" Merry Christmas!!!!"
At saka sabay-sabay na nagpaputok ng confetti poppers ang mga nasa rehab at ang mga bisita nito.
"Oh sayawan na tayong lahat." At sabi ng host ng Christmas Party.
Hinila ng mga ibang pasyente ang mga partners nila sa dance floor at nagsayawan don.
Umupo naman si Nick sa tabi ni Iza at inabot ang isang juice dito.
"Thanks ha."
Mula sa masasayang Christmas songs ay biglang naging slow ang tugtog sa dance floor...
Your all I want this Christmas...
Biglang hinila ni Nick si Iza papunta ng dance floor.
"Hoy Nick nakakahiya hindi ako marunong sumayaw?"
Inikot ni Nick si Iza sa braso niya, "Tumigil ka nakita na kitang sumayaw."
"Pero nakainom inom naman ako non.."
"Nakainom ka rin naman ngayon ha? Ng fruit juice." Ang biro ni Nick sa kanya.
"Sira."
Kinuha ni Nick ang dalawang kamay ni Iza at inilagay sa magkabilang braso niya habang nakalagay naman likuran ni Iza ang mga kamay ni Nick.
"Your all I want this Christmas Iza... at hindi lang this Christmas kundi sa mga susunod pang Christmas..."
"Nick, cheesy ka."
"Sorry ha, namiss lang kita. Miss na miss ko na ang babaeng mahal na mahal ko." at kinuha ni Nick ang isang kamay ni Iza na nasa balikat nito at saka hinalikan.
"Nick sabi ng mga doctor, okey na raw ako, few weeks from now, pwede na akong lumabas dito at makasama ka at ang pamilya ko."
"Are you excited na makakasama mo akong uli?" tanong ni Nick sa kanya.
"Sobrang excited kaya nga lang natatakot ako.. paglabas ako iba na ang magiging tingin sa akin ng mga tao, baka yung mga dati kong kasamahan baka..."
Tinakpan ni Nick ang labi ni Iza, "Shhh... wag mong isipin yan. Sa maniwala't ka hindi, hindi nagbago ang tingin nila sayo. Trabaho lang siguro ang nawala sayo pero hindi ang mga kaibigan."
"Saka yun pa... trabaho."
"Trabaho lang ba ang problema mo? Ako na lang ang trabahuhin mo."
Pinalo niya ang balikat ng lalaki "Sira ka talaga Nick."
"Nagpapatawa lang, worry ka kasi ng worry. Sabi nga nila when a door closed, windows will open, saka mo na lang problemahin yan paglabas mo rito, sige ka baka madepress ka na naman sa kakaiisip at maslalo ka pang tumagal dito."
"Salamat Nick ha, salamat sa suporta." Ang sabi ni Iza sa kanya.
At ngumiti sa kanya si Nick.
After few weeks...
"Iza, lagi mong tatandaan yung mga payo namin sayo ha." Ang sabi ng counselor sa kanya, "Saka yung mga medicines mo, always take that."
"Yes po, thank you din pop ala sa pag-aalaga niyo sa akin. Sobrang hindi ko po talaga kayo makakalimutan parang isang pamilya na po tayo rito eh."
"Mamimiss ka rin namin Iza. Teka may ibibigay pala ako sayo." inilabas ng counselor ang isang business card at inabot ito kay Iza.
"Ano po ito?"
BINABASA MO ANG
MY ALCOHOLIC GIRL!
RomancePaano kong nakikilala ka lang niya sa tuwing nakainom siya... will you wish na sana malasing na lang siya forever? Nick Guerrero found his love sa isang kahera ng LRT. Kaya nga lang may problema... may natatanging hobby ang girl of his dreams... at...