa clinic ni Tita Sage. Iniwan ko muna si Hermes dito sa kwarto.
Pinatawag kasi ni Craige si Cloak para pag-usapan yung mga kailangan i-upgrade sa VEIL. Ilang buwan narin nilang binalak yon ang kaso ngayon lang nagkaron ng oras para gawin.
Speaking of Craige siya yung naging dahilan kung bakit nakuha ni Thea si Adonis...kasama na ngayon ni Thea si Adonis. Ang kaso sabi sakin ni Thea kaya niya naman daw gawan ng paraan.
Mas mababaon daw siya sa pagkakautang kay Craige at tatagal pa ang pagdurusa niya.
-___-
Actually hindi ko gets kung anong ibig niyang sabihin don.
Anyway..pumunta ako kay Tita Sage kanina dahil kahapon pa ako nagkakaron ng uncomfortable feeling sa tummy ko. Ang sabi ni Tita Sage nasa first stage daw ako ng Labor at hindi pa daw ganon kasakit yon.
Hindi ko pa nasasabi kay Cloak dahil nga kasama niya si Craige. Nag paultrasound na kami ng mag six months si baby.
...
...
Baby girl ang magiging baby namin ni Cloak. He's ecstastic when we found out that we're expecting a baby girl. Mas excited pa nga siya sakin dahil ng malaman niya bumuli siya kaagad ng mga gamit. Dinagdagan niya ng mga pangbabae na gamit yung playroom ni Hermes.
Si hermes..he's very excited too. Akala ko nga magkakaron kami ng problema dahil baka hindi niya gusto ng kapatid. Pero excited na excited narin siya.
Hindi din siya naiinip dito sa The Camp..dahil unang-una spiled na spoiled siya sa mga agents. Pangalawa lagi niyang kinukulit si adonis na mukang loner talaga.
Though magkasundo si Thea at si Adonis..wala ng iba pang agents na kinakausap si Adonis maliban kay Craige. well..its a given. Pwede silang mag bonding dahil pareho silang loner.
BINABASA MO ANG
The Camp: His Secret Agent Apprentice (Book 2)
AdventureNow a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "I'm willing to take what's left of you. To be anything for you. And to take what's left of your heart." Ako si Fierce Jordan. Dahil s...