“Salamat Manong ha.” Ang sabi niya sa taxi driver nang pinasok sa bahay niya ang isang box ng alak na pinamili niya sa grocery.
Umupo siya at binuksan ang laman ng box. Tuwang-tuwa siya sa mga pinamili niyang mga alak, “Hmm.. sarap nito.”
Agad niyang binuksan ang isang alak at agad na tunungga yun, “Wow! Ang sarap niya.” Ang sabi niya na may kislap sa kanyang mga mata.
Tinignan niya ang kabuuan ng bahay niya. Mag-isa lang siya rito dahil nasa probinsya ang mga kamag-anak niya at siya lang ang andon sa Maynila para magtrabaho.
“Sa ganitong nag-iisa ito talaga ang masarap kasama.” Ang sabi niya habang umiinom ng isang boteng beer.
“Oh bakit parang bad trip ka?” ang tanong sa kanya ng kapatid niyang babae na doctor.
“Hay ate, alam mo ba yung feeling na makatapos mong tulungan ang isang tao ay kakalimutan ka na niya bigla-bigla.” Ang sabi niya sa kanyang kapatid nang pinuntahan niya ito sa clinic na nakatayo lang sa bahay nila.
“Kinakalimutan ka? Si Helen na naman bay an, Nick isang taon na kayong wala non ha, hindi ka pa rin bam aka-move on?” ang tanong sa kanyang ng kapatid niya.
“Hindi ate, hindi si Helen.”
“So, ibang babae yan. Nililigawan mo?”
“Gusto ko sana.. kaya nga lang nakakainis siya, pagkatapos ko siyang tulungan kakalimutan niya na lang ako bigla.”
“Kilala kita Bro, napakagentleman, napakabait, guwapo at disente at talagang its so unfail kung may isang babaeng makakalimot sayo.”
“Talagang so unfair ate.” Ang sabi niya.
“Baka may amnesia…”
“Amnesia, I don’t think so… sa pelikula lang yun ate.’ Ang sabi niya rito.
“Ano bang nangyari?”
Napaatras siya hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin sa ate niya ang mga nangyari sa kanila ni Ligaya maslalo na’t babae ito. Baka ma-shock pa ito kapag nalaman niya.
“Ano bang nangyari?’
“Am… ano…”
“Mommy!”
Saved by the bell! Buti na lang dumating ang anak ng ate niya pati ang asawa nito.
Agad na kinilik ng doctor ang anak niyang babae na si Chloe, “Mommy, let’s go na.”
“Kakain kayo sa labas ate?” ang tanong niya sa kapatid.
“Ay oo, nakalimutan ko birthday kasi ng kapatid ng Kuya Jerome mo. Ano sama ka?”
“Wag na lang Ate, wala naman akong kakilala ron eh.”
“Paano yan mag-isa ka lang sa bahay?” ang sabi niya sa kanyang Kuya Jerome, “Baka abutin kami ng alas-dose ron.’
“Sige Kuya, Ate, okey lang ako. Am.. siguro maglalamyerda lang ako ng kaunti habang wala kayo.”
“Okey, bahala ka, basta wag kang magpapakalasing ha.”
Tinaas ni Nick ang kamay niya at nangako, “I promise.”
Inihinto ni Nick ang sasakyan niya sa isang bar sa Malate at pumasok don.
Magandang pampalipas oras ito habang kinakalimutan ko ang isang taong kinalimutan ako.
Umupo si Nick sa bar at nag-order ng alak sa bar tender. Ilang sandali pa ay may isang sexy na babae ang lumapit sa kanya, “Hi Handsome, mag-isa ka lang.”
Ngumiti si Nick sa babae sa totoo lang ay wala siyang mood na mambabae gusto lang niyang magpalipas ng oras.
“Yeah, pero, I want to be alone tonight eh, if you don’t mind.”
“Sige, choice, pero if you need someone to accompany you, tawagin mo lang ako.” At lumayo na sa kanya ang babae.
Kinuha niya ang drinks na inorder niya at ininom ito. Tumingon siya sa dance floor kung saan nagsasayawan ang mga tao sa bar. May mga ibang babae pa nga na malakas ang loob na pumanik ng stage at magpole dancing kaya maslalong lumakas ang hiyawan sa bar. Natatawa lang si Nick sa mga taong naghihiyawan sa loob ng bar.
Ilang sandali pa ay pumanin sa stage ang isang sexy na babae na may suot na maikling skirt at red halter blouse.
Kumapit ito sa pole at nagpaikot-ikot don.
Maslalong naghiyawan ang mga kalalakihan nang makita ang maganda at sexy na babae.
Napatayo si Nick nang makita ang babaeng iyon… Teka… kilala ko yun ha…
Nagsimula nang kumembot ang babae habang nakahawak pa rin sa pole.
Lumapit si Nick sa stage upang pagmasdan ng maigi ang babae, medyo makapal kasi ang make up nito kaya gusto niyang makasigurado.
Gamit ang isang kamay ay umikot-ikot ang babae sa pole. Napansin niyang parang hilo na ito…
Tumayo ang babae at tumalikod sa audience at saka kinembot ang pwet niya sa mga tao.
Maslalong lumapit si Nick sa stage, naiirita na siya sa ginagawang paghiyaw ng mga lalaki sa babaeng yun maslalo pa’t may isang lalake ang tumalon ng stage at nakipag-sexy dance sa kanya.
Para namang wala sa sarili ang babae na sinabayan ang lalaking yun hanggang sa umatras uli siya ng stage at parang for her finale act ay itatapon niya ang sarili niya sa mga lalaking manyak na iyon.
Na-alarma si Nick agad siyang tumakbo at sumugod sa babae, “Teka!!!”
Binagsak ng babae ang kanyang sarili nang patalikod sa stage hanggang sa bumagsak ang kanyang katawan sa mga bisig ni Nick.
BINABASA MO ANG
MY ALCOHOLIC GIRL!
RomancePaano kong nakikilala ka lang niya sa tuwing nakainom siya... will you wish na sana malasing na lang siya forever? Nick Guerrero found his love sa isang kahera ng LRT. Kaya nga lang may problema... may natatanging hobby ang girl of his dreams... at...