Mabilis na pumanik ng Tayuman Station si Nick upang puntahan si Iza at magbiyahe sa LRT papuntang opisina nang mapansin niyang mahaba ang pila sa ticket booth line ni Iza.
Napansin niya ang mga lalaking nakapila rito na panay ang sulyap sa girlfriend niya habang nagtratrabaho ito.
“Grabe ang ganda noh, ang laki pa… ang sarap siguro niyan noh.” Ang narinig pa niyang sabi ng isang pasahero na panay ang tingin sa girlfriend niya.
“Oo nga pre, ayos pilahan tong babaeng to.” Ang sagot naman ng isa.
Mga bwisit ito ha… Pambihira pinagkaingat-ingatan ko ang babaeng yan tapos gaganyanin nila!
Lumapit ang security guard sa kanya, “Engineer, pagpasensyahan mo na yang mga lokong yan..” ang sabi ng guwardiya nang mapansing hindi natutuwa si Nick sa mga naririnig niya sa mga lalaking yun.
“Boss pahiram nga ng megaphone mo” ang sabi niya sa guwardiya at pinahiram naman ito sa kanya.
“Am.. excuse me po.” Ang sabi ni Nick sa mga nakapila sa Ticket Booth gamit ang megaphone, “Announcement lang po.”
Nagulat si Iza at ang mga kasamahan niya nang makitang nagsasalita ni Nick sa mga pasahero.
“May kaunting pagbabago lang po na mangyayari dito sa Ticketing. May rules lang po tayong babaguhin. Simula po ngayon magiging malimit na lang po ang pipilang lalaki sa pilang ito.” At itinuro niya ang linya ni Iza.
“Bawal na pong titigan ng matagal yung kahera sa pilang ito, bawal na po siyang bola-bolahin, bawal na pong magpa-cute sa kanya at higit sa lahat po, bawal na din po siyang pagpantasyahan.”
Di naman mapigilan ni Iza at ng mga kasama niya ang matawa sa mga pinagsasabi ni Nick sa mga pasahero.
“Kasi po, yang kaherang yan…” at tumingin siya kay Iza, “Ay girlfriend ko na.”
Nagblush si Iza sa sinabi ni Nick.
“Girlfriend ko nap o siya at mahal na mahal ko pa siya. Kaya mga pare pakiusap po, pumila naman kayo sa ibang booth hindi yang pinagsisiksikan niyo ang sarili niyo sa booth ng girlfriend ko. marami pa pong ticket booth diyan, maluwag pa ang pila. Pagpasensyahan niyo na po ha, wala na kayong magagawa girlfriend ko na eh.”
Nagsilipatan ang mga lalaki sa ibang ticket booth kaya nabawasan ang mga lalaking nakapila sa linya ni Iza.
Lumapit si Nick kay Iza at kinatok ang glass window nito, “Ano ayos ba?”
Napangiti si Iza at umiling, “Ikaw talaga…”
“Kapag may makulit na lalaking lumalapit sayo rito itawag mo sa akin ha.” Ang sabi niya kay Nick.
“Oo na.”
Lumapit ang guard kay Nick, “Engineer, effective yung ginawa niyo!”
“Dapat lang noh, kung hindi lagot sa akin yang mga lalaking yan. Isang linggo pala akong mawawala bantayan mo itong girlfriend laban sa mga lalaking yan ha.”
“Yes sir!” ang sabi ng guwardiya.
“Good!”
BINABASA MO ANG
MY ALCOHOLIC GIRL!
RomancePaano kong nakikilala ka lang niya sa tuwing nakainom siya... will you wish na sana malasing na lang siya forever? Nick Guerrero found his love sa isang kahera ng LRT. Kaya nga lang may problema... may natatanging hobby ang girl of his dreams... at...