9

1K 14 0
                                    

"Two storey po ang bahay na ito at sobrang convenient sa lahat, malapit sa simbahan, sa school at accessible din ng mga public transportation. Sobrang fit na fit maslalo sa inyo na gusto ng bumuo ng pamilya." Ang sabi ng Marketing officer ng Dreamland Realty.

Bumuo ng pamilya...

Napangiti si Nick nang makita ang model ng bahay na iyon. Naiimagine niya na kung siya at si Iza ang nakatira sa bahay nay un kasama ang mga magiging anak nila.

"Perfect para dib a? Saan ka pa?" ang sabi ni Terence sa kanya na interesado rin sa bahay, "At ang pinakapanalo rito Pare, bibigyan daw tayo ng discount."

"Yes sir, tutal partners naman po tayo rito sa company niyo." Ang sabi ng Marketing Officer. Isa sa mga kliyente ng kumpanya nila Nick ang Dreamland Realty.

"Magdadown lang tayo ng mga One hunded thou then pwede na natin yang I-loan sa PAG-IBIG or sa bangko." Ang sabi ni Terence.

"Grabe ang ganda noh, grabe parang dreamhouse talaga." Ang sabi ni Nick na di magkamayaw sa pagtitig sa itsura ng bahay na iyon.

"Ano pare, kukuha na ako ng isa. Ikaw ba?" ang tanong ni Terence sa kanya.

"Sige ako rin." Ang sabi ni Nick.

"Naku, salamat po. Siguro po ay pumunta na lang kayo sa office namin for the settlement." Ang sabi ng Marketing Officer, "kailan ho ba kayo makakapunta?"

"Am... di ba pare one week tayong nasa field sa Clark next week." Ang sabi ni Terence sa kanya.

"Ay oo nga pala, may dadalawin lang kaming project sa Clark, one week stay kami ron. Siguro after that dadaan na kami sa office niyo." Ang sabi ni Nick.

"Sige po sir. Basta po tawagan niyo lang po ako sa opisina para maihanda ko na rin po yung mga papeles."

"Thanks pare ha." Ang sabi ni Terence at saka lumabas sa meeting room na iyon ang Marketing Officer.

"Grabe pare." Ang sabi ni Nick habang pinagmamasdan pa rin ang picture ng bahay, "Grabe talaga ang ganda ng bahay na ito. Para tuloy gusto ko ng mag-asawa eh, excited na akong patuluyin yung magiging pamilya ko rito."

"Wow pare, para naman yatang napakainspirado mong mag-asawa sa puntong ito. Bakit may pakakasalan ka nab a?"

Napangiti si Nick sa tinanong ng kaibigan niya.

"Wow Dude ano yan? May girlfriend ka na?!"

"Ammm... sana going there..."

"Para sa tama mo ngayon sa tingin ko patay na patay ka riyan sa babaeng yan, sino bay an ha?"

Ngumiti si Nick, "Sige kapag naging kami na talaga, ipakikilala ko rin siya sayo. ipagmamalaki ko sa inyo yung babaeng nagpapasaya puso ko ngayon."

Parehas na nakahiga sa sofabed sina Nick at Iza habang ipinapakita ni Nick ang sketch ng bahay na gusto niyang bilhin sa Dreamland realty.

"Ito yung master's bedroom, medyo malaki yan at may sariling CR, tapos nakikita mo ba itong part na ito. Glass door yun tapos lalagyan natin yan ng kurtina para naman may privacy tayo at ang maganda riyan pagbukas ng curtain may mini veranda tapos overlooking don ang Mt. Makiling."

"Wow parang ganda nga riyan ah." Ang sabi ni Iza.

"Tabi naman ng master's bedroom may dalawang kuwarto para naman yun sa mga bata, pero incase na higit pa sa dalawa ang magiging anak natin don't worry, civil engineer ata itong asawa mo ako ang bahalang magdivide-divide niya.'

Natawa si Iza sa mga sinasabi ni Nick, "Talagang magiging anak natin ha? At magiging asawa mo talaga ako ha?"

"Bakit ayaw mo bang pakasalan kita?"

Napakunot ng noo si Iza, "Sino ba ang nagsabi sayong girlfriend mo ako?"

"Ang puso mo... sabi ng puso.. grabe, Masaya ako sa lalaking ito."

Napatango si Iza sa sinabi Nick, "So feeling mo Masaya ako sayo."

"Nakikita ko sa mga mata mong Masaya ka."

Napangiti si Iza at hinawakan nito ang mukha ng lalaki, "Masaya ako sayo, sobra."

Hinawakan ni Nick ang kamay ni Iza na nasa mukha niya, "So... tayo na?"

Umiling si Iza, "Hindi." At tumayo ito sa kama.

"Bakit naman?"

"Kasi hindi ganon kadali ang lahat sa akin."

Dahil siguro may itinatago pa siya sa akin kaya hindi pa niya ako pwedeng sagutin...

"Siyanga pala kailan niyo pala balak puntahan yang bahay."

"Am after one week. Ay oo nga pala, ma-mimiss mo pala ako ng isang linggo." Ang sabi ni Nick sa kanya.

Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Iza, "Isang linggo?"

"Yap! One week kami sa Clark eh, may dadalawin lang kaming project."

Tumango si Iza at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig, "S-so... one week pala kitang di makikita."

Tumayo si Nick at sinundan si Iza sa kusina, "Di mo lang makikita pero isang linggo pa rin kitang hindi tatantanan. Sa text, sa tawag. Grabe, wag ka ngang malungkot, one week lang yun noh."

Sumandal si Iza sa ref at yumuko na parang nalulungkot pa rin.

"Tignan mo ito, hindi pa nga ako umaalis nalulungkot ka na."

Binaba ni Iza ang basong dala niya at hinawakan ng magkabila niyang kamay ang polo ni Nick.

"Oh bakit?"

Agad niyakap ni Iza si Nick sa bewang nito, "Mamimiss kasi kita eh."

Gumanti ng yakap si Nick at hinagod ang likuran nito, "Para naman ako hindi... sige ganito na lang... para hindi mo ako masyadong ma-miss, every day lagi akong pupunta rito para samahan ka. okey bay un sayo?"

Tumango lang si iza at yumakap pa ng mahigpit sa lalaki.

"Nick..." ang sabi Iza habang nakahiga siya sa kama at nakaupo naman si Nick sa ulunan niya at hinahaplos ang buhok niya.

"Bakit?"

"May gusto akong tanungin sayo."

"What's that?"

"Nick mamahalin mo pa rin ba ako kung sakaling malaman mong hindi maganda ang naging nakaraan ko?"

"Anong klaseng tanong yan?"

Tumayo sa pagkakahiga niya si iza at hinarap ang lalaki, "Nick, tungkol don sa ex ko..."

Napaupo ng diretso si Nick, "Are you sure na gusto mong pag-usapan natin yan?"

Tumango si Iza sa kanya.

"Nick, naging kabit ako."

MY ALCOHOLIC GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon