10

1K 11 5
                                    

“Three years niya akong naging kabit, na hindi ko alam.” Ang pagpapatuloy pa ni Iza.

                Namutla si Nick sa narinig niya mula kay Iza, “Tinago ba niya sayong may asawa na siya?”

                Tumango si Iza, “Three years niyang tinago sa akin yun. For three years inakala kong akin lang siya… pero hindi. Niloko lang niya ako, pinaglaruan, ti-nake advantage.”

                Napalunok si Nick, “Then paano mo nalaman na…”

                “Nakita ko siya sa isang mall, yayakapin ko siya non eh nang bigla siyang umiwas sa akin. dumating na lang yung asawa niya at yung tatlo niyang anak. Sabi niya asawa niya, hindi niya raw ako kilala, sabi niya sa asawa niya, ngayon lang daw niya ako nakita. Pakatapos non, tinawagan ko siya, sabi ko sa kanya mag-explain siya…” at nagsimulan ng umiyak si Iza, “Kasi unfair itong ginagawa niya sa akin. Pinaasa niya ako, pinagmukhang tanga, sobrang tanga sa loob ng tatlong taon. Pero wala akong narinig na explanation, hindi na siya nagpakita sa akin, hindi niya na ako kinausap. After noon, sobrang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Tanong ko non sa sarili ko, mukha ba akong laruan para paglaruan ng ibang tao? Mukha ba akong uto-uto, mukha ba akong hindi pangseryosuhang relasyon. Nick mabait naman ako di ba? Pero bakit ganon Nick.. bakit?”

                Hinawakan ni Nick ang magkabilang pisngi ni Iza, “Makinig ka sa akin, hindi ka tanga… siya yun. Dahil napakatanga niya para paglaruan ka niya. Hindi ka laruan, dahil mahalaga sa akin. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko…”

                “Pinakamaganda… kahit napakulong na kita?”

                “kahit ikulong mo pa ako paulit-ulit.” Ang sabi ni Nick, “Walang magbabago dito.” At itinuro niya ang puso niya, “Ikaw pa rin ang tinitibok nito. Ang lakas pa nga eh.”

                Napangiti si Iza sa sinabi ni Nick at niyakap niya ito, “Nick may isa pa pala akong sasabihin sayo…”

                “Ano yun? Sige, sabihin mo na lahat, makikinig ako…”

                “Nick, mahal kita.”

                Natigilan si Nick sa kanyang narinig mula sa babae.

                “Ano uli?”

                “Mahal kita Nick.”

                Bumitaw si Nick sa pagkayakap kay Iza at tinignan ito, “Mahal mo ako?”

                Tumango si Iza, “Oo, bakit may mali ba sa sinabi ko?”

                Ngumiti si Nick, “Siyempre wala! Walang mali ron sobrang tama yun, as in sobrang.. tinamaan  ako sa sinabi mo.”

                Natawa si Iza sa naging reaction ni Nick, “So, doon ba tayo titira sa bahay na bibilhin mo?”

                HInawakan ni Nick ang magkabilang balikat ni Iza, “Yung bahay nay un Iza, yung ang magiging palasyo nating dalawa.” Sabay yakap niya sa kanyang nobya.

                “At last nakita na rin ng kapatid ko ang babaeng para sa kanya.” ang sabi ni Dra Sheila nang mag-dinner sa bahay nila sina Nick at Iza.

                “Good taste Nick ha, bagay kayo ni Iza.” Ang sabi ng Kuya Jerome niya.

                Napayuko si Iza nang marinig ang compliment na yun.

MY ALCOHOLIC GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon