“Nick…” ang sabi ni Iza nang makitang binabantayan siya ni Nick sa loob ng clinic na iyon, “Kamusta?”
Ngumiti si Nick, “Ayo slang. Ikaw ba?”
“Okey naman.”
“Na-settle mo nab a yung dream house mo?” tanong sa kanya nito.
“Am… Iza, hindi ko muna bibilhin yung bahay.”
“Ha? Bakit naman? Sayang yun, dib a dream house mo yun sa maganda yung payment option na inooffer sa inyo.”
Lumapit si Nick kay Iza at hinawakan ang kamay nito, “Listen to me. Iza, dalawang buwan tayong hindi magkikita.”
Napakunot ng noo si Iza sa narinig niya, “Aalis ka uli?”
Umiling si Nick.
“Eh bakit matagal tayong di magkikita? Ayaw mo nab a sa akin Nick? Nakikipagcool off ka na? Nick kung yung ilang araw nga hindi ko kinaya yung dalawang buwan pa kaya.”
Tumango si Nick, “Gusto pa rin kita, mahal kita kaya lang, kailangan mo kasing magpagamot eh.”
“Gamot? May sakit ba ako Nick?” tanong sa kanya ni Iza, “Yung Ulcer ko bay un?”
“Alcoholism, alcoholism ang sakit mo.”
“Ha?”
“Iza, hindi mo na kasi kayang kontrolin ang sarili mo sa alak, naapektuhan na ang trabaho mo at ang buhay mo dahil dito kaya kailangan mo ng magpagamot, kailangan mong magparehab.”
Naiyak si Iza sa kanyang narinig, “K-kaya mo ba hindi na binili yung bahay dahil kailangan kong magparehab?”
“Iza, hindi ko binili yung bahay kasi… kasi mas importante ka sa akin. Aanhin ko naman ang isang magandang palasyo kong wala naman don yung reyna ko.”
“Nick… hindi mo kailangang gawin ito, hindi mo kailangang magsakripisyo para sa akin.” ang sabi ni Iza.
“Hindi ito sakripisyo para sa akin, ito ang magpapasaya sa ating dalawa, itong tinatawag mo na sakripisyo. Ito ang magpapaganda ng buhay natin at magpapatatag ng pagsasama natin.”
Umiling si Iza, “kahit na Nick, ayoko, ayokong gumastos ka ng ganon kalaki para sa akin.”
“Iza…”
“Nick, wag, wag mong isakripisyo yun.”
“Iza, para sa atin dalawang ito. Okey ganito lang ha, bilang ganti mo na lang sa akin, kapag nasa rehab ka na, magpalakas ka ha, lumaban ka, be a good girl.” Napayuko si Nick dahil hidi niya mapigilang maiyak, “Kayanin mo lahat para kapag nagkita tayo muli magiging maayos na ang lahat, magiging Masaya tayo.”
“Nick naman..”
“Iza… please, pagbigyan mo na ako. Pupuntahan ko rin pala ang pamilya mo sa probinsya, sasabihin ko rin sa kanila ang kalagayan mo para masuportahan ka nila. Madami kaming nasa likod mo Iza.”
BINABASA MO ANG
MY ALCOHOLIC GIRL!
RomancePaano kong nakikilala ka lang niya sa tuwing nakainom siya... will you wish na sana malasing na lang siya forever? Nick Guerrero found his love sa isang kahera ng LRT. Kaya nga lang may problema... may natatanging hobby ang girl of his dreams... at...