CMS Chapter 1

65 1 0
                                    

Summer's POV

Today is my first day as a fourth year student at St. Francis Academy and I'm super excited! Sinong hindi ma-e-excite, e, makikita ko mamaya ang aking love of my life. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita.

Maya maya pa ay tumunog ang phone ko. May tumatawag! Pagkakita ko sa pangalan ng caller ay mabilis ko itong sinagot.

"Hello, Rayze."

"Nasaan ka na?!" Bulyaw niya mula sa kabilang linya. Hindi ko man nakikita ang mukha niya'y nai-imagine ko na ang itsura niya.

Siguradong magagalit ito.

"Ahmm... Nasa bahay palang. Ika-"

"What?! Akala ko ba maaga tayong papasok? Nandito na ako sa school. Nasaan na yung maaga mo?"

Sabi ko na nga ba.

"Oo nga. Bihis na ako. Pupunta na ako jan."

"Make it fast." Sambit niya then she hangs up.

Kahit kailan talaga...

After few minutes, nakarating ako sa school. And there, I saw my besftriend talking with a good looking guy. They look so happy talking with each other. Interesadong-interesado sa kung anumang pinag-uusapan nila.

Hmm! Kunwari pang hinahanap ako. Busy naman palang nakikipag-usap kay Clint. Hihi.

"Raaaayze!" Tawag ko nang makalapit ako sa kanila. Inirapan niya ako pero ngumiti rid siya agad at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

Oh, my! Na-miss ko 'tong bestfriend ko. Sobra!

Noong bakasyon kasi ay hindi kami gaanong nagkita. Busy siya sa mga workshop at seminars. Kahit bakasyon ay busy pa rin siya sa kung anu-anong mga bagay. Ako nama'y hindi naman madalas lumabas ng bahay. Strict ang daddy ko at kailangan ko pang magpaalam para lang payagan.

"Uggh. Sumz, I can't breathe. Let go." Reklamo niya.

"Sorry. I just miss you." Sambit ko sabay bitaw at bumaling kay Clint na kanina ko pa napapansing nakatingin sa amin. "Hi, Clint!" Masayang bati ko dito.

"Hello, Summer! Good morning!" Masiglang bati niya habang nakangiti. "You look gorgeous today. Kasing ganda ng pangalan mo at ng panahon." Dagdag pa niya at mas lumapad ang ngiti niya.

Nambola na naman ang isang 'to.

Ganyan si Clint, kung anu-anong pambobola ang sinasabi sa akin araw-araw. Nasanay na lang din ako.

He is also my friend. Gwapo at matalino. Mabait na, maasahan pa. Kung nasaan si Rayze, siguradong naroon din itong si Clint. And when there's Clint, there is a possibility that Marco is around.

"Ngayon lang ba? Araw-araw kaya." Sinakyan ko ang pambobola niya.

"Hindi nga kita nakita nitong nakaraan e. Pero ngayon, araw-araw na. Sigurado, magiging makulay na ang mga araw ko." Ganti niya sa biro ko at kinindatan pa ako. Natawa na lang ako sa ginawa niya.

"Nakuuuu, tigilan niyo nga yang kakornihan niyo." Pigil ni Rayze at biglang pumagitna sa'min ni Clint. "Akala ko ba excited kang pumasok, ha, Summer? Ang sabi mo pa kagabi, maaga tayo. Ito ba yung maaga sayo, huh?"

Ayan na po ang dragooooon.

"Sorry naman poooooo. Ang tagal po kasi ni Kuya Jun e. Sabi ko naman kasi kay mommy na huwag na akong ipahatid, kaya ko namang pumasok mag-isa. Ang kaso, ayaw nilang pumayag." Paliwanag ko. "Besides, maaga pa naman, 'dba?"

Chasing My StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon